CHAPTER 20
''Malas n'yong dalawa, may spare cellphone ako.'' Nakangising mahinang banggit ni Trina habang kinukuhaan ng video ang dalawa na ngayon ay nasa kalagitnaan ng kanilang kapusukan sa ilalim ng kadiliman sa gilid ng malawak na school field.
Ang mahihinang ungol ng dalawa ay ang bukod tanging maliit na ingay ang namumuno sa kanilang kapaligiran, walang kaalam alam ang dalawa ang dalawang bulto ng taong pinagmamasdan ang kanilang kaligayahan sa mag kaibang lugar.
''Ahhh,''
''Ughh, please don't stop.'' Sambit ni Hanna kasunod ang mahihinang ungol dahilan para mas lalong tumaas ang libido ni Blue at mas binilisan ang pagbayo sa taas ni Hanna. Kapwa namumulat at napapaliyad ang dalawa sa sarap na tinatamasa sa isa't isa.
Iginala ni Trina ang camera sa paligid na tila ginagawang vlog ang pagkuha ng video, nakangisi ito habang nakatingin sa camera, ngunit biglang nawala ang kanyang ngisi sa nasaksihan.
''Shit!''
Natigilan ito ng mahagilap n'ya sa video ang killer dahil iginala n'ya ang camera sa paligid na ilang metro ang layo mula sakanyang kinatatayuan, naka maskarang itim at napalilibutan ng itim na saya ang buong katawan dahilan para hindi nila masuri kung ano ang kasarian nito, at kung sino ang maaaring nasa likod nito.
Nanginig ang kanyang palad habang hawak pa rin ang kanyang cellphone at ng mapansin ang hawak nitong patalim, ang matalas na boomerang. Napaatras si Trina ngunit binalingan ng tingin ang dalawa na ngayon ay naghahalikan pa rin.
Tuluyang bumwelo ang killer upang paliparin ang hawak nitong boomerang patungo sa dalawa na ngayon ay parehas masayang inaayos ang sarili. Nanlaki ang mga mata ni Trina at mabilis na tinakpan ang kanyang labi dahil muntikan na itong sumigaw ng tumama ang boomerang sa likod ni Hanna.
Nasalo ni Blue ang katawan ni Hanna ng bumagsak ito dahil sa pangyayari, nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat at tuluyang napaluha ng may makapa itong dugo at ang patalim galing sa likod ni Hanna na ngayon ay sabay sabay ang daing dahil sa pagkirot ng sugat sa kanyang likod.
''Hanna!'' Nag-aalalang banggit ni Blue.
Tinagilid ni Blue si Hanna upang tanggalin ang boomerang sa likod nito, ngunit ay biglang dumating si Trina.
''Blue, go hide! Killer did that!'' sigaw ni Trina na dali daling tumakbo patungo kay Blue buhat ang dumadaing na si Hanna, nagulat ang binata at nangunot ang noong tiningnan si Trina, ngunit isinawalang bahala na n'ya muna si Trina upang mabilis na kumilos para dalhin sa malapit na school clinic si Hanna.
Ngunit sa kasamaang palad ay sarado na ang clinic ka'ya naman ay inilapag na lamang nila sa hallway ng clinic si Hanna na ngayon ay ni daing hindi na magawa dahil sa tuluyang panghihina ng kanyang katawan.
''Of all places, Blue. Why did you choose to have sex in the most unsafe place?! Alam mo namang may killer, hindi ba?'' sambit ni Trina habang tinitingnan ang nanghihinang si Hanna na nakatayo lamang sa gilid, habang si Blue ay hindi nito binibitiwan ang kasintahan hindi pinansin ang sinabi ni Trina dahil tila nagsisisi.
''Blue...'' nanghihinang banggit ni Hanna, punong puno ng pagisisi ang mga mata ni Blue habang nakatingin kay Hanna, niyakap n'ya ito at hinalikan ang noo matapos ay kinapa ng dahan dahan ang kanyang likod upang tanggalin ang matalim na bagay na nakatarak sa kanyang likod.
''Shh, I'm sorry, It'll be quick. Sorry.'' Napapikit ito at lakas loob na marahang hinawakan ang patalim dahilan para mapadaing si Hanna, ''Ahhh! It hurts!''
''I'm sorry... sorry for dragging you into this.''' kaagad n'ya itong hinalikan sa noo upang pakalmahin at senyales ng permiso nito para pagkatiwalaan s'ya sa gagawin nitong paghatak ng patalim.
Lakas loob na hinatak ni Blue ang patalim dahilan para mapaungol sa kirot si Hanna ng ilang segundo, hinubad nito ang kanyang t-shirt upang itapal sa tuluyan pa rin na nagdudugong malaking sugat ni Hanna, nang maihiga na n'ya ito ay kaagad n'ya itong hinalikan sa noo.
''Hanna, please stay awake. I'm sorry,'' mahinang makaawa ni Blue habang nakadantay ang ulo ni Hanna sa kanyang braso. Mabilis na tumakbo si Trina dahilan para balingan ito ng tingin ni Blue.
''Saan ka pupunta?''
''Hihingi ako nang tulong,'' mabilisang sagot ni Trina at mabilis na tumakbo paalis. Muling binalingan ni Blue si Hanna na ngayon ay tila bumibigat na ang talukap ng mga mata habang mahina paring napapadaing sa sobrang sakit.
''I want you to do me a favor... Please don't you try to close your eyes.'' Mahinang pagmamakaawa ni Blue habang mahihinang tinatapik ang pisngi ng dalaga, ngunit tila namumugto ang mga mat anito at bumibigat na ang talukap ng mga mata.
''Fuck..'' mahinang bulong ni Blue, hindi nito inaasahan ang sumunod na pangyayari.
Samantala naman si Trina ay tila hingal na hingal nang tumatakbo patungo sa clinic, ngunit ilang hakbang pa lamang ang layo ay tumigil ito sa pagtakbo at napahawak sa kanyang dalawang tuhod sa sobrang pagod at hingal upang magpahinga. Napapapikit ito at nililingon ang paligid na tila may kinatatakutan.
Kahit pagod na sa katatakbo ay mabilis pa rin itong tumakbo patungo sa gilid ng poste tila upang magtago, napapikit ito habang hinahabol ang malalim na paghinga, bakas ang takot sa pagod nitong ekspresyon, nababalisa at natatarantang nililingon ang paligid.
''Please, don't come after me, please, don't come after me...'' mahihinang bulong nito hinahabol pa rin ang malalim na pag hinga.
Matapos ang ilang minute ay napagdesisyunan na nito ang tumayo at dahan dahang umalis sa kinauupuan kanina sa gilid ng tagong poste, nililingon muna nito ang paligid bago muling humakbang paalis, hindi pa rin nawawala ang pagka balisa nito.
Ngunit sa kasamaang palad, pagtungo nito sa clinic ay sarado na ang pintuan, wala na rin ang ilaw na nagsisilbing gabay at liwanag sa loob ng silid dahilan para mapaupo muli si Trina.
''I am wondering if she's dead by now... You'll gonna love me, my Blue.'' Anito sa sarili, kahit napapagod mula sa tila pagtakas dahil sa pagtakbo ay hindi pa rin nito napigilan ang malilit at mala demonyong ngisi. Nagtungo ito sa kabilang hallway patungo sa kanyang dormitory, dahan dahan nitong binuksan ang pinto upang maiwasang makagawa ng ingay para hindi magising ang kanyang mga kaklase, humiga ito sa kama at ipinikit ang mga mata na tila kinalimutan na ang dalawang sina Blue at Hanna na hanggang ngayon ay umaasa at naghihintay pa rin ng tulong.
BINABASA MO ANG
Dark Secret: Enigma of Adamson
Misterio / SuspensoThirty seven lives of the students is at menance when the killings happened in the midst of opening of the new school year. The specific class is targeted by the killer. Leaving a message threat in their homeroom's board. Speculations were pointing...