Warning 15: Training I

18 1 0
                                    

Devougne's Point of View

Nandito ako ngayon sa kusina. Hinahanap ko yung kuneho kahapon, si Siraulo, nagbabakasakali na baka bumalik siya. Bigla ko nalang siya naalala kanina pagkatapos kong kumain.

Asan na ba 'yun?

Palagi nalang siya nawawala sa paningin ko.

Siguro bumalik na siya sa kaniyang amo.Kay Eric.

Narinig ko nalang ang pagbukas ng pinto. Lumayo kaagad ako sa cabinet at lumingon doon.

"Oh Dev. Anong ginagawa mo?"

Si Nathalia ang dumating, dire-diretso lang siya naglakad patungo sa kwarto.

"Ah wala, kakatapos ko lang kasi kumain.." pagsisinungaling ko.

"Anyway. You're training will start today, hinihintay kana ni Morgan sa 25th floor, sa Training Room."

She answered while arranging her coat.

"Training?" I asked.

"Yes. In order to be an Assistant Officer, you need to defend you're self.Didn't we discussed it Yesterday? Well anyway, I need to go. Bye.."

Narinig ko nalang ang pagbukas-sara ng pinto. I need to deal with this thing.

*sigh*

+++++

"AAAAHHHH!! ANO BA--!!AAAHHHH!" nagtataka siguro kayo kung bakit puro sigaw ako noh?

Eh,pano ba naman? TINATAPUNAN LANG NAMAN AKO NI MORGAN NG MGA KUTSILYO! Puro mura na nga abot niya sakin,tatawa-tawa lang siya kesyo nage-enjoy daw siya.Eh ako naman dito todo dasal, na sana hindi ako matamaan ng mga Letseng kutsilyo na 'yan!

"SHIIITT!! MORGA--!! WAAAAHH!!" please Lord,pagbigyan mo lang po ako na mabuhay, ng mapatay ko 'tong gunggong na'to! >.<

"Buti nga nakakailag ka sa mga kutsilyo. Hahaha.."

Tatawa-tawa pa siya,hindi ko nga rin alam kung pa'no ko nagagawang makailag sa mga bwiset na kutsilyong 'yan!

"Humanda ka talaga sakin Morgan!" Banta ko sakanya pero mukha namang hindi tumalab sakanya.

"Woah woah woah.. Easy Dev easy. "
Sabay taas pa ng dalawang kamay niya. Loko loko talaga.

"Okay hm. About 30 minutes Break?"

Tumigil na din siya kakabato sakin ng mga kutsilyo. Whooo! ^.^

"Buti na--man na-naisipa-pan mong sa-sabihin ya-yan!" hinihingal na sabi ko sakanya habang nakahawak sa mga tuhod ko, 2 hours din yun tumagal! Oo, Dalawang oras! Nung unang sabi ko sakanya na mag-timeout muna? malapit na akong matamaan sa may balikat 'ko! Langya talagang lalake 'yan!

"Tara sa canteen,order tayo ng pagkain napagod ako eh!" kapal talaga ng mukha neto,nuh?! >.<

"Napagod? Ikaw?" sabay turo sakanya. -_-

"Oo!nakakapagod kaya mangbato ng mga kutsilyo sayo"

"Talaga lang huh? Pagod mo mukha mo!" sabay irap ko sakanya,na tinawanan niya lang din kaya nakitawa na rin ako hahaha..

"Tara na nga" sabi niya,sabay hila sa akin palabas ng Traning room dito sa 25th floor.

"Hindi pa rin tayo bati,Morgan! Tandaan mo 'yan" sabay pasok namin sa elevator pababang 20th Floor.

"Noted." Sabay ngisi niya. nambubwiset talaga eh nuh? -_-

Pagkarating namin sa canteen, na ayon kay Morgan. Ang daming tao, mukhang wala na ngang vacant,Sabagay lunch time na.

"Saan tayo uupo. Mukhang wala nang vacant.." I said.

"Nakapunta kana ba sa Canteen? Malamang sa upuan tayo uupo -_-"

Sabi niya habang dire-diretso lang siya sa paglalakad.

May side pala siya ng pagkapilosopo -_-

Naghahanap ng table si Morgan,ako naman sumusunod lang sakanya. Ng bigla siyang tumigil sa isang table hindi ko masyado makita kasi nasa harapan ko si Morgan.

"Alam mo bang bawal ang gumamit ng phone sa harap ng pagkain? Hmm?" medyo seryoso yung pagkasabi ni Morgan,kaya sumilip na ako kung sino yung sinabihan ni Morgan..

Si Klein atsaka si Nathalia pala.

Tinapunan lang siya ng bored look ni Klein, si Morgan naman tatawa-tawa lang siya. Ba't ang hilig ata ni Morgan mang-asar ngayon? >.<

"Pwede bang maki-share ng upuan?" tanong ni Morgan sakanila.

"Uso pala ang salitang MAGTANONG sayo?" sabi ni Nathalia emphasizing the word magtanong sabay taas ng left eye brow niya hahaha...

"Ngayon lang,Bakit ba?" sagot ni Morgan. "Sige,order muna ako ng pagkain namin ni Dev,Upo kana Dev." sabay alis niya.

"Hi Dev! Musta Training? Okay bang coach si Simon?" sabay taas-baba ng dalawang kilay ni Nathalia na para bang kinikilig?

"Tsk.." Klein hissed. Napatingin tuloy kaming dalawa sakanya. No,rephase it napatitig kame sakanya

"What?!" singhal niya samin.

"Wala..." curiousity is all-over Nathalia's face.

"Psh." sabay walk-out ni Klein.

"Yo! Anyare dun?" sabay tingin niya kay Klein na palabas ng Canteen

Nagkibit-balikat na lang kame ni Nathalia.

"Well anyway.. Hindi mo pa nasasagot tanong ko Dev.." pagi-iba na topic ni Nathalia,nagsimula na rin kameng kumain.

Ano kaya ang nangyari du'n? Bigla bigla na lang nagsungit,nagwalk-out pa. Man of few words is so--!

"Dev?!" sabay na sigaw sa akin nila Nathalia.

"Huh?" takang tanong ko sakanila

"Haayy Devougne Donelle Alcantara... Ang sabi ko kamusta maging coach si Simon?" sabi ni Nathalia emphasizing every syllables.

"Grabeh 'to? Simon?" eh sa hindi ko kilala yang Simon na yan. "Sino ba siya?"

Gulat na napatingin sa akin sila Morgan and Nathalia.

"Did I say something wrong?"

Pagkatapos ko yun sabihin,nagsimula na silang tumawa ng napakalakas. Pinagtitinginan na kame ng mga tao dito sa canteen -_-

"Are you se-serious?! Yo-you don't kno-know me?!" tatawa-tawa sabi ni Morga--, teka! Siya si-si Simon? Simon pangalan niya?!

"Eh pasensiya naman nuh? Eh sa Morgan lang ang alam ko 'tyaka nasanay na rin ako.." hiyang-hiya na sabi ko. Dev naman kasi makikipag-kaibigan ka nalang hindi mo pa talaga tinatanong kung ano yung pangalan.. Tsk! Tumigil na rin sila sa kakatawa.

"Eh,ba't hindi mo tinanong yung pangalan ko?"

"Nasanay nga kasi akong tinatawag ka nila Nathalia ng Morgan, kaya I didn't bother to asked you.."

"So.....Hi miss,I'm Simon Morgan, and you are?" Tatawa-tawa pa rin na sabi ni Mor-- i mean Simon. Weird talaga ng lalakeng 'to,pero makikisakay na rin ako sa trip ;)

"I'm Devougne Donelle Alcantara,nice meeting you :)"

"Pfft!" ngisi ni Nathalia.

Nagtawanan na naman kame,not bothering the people around us,pfft! Hahaha!

Kung aalis man ako dito sa lugar na 'to,I'm sure I'll miss them.. *sigh*

+++++++++

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RESTRICTED AREA [on-going]Where stories live. Discover now