Warning 3: Questions.

34 3 0
                                    



Devougne's Point of View



You Know his name...
You know his name...
You know his name...

Napabangon nalang ako dahil sa boses na paulit-ulit na nagsasalita sa isip ko. Nakatulog ako dahil sa pag-iisip sa mga salitang iyan at sa babaeng iyon kaya hindi talaga ako nakatulog ng maayos. Pagbaba ko naabutan kong nagliligpit si Manang Rose sa mesa, lumapit ako.


"Goodmorning Manang Rose."

"Oh Yna! Kaaalis lang ng kuya mo, pinabilin niya ako na ikaw nalang magdala ng pagkain sa mama mo"

"Kaaalis lang ni Kuya? Inantay nalang niya sana ako."

Eh kasi naman paminsan na lang nga kame nagkikita simula nung naging right hand na siya ni papa,hindi niya pa talaga ako hinintay.

"Mukhang nagmamadali nga kasi nakalimutan niya yung folder niya na binabasa niya kanina."

"Ah sige. Kakain muna ako then I'll go upstairs and bring my mom her breakfast."

"Oh sige, dalhin mo na din sa kwarto ng kuya mo yang folder."

Tumango at ngumiti nalang ako kay Aling Rose. Nakita ko yung folder ni Kuya sa mesa, kinuha ko ito. Hmm.. pagbukas ko'y muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko



#1 STORY
MURDER'S PROFILE
CASE #3
By: Genessis S-02


W-What is th-this?


Pagbukas ko ng sunod na page ay profile ng isang babae, her name is Ashley Delos Reyes, same age kame at may picture siya sa Right side.

Pagkabukas ko ng next page ay tinakpan ko nalang ang bibig ko dahil isang.. isang bangkay ang nakagapos sa puno at pa-parang s-si A-ashley.. nakatungo lang siya at naliligo siya sa sarili niyang dugo. Hindi ko namalayan na wala nang laman ang plato ko, sinara ko ang folder at iniwan muna ito sa mesa.

Habang paakyat ako ay hindi ko maiwasang mapaisip.. parang yung yun murder na nakita ko sa tv, pareho silang nakagapos ang pagkakaiba lang ay babae yun at lalake yung nasa tv, mamaya ko nalang babalikan yun dahil alam kong mayroon pa akong hindi nabasa doon.

Pagtapat ko sa pintuan ng kwarto nila mama ay kumatok ako pero walang nagbukas kaya pinihit ko nalang ito, pagpasok ko ay ang dilim at tanging lamp shade lang sang nagsilbing ilaw, lumapit ako pero wala ako makakita kaya nilagay ko muna sa side table yung pagkain at naglakad papunta sa Glass window, binuksan ko ito para pumasok ang ilaw ng araw sa loob. Nagising ata si mama.


"Ma,dinala ko po breakfast niyo." umupo ako sa side ng bed ni mama.

"Hm. Devi ikaw ba iyan?"

"Yes ma, sinabi ni kuya kay yaya na ako na daw ang magdala ng pagkain niyo."

Devi ang tawag sa akin ni mama from Devougne, kay Kuya naman Axel. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto, may nakita akong mga picture frames doon sa dulo, lumapit ako.


Iniisa-isang tingin ko ang mga letrato, meron dito ay family pictures, wedding pictures, silang dalawa ni papa, ako at si kuya, pati sina Tita Jasmine at Tito Dominic. Nilapag ko ito at biglang lumipat ang mga mata ko sa letrato sa dulo, kinuha ko ito, Si mama nasa gitna siya sa dalawang batang mukhang 5 years old, namukhaan ko yung babae dahil mukha ko iyon noong bata ako pero hindi ko namukhaan yung batang lalake pero,bakit parang familiar siya? naglakad ako papunta kay mama para tanungin kung sino siya.


"Mama.."

"Oh Devi ano yang hawak mo?"

Nakita kong kumakain na pala si mama, umupo ako sa side ng kama niya kung saan ako umupo kanina.


"Sino ito?"

Tinutok ko sa kanya yung picture habang nakaturo sa batang lalake.

"Ah siya yung anak nina Dominic at Jasmine Del Valle."

"Anak? Parang wala akong matandaang may anak sila tito"

"May anak sila, bago mo pa sila makilala 7 years ago"

"Noong bumibisita sila wala naman silang dalang bata"

"dahil nawala yang si Blaze habang naglalaro kayo malapit sa gubat dati, buti nga nakita ka naming kaso pag—"

"W-wait k-kalaro ko d-dati?"

"Yes anak."

Nakita kong tapos na kumain si mama, kaya inayos ko ito at naglakad na palabas ng kwarto ni mama, tatanungin ko pa sana siya pero nakita kong humiga na siya at alam kong stress si mama. Pagbaba ko, dumeretso ako sa lababo at nilagay doon ang pinagkainan ni mama, hindi ko nakita si Manang Rose kaya Dumeretso ako sa Dining Room, napansin kong wala yung folder sa mesa, hinanap ko ito pero hindi ko Makita.


*eeeeeeeeeeeekkkkk*

Narinig ko ang pagbukas ng front door kaya tumayo ako kaagad at inayos ang sarili, lalabas na sana ako sa Dining Room pero nakasalubong ko si Kuya.


"Kuya tapos na ang trabaho mo?"

"No, I came here to get the folder earlier."

Dire-diretso siya naglakad papunta sa Dining Room. Napansin kong hinahanap niya yung folder na kanina lang ay binabasa ko.


"Folder?" Naka-cross arms at taas kilay kong tanong.

"Yes. Did you saw it?"

"Yes and I read it earlier."

"WHAT?!"

Nagulat ako nang sigawan ako ni kuya pero mas nagulat ako nang hinawakan niya ako sa magkabilang dulo ng balikat.

"B-Bakit?"

"Anong nabasa mo doon?!"

"A-ah y-yung pagkama—"


Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko, dahil biglang dumating si papa at nakita kong nakatayo si Manang Rose sa likod ni Papa.


"What's the commotion here?"

"Nothing." Sabay naming sabi ni kuya.

"Nothing huh? Halos magsigawan na kayo, Yna go to your room now, and for you Dax,follow me."

Lumipat ang tingin ni papa kay kuya, nakita ko naming sumunod si Kuya. Lumingon ako at nakita kong nakatayo parin doon sa back door si Manang Rose.

Ngumiti nalang ako at tumalikod.


"Yna,eto oh folder ng kuya mo."

Wala pa ako naka-isang hakbang ay, humarap ako kay Manang Rose, hindi ko napansin na may hawak pala siyang Folder, inabot niya ito sa akin at tumalikod papunta sa lababo.


Paakyat na ako ngayon patungong itaas sa kwarto ko.
Ang daming tanong na umiikot sa isip ko.


Una, Bakit may ganung Folder si Kuya?

Pangalawa, Sino yung batang kalaro ko dati?

Pangatlo, Bakit na kay Manang Rose yung Folder?


Pag-akyat ko, dumeretso na ako sa kama at humiga.

RESTRICTED AREA [on-going]Where stories live. Discover now