Chapter 26: Three Spades, Three Suit, One message

4.4K 113 12
                                        



CHAPTER 26


Madilim at tahimik ang silid kung saan dinala ng hindi kilalang naka maskara ang tatlong magkakaklaseng sina Zekiel, Cedie at Kris, walang kamalay-malay na tila sila ang susunod na bibiktimahin. Tanging ang mahina at paputol-putol na tunog ng ilaw ang maririnig. Sa isang sulok, isang anino ang gumagalaw—ang mamamatay-tao, nakasuot ng maskara. 


May blindfold silang tatlo kaya naman ay hindi nila alam kung nasaan at sino ang mga kasama nila.


Si Cedie, nakatali sa upuan gamit ang sarili niyang sinturon, pilit na makawala sa pagkakatali. ''Where the hell am I?'' nanggagalaiting anito ngunit walang saysay.


Habang si Zekiel at Kris ay nakaupo sa sahig at nakatali ang kanilang mga kamay sa makapal na lubid, ''Cedie? Kris?!'' nagtataka namang sigaw ni Zekiel, ''Nasaan ta'yo?" ani Kris. Kanya kanyang daing ang tatlo ngunit lumipas na ang ilang minuto ay tila walang nangyayari at nakagapos lamang sila.


''I knew it, something seems off,'' ani Kris, sinusubukan naman ni Zekiel ang pagkakatali sa kanyang dalawang pulso mula sa kanyang likod. Napagtagumpayan naman ni Zekiel na matanggal ang lubid at mabilis na tinanggal ang kanyang piring sa mata kahit malabo ang mata mula sa pagkaka piring ay mabilis nitong tinungo ang kinaroroonan ni Kris, dahilan iyon ka'ya nabigla at natako si Kris sa mabilisang pagtungo ni Zekiel sa kanya. ''H-hey!!''


''Dude, tatanggalin ko lang. I managed to remove those fucking rope,'' pagpapakalma nito kay Kris dahilan para mabilis itong kumalma, napag-tagumpayan naman ito tanggalin ni Zekiel ngunit tumagal ito ng ilang minuto, tinanggal ni Kris ang sariling piring sa mata ng matanggal ang lubid sa kanyang mga kamay. 


Hinanap ni Zekiel si Cedie hindi kalayuan sa kanilang kinatatayuan ngunit hindi kagaya nila ay nakatali ito sa upuan at naka piring din ang mga mata. Pinagmasdan ni Kris ang paligid, tila sila nasa lumang classroom, maraming abubot at marami din alikabok sa paligid. 


Bago pa matanggal ni Zekiel ang pagkakatali kay Cedie ay may dalawang naka-maskara ang lumabas mula sa dilim, parehas itong naka black cloak at puting maskara na may kakaibang ngiti. Nanlaki ang mga mata ni Zekiel at napaatras dahil may martilyong hawak ang isa sakanila, natigilan at nagtaka si Cedie habang nakuha din ng mga ito ang atensyon ni Kris.


''Who the hell are you?!!'' natatarantang sigaw ni Kris at muntikan ng matumba sa takot, habang si Zekiel naman ay tila naghahanda ng sarili sa anumang gagawing pag sugod sa dalawang hindi kilalang naka maskara.


''You wanted a fight, huh?'' ramdam na ramdam ang takot sa boses ni Zekiel na pilit nitong pinapatatag ang sarili. Ngunit tila bingi ang dalawang naka maskara at nakatitig lamang sa kanila, ''Sino ba ka'yo?! why the hell are you doing this?'' 


''Zekiel, Kris please untie me,'' pagmamakaawa ni Cedie sa dalawa na pilit sanang aamba para puntahan s'ya ngunit humakbang ang dalawa patungo kay Cedie at kalaunan ay nilagpasan nila ito.


''Anong gagawin natin Kris?''


Dark Secret: Enigma of AdamsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon