Warning 12: Rabbit.

11 1 0
                                    

Devougne’s Point Of View

Naririnig kong may kumakalampag sa kusina kaya napabangon agad ako, kinuha ko ang vase na nasa side table, pagdating ko, walang tao pero may nakita akong rabbit na nasa taas ng cabinet, nilapag ko ang vase sa mesa at lumapit pero bigla itong tumalon sa ulo ko.

Calm, Devougne Calm.

Kinuha ko ‘to mula sa ulo ko.

“Sino ba ang amo mo? Bakit ka naligaw dito? Pa‘no kaba nakapasok dito?” sabi ko sa rabbit. Parang baliw lang nu? Kinakausap daw ba abg kuneho? -_-

Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto, dadalhin ko nasana siya sa labas nang may napansin ako sa pinto, yung kutsilyo. Naalala ko nandito yun sa akin. Nilapag ko yung kuneho at patakbong pumasok sa kwarto.

“Asaan na ba yun? Dito ko lang yun nilagay..”

Habang hinahalungkat ko yung mga damit ko.

Nagulat ako nung may malamig na bagay na dumapo sa paa ko, pagtingin ko ay yung kutsilyo na hinahanap ko,habang tinutulak parin ito ng rabbit.

Paano niya nalaman? Kinuha ko kaagad ito at inipit sa likod ng pants ko at tsaka ko binuhat ang rabbit at dinala sa labas. Tinataboy ko ‘to paalis pero pumasok siya ulit sa loob.

“Naliligaw ba ito o ano?” ani ko sa sarili ko.

Umupo nalang muna ako sa couch. Kinuha ko ang kutsilyo at tinignan ito, nakikita  ko ang repleksiyon ko dito, nagulat ako nang biglang pumunta sa lap ko ang hamster at tinignan din ang kutsilyo, ngayon ko lang napansin, kulay itim yung kaliwang mata at pula yung kanang mata niya, medyo mataba ito.

“Ano ba pangalan mo?”

Pumunta ulit siya sa ulo ko, bahay ba tong ulo ko? Tutal hindi ko naman alam pangalan mo, hm, ano bang magandang pangalan?

Ahhh...SIRAULO! Total palagi ka naman nasa ulo ko”

Tumalon siya sa lap ko at paharap sa akin, nakakaawa yung itsura niya. Kulay white yung kulay ng balahibo niya, hinawakan ko ‘to at naramdaman kong unti-unti siyang humihiga sa lap ko.

“Bakit dito ka pa naligaw?”

Wala kaming alagang rabbit pero sa pagkakaalala ko, paboritong pet ni kuya ay Rabbit at kinuwento niya pa sa akin na nag-alaga daw siya noon ng ganito. Nakita kong natutulog na si Siraulo sa lap ko. Naligaw ka ba? O may nagiwan sayo dito?hmm...

Nilapag ko muna siya sa couch at pumunta ako sa kusina, gutom na din ako. Pagtingin ko sa clock 12:24pm na, matagal din pala ako natulog dahil na din ata sa mga nakita at nangyari kagabi naalala ko pa bigla yung lalaking may-ari ng singsing..

Habang kumakain ako, naalala ko pa yung nakita ko kagabi habang pauwi kami ni Nathalia.

*FLASHBACK*

Habang naglalakad kami pabalik sa building, may naririnig ako nag-uusap pero hindi ko masyado naririnig yung pinag-uusapan nila.

“Mas mabuti nang hindi nila asdfghkl..”

“For now, you need to leave, baka may—makaasdfghjkl”

“Bakit mo ba ito ginagawa?”

“Family..”

Sino ‘yun? Parang pamilyar yung boses, madilim ang gubat hindi mo akalain na maze ito dito. Nang malapit na kami sa entrance, nakita kong papasok si Simon, sa pagkakaalam ko, magkasama sila ni Peter at Jessica, Bakit ngayon lang siya? hindi na naming siya tinawag dahil pagod na din ako.

Pagdating naming sa loob, wala nang bahid na dugo makikita sa paligid kaya naisipan naming elevator nalang ang gamitin. Hindi narin umiimik si Nathalia, siguro dala din ng pagod.

Pagdating naming sa kwarto, hinintay ko muna siya matulog, tsaka ako tumayo at tinago ang kutsilyo, hindi ko alam kung kanino ito baka sa taong tumira sa pinto o sa kalaban, nilinis ko muna ang dugo dito at tsaka ko pinunasan at tinago na ito.

Nararamdaman kong bumibigat na ang mga mata ko kaya naisipan ko na din matulog.

*END OF FLASHBACK*

Hindi ko namalayan na tapos na pala akong kumain, ako na din ang naghugas ng pinggan na pinagkainan ko. Ngayon ko lang napansin, Saan kaya kumakain si Nathalia? Kapag nagigising ako, may pagkain na nakahanda. Siya kaya ang nagluluto nito?

Pagkatapos kong hugasan ang pinggan, inayos ko muna ang kitchen at nilinis ang room ni Nathalia, nakakahiya namang dito ako natutulog tapos hindi man lang ako tutulong. Pagbalik ko sa couch, natutulog parin si Siraulo, umupo ako sa tabi nito at marahan siyang hinimashimas, ang lambot. Nagising ata siya sa paghawak ko sa kanya dahil bigla nalang itong tumayo at tumalon pababa sa couch, sinundan ko siya, nakita kong lumabas siya.

Nakalimutan ko pala isara yung pinto I also forgot my slippers, sinundan ko siya pababa ng hagdan. Saan kaya siya pupunta? Tumakbo ako para mahabol ko siya..

*Takbo*

*Takbo*

*Takbo*

Nakita kong huminto siya sa isang bodega, pumasok siya sa loob, mukha itong library , madaming mga libro na nakahilera.  Nawala sa paningin ko sa Sirauo, nilibot ko ang bodega, may nakita akong mesa sa dulo, pero hindi lang yun basta mesa, may libro nakahilata doon
Mukhang may ibang tao dito bukod sa akin..

RESTRICTED AREA [on-going]Where stories live. Discover now