Chapter 24: Pay The Price

4.4K 130 6
                                        





****

CHAPTER 24

''Class, can you tell me about acid? The chemical compound.'' Tanong ni Ms. Alonte, habang inililibot ang paningin sa klase, hindi nito napigilang malungkot na sulyapan ang mga bakanteng upuan, ang mga upuan ng mga pumanaw na estudyante.


Isinantabi na lamang n'ya ang pag lingon sa mga upuan upang bigyang atensyon ang mga natitirang mga estudyante, at habang inililibot ang paningin ay nakuha ng isang estudyante ang atensyon ni Ms. Alonte.


''Mr. Wilson? Can you please tell us about it?'' Hindi kaagad umimik ang tinawag na estudyante ka'ya naman ay binalingan na'rin ito ng kanyang mga kaklase.


''Mr. Wilson.'' Mas malakas ang tinig ng kanilang guro dahilan para mapukaw nito ang atensyon ng kanyang estudyante.


''Yes, ma'am?''

''Stand up,'' utos ng guro na dahan dahang sinunod ni Renzo Wilson.


''Aren't you listening? Bakit tila malalim ang iniisip mo.'' Bahagyang tumaas ang ulo ng guro hinihintay ang magiging sagot nito.



''Nothing ma'am, I'm sorry. Could you please repeat the-the question?'' nauutal na tanong nito.


''Tell me about the acid, a chemical compound.'' Ilang segundong nag-isip ang estudyante.

''Acid is a molecule or an ion.'' Maikling sagot ni Renzo, na ilang segundong hinintay ng guro kung may sasabihin pa ito, ngunit ay hindi n anito dinagdagan ang kanyang sagot.


''Can you tell us how strong acid is?''


''It can dissolve a body within a few hours.'' Maikli muling sagot nito, sa kabilang banda ang isang estudyante na paunti unting lumalaki ang ngiti na tila kahindik hindik balahibo.




***



Lumipas ang ilang oras hanggang sa dumating na sa panghuling subject teacher, hinihintay na ng lahat ang dalawang letrang kanina pa inaantisipa ng lahat ng estudyante.


''Class dismissed.''


Matapos banggitin ng guro ang dalawang salita ay ang dahilan upang magsitayuan na ang mga estudyante sa kani-kanilang mga upuan. Seryoso at walang sali-salitang umalis ang guro patungo sa pinto para lumabas ng silid-aralan, tanging tunog lamang ng takong ang maririnig sa pag labas ng guro.


Matapos umalis ang guro ay s'ya naming pag alis din ng mga estudyante sa loob ng silid-aralan.


''Bliss, Hyacinth, Joshua, Ion, Jade, Cleo, Hanna....'' Tila paulit-ulit iyong binabanggit ni Renzo, hanggang sa paglabas ng kanilang silid-aralan dahilan para may makakuha ng atensyon nito.

''Hey, dude. Kanina ka pa sa classroom, you're getting weird.'' Nang-aasar na sinabi ni Kris Collins.

''Yeah, fvck you dude.'' Sagot naman ni Renzo.


''Seriously, what's up? Something bothering you?'' tumigil ang dalawa sa hallway upang mag-usap matapos ang ilang hakbang galing sa pinto ng silid-aralan.


''Actually, hell yeah.''

''Tungkol saan?'' Kunot noong tanong ni Kris. Nag-aalangang sumagot si Renzo, ngunit sa huli ay hindi nito napigilan ang magsalita, tila seryosong seryoso ang ang ekspresyong ipinapakita nito.


Dark Secret: Enigma of AdamsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon