Warning 11: Unknown Ring.

14 1 0
                                    

Devougne’s Point Of View

Anong ingay yun?

Napabangon nalang ako dahil parang may narinig ako may tumama sa pinto, pagtingin ko sa wall clock, It’s already 9:25 pm, nakita ko sa side table may pagkain doon. Kumain nalang muna ako, gutom na din ako.
Habang kumakain ako, tinignan ko ang sugat ko na nilinis kanina ni Nathalia, tumalikod muna ako, pagtanggal ko ng band aid..

Ang ekis ay nagging marka na siya, matatanggal pa kaya ito?

*PUUUUUKKKKK*

Andiyan na naman ang ingay na iyan, tumayo ako at dumeretso sa labas ng pinto, pagbukas ko.. napatakip nalang ako ng bibig para hindi gumawa ng ingay.

May kutsilyo na nakatusok sa pinto, may bahid na dugo pa ito. Sinubukan kong tanggalin, nang matanggal ko ito, may biglang humawak sa kamay ko at hinila palabas. Tinago ko ang kutsilyo sa likod ng pants ko.

“Are you alright? Hindi ka ba tinamaan?”

Si Nathalia pala. Dinala niya ako sa isang Bodega. Tumango lang ako sa kanya.. pero may napansin ako sa kaniya..

“Bakit may dugo yung kamay mo?!”
Nagulat siya sa tanong ko pero agad naman nabawi iyon

“You’ll know.Soon”

Hinila na niya ako palabas, lumilingon-lingon ako sa paligid pero wala ni isang bahid ng tao.

Sa pader malapit sa elevator nakita kong may tumutulong dugo doon...What is happening?!

“Bakit hindi elevator ang gagamitin natin?”

Sa stairs kami dumaan and I don’t know why.  Hindi niya ako pinansin at dire-diretso lang, habang bumababa kami madaming kalat ang makikita mo sa paligid, may mga kutsilyo, baril at mga bala,especially.....

Blood.

*BAAAAAAAAAAAANGG*

May narinig kaming putok ng baril sa itaas, hinila na niya ako at patakbong bumaba sa groud floor.

*gasps*

Nakarating na kami sa Ground floor,  mas matindi ang gulo dito. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid sa isang lugar doon malapit sa entrance, may nakatayo na lalaki at nakatingin sa akin..

Sino iyon?

Pagkalingon ko ulit wala na siya doon. Nakarating kami sa may maze pero puno nalang ang makikita mo rito, naalala ko yung sinabi ni Nathalia na mabubuksan ito every 8 pm. Sa dulo may babaeng kumakaway sa amin, hindi ko maaninag ang mukha..

“Let’s go.”

Hinila niya ako kung saan naroroon yung babae, tahimik lang kami naglalakad, and dilim. Pagkarating naming andoon sina Simon, Peter at Jessica..

“Where is he?” Biglang tanong ni Nathalia nang makarating kami.

“He’s Nowhere to be found”
Sabi ni Peter habang nakaupo sa sanga ng puno.

“Bakit siya nandito Nathalia?”
Tanong ni Jessica, siya pala ang kumakaway kanina.

“They invade our room, did the rules changed?”

“We don’t know”

What Rules? Anong nangyayari?

“Pwede bang bumalik nalang ako?”
Gusto ko na bumalik, tinignan nila ako lahat pero si Nathalia lang ang sumagot.

“Dev, Kung babalik ka mamamatay ka, diba sinabi ko na sa iyo noon? Hmm?”

If you already stepped our territory, you need to play our game.

Uh Naalala ko na.

“It means that I need to kill. Is that it?”

“Exactly, for you to live”

“Ano ba kasi nangyayari?”

“For you to live, play our game, no one will help you here”

Lumingon ako kay Peter na hindi man lang kami tinapunan ng tingin at nakatingin lang sa malayo habang may hawak na sigarilyo.

“Okay sasabihin ko kung anong alam ko..” sabi ni Jessica, Nakikinig lang ako.

“This war just started this week, Monday. Ang alam naming kailangan naming pumatay para mabuhay..”

“Sinong ang may pakana? Sino ang pumapatay?”

“Thi—”

Bago niya pa ituloy yung sasabihin niya, bigla nalang may kutsilyo na nahulog galing sa taas, pagtingin ko sa taas wala namang tao sa puno..

“They’re here.”

Tumayo na din sina Simon at Peter. Hinanda ko ang sarili ko dahil wala ako ni-isang armas pang-proteksiyon sa sarili ko.

“Here. Take this. You might get caught..”

Inabot sa akin ni Simon ang baril niya, at nakita kong kumuha siya ng kutsilyo. Ngumiti lang ako sa kaniya..

Medyo nanginginig ko pang inabot ‘yon.Ang bigat naman neto!

*BAAAAAAANGGGG*

Muntik na akong matumba dahil sa putok ng baril, naging alisto naman sila.

“Where the hell is he?!”
Galit na sabi ni Nathalia

“He can handle his self,so we need to handle ours” sabi ni Peter

Naglakad ako patungo sa isang puno dahil parang may nakita akong nakatago doon..Pagkarating ko, wala nang tao pero may singsing doon, kunin ko na sana

*PUUUUUUKKKKKKK*

O.O

Napatalikod nalang ako dahil muntik nang tumama sa kamay ko ang kutsilyo. May narinig akong yabag palapit ditto..

“Huwag mo’ng kunin kung alam mong may-ari ito ng iba.”

Bigla niyang sabi, lalake yung boses. Lumingon ako sa likod pero wala nang tao doon, wala na din yung singsing..

RESTRICTED AREA [on-going]Where stories live. Discover now