Chapter 23: Two Faced

2.1K 33 3
                                    




Chapter 23

Sa kanilang pag-uusap ay hindi nila napansin na si Blue ay nasa paligid lamang at nakikinig sa kanilang pinag-uusapan.

Mabilis kinuha ni Blue ang kanyang cellphone upang i-record ang pinag-uusapan ng magkakaibigan.

"I knew it." Galit na saad nito, ngunit sa sobrang galit ay hindi nito napansing naatrasan ang malaking bakal sa likod ng kanyang paa dahilan para mabilis itong makagawa ng nakakabulahaw na ingay.

"Oh my God! Where's that noise came from!?" Maarteng sigaw ni Ylona.

Mabilis hinanap ng tatlo ang pinanggalingan ng ingay, ka'ya naman ay nagmadali si Blue na maghanap ng paraan upang pagtaguan ang paghahanap ng dalawa, hanggang sa mapansin nito ang itim na pusa sa gilid at dahan dahan itong binuhat at dahan dahang ibinaba malapit kila Ylona, Elle at Trina dahilan para mapansin nila ito kaagad.

"Pusa lang pala!" Sigaw ni Elle. Mabilis namang nawala ang pangamba ng tatlo. Dali dali namang umalis si Blue sa kabilang pinto upang hindi mahuli ng tatlong kaklase.

"So what now, Trina? Are you really the mastermind of all of this killings?"

"Just kidding! Muntikan nga akong mahuli ng killer, ka'ya hindi ako ang pumapatay. Too cheap, hahayaan ko na lang silang mawala sa mundo." Maarteng saad ni Trina, dahilan ito para magkatinginan si Elle at Ylona at muling bumaling ng tingin sa kanilang kaibigan na animo'y kanila paring pinaghihinalaan.

"I told you guys, I'm not the killer! Stop staring at me like that!" Iritableng anas nito at nauna ng naglakad para iwanan ang dalawang kaklase dahil sa inis.

"Okay, fine! We're sorry!" Sigaw naman ni Ylona at sumunod na sa kaibigan. Ngunit naiwan si Elle nakatayo habang tinitingnan ang dalawa palayo.

**

Kasalukuyang nasa cafeteria ang lahat ng estudyante ng Adamson.

"Cous, don't you think we'll be able to ask for help outside this hell?" Bulong ni Ashley sa pinsang si Madeline, kasalukuyang nasa table ang dalawa kumakain para sa kanilang recess.

"I hope so, sa ngayon wala paring balita kung ano ang pwedeng solution." Maliit na boses ni Madeline.

Magsasalita na sana si Ashley ng mapansin nito si Blue, dahilan para tapik tapikin nito ang nananahimik na si Madeline. "What? Why!?" Naiiritang tanong nito dahil sa paulit ulit na pagtapik ng pinsang si Ashley.

Sinundan nito ng tingin si Blue. "Why the hell's he looked like that? Parang ang laki ng galit n'ya sa mundo." Pamumuna ni Ashley dito.

"Her childhood friend slash girlfriend died, ofcourse he'll be mad as hell."

Sinusundan ng dalawa ng tingin ang naglalakad na si Blue buhay ang tray ng pagkain patungo sa pwesto ni Trina kasama ang dalawang kaklaseng sina Elle at Ylona.

"Himala! He's seeing her now, too fast of changing of hearts."

"Magmula ng mamatay si Hanna nagiging malapit ang dalawa. Have you heard anything about why? They're too fast." Naiintrigang tanong ni Ashley.

"Not any," maikling sagot lamang ni Madeline, napanguso naman si Ashley at kumain na lamang ulit.

"Hi, Blue!" Maligayang bati ni Trina sa kaklase, pasimple itong kumagat sa pang ibabang labi, biglang nagbago ang kaninang hitsura ni Blue tila tuwang tuwa ito sa pinapakita ni Trina.

"Can I seat here with you guys?" Malambing na tanong ni Blue, dahilan naman para kiligin ang kanyang mga kaklase lalong lalo na si Trina na katabi nito.

"Sure!"

Nanunuksong umatras si Trina upang paupuin ang napupusuang kaklase. Idinikit ni Blue ang katawan kay Trina matapos nitong umupo sa tabi nito, dahilan para mamula ang kulay porselanang balat ng dalaga.

"You really are so pretty, Trina." Malanding bulong ni Blue sa katabi dahilan para mas lalong kumagat ito sa kanyang pang ibabang labi na sinundan ng tingin ni Blue.

"Later?" Bulong ni Blue sa tainga ni Trina.

"Hmm.... Old library right?" Malandi ang tono ng boses ni Trina ng tanungin n'ya ang binata, mapang asar itong nag isip at mabilis tumango.

"Yeah, around 7pm?" Muling napaisip si Trina.

"Like what you and Hanna did?"

"No-uh, ours will be way more special, baby." Pasimpleng hinalikan ni Blue si Trina sa ulo nito.

Naputol ang mainit na usapan ng dalawa ng dumaan sa kanilang harapan si Faith, diretso ang tingin sa dalawa, ngunit mabilis itong tumingin kay Blue.

"Hey! Nerd the hell you're looking at?!" Naiiritang sigaw ni Trina sa kaklaseng si Faith, hindi nito napansin ang tinginan ng dalawang sina Blue at Faith bago ito umalis dahil sa sigaw ni Trina.

"Chill, it's just Faith."

"Yeah the friend of your ex-girlfriend, Hanna." Tila nagseselos ang boses ni Trina ng banggitin ang pangalan ng huli.

"Nagseselos ka sa wala na? Hey, I am here and that's all that matters, okay?" Mabilis napalitan ng ngiti ang kaninang nakasimangot na si Trina. Nang aakit nitong niyakap ang binata.


Flashback:

"You should do it as fast as you can." Seryosong ani Faith.

"How the hell did you know what I am planning? Minamanmanan mo ba ako?" Iritableng anas ni Blue sa kaklase.

"I have lost one friend, Blue! Minamanmanan ko lahat ng kilos mo, inaalam ko kung may gagawin ka para sa kaibigan ko, atleast do something for her." Emosyonal na anas ni Faith.

Hindi kaagad nakapagsalita si Blue sa sinabing iyon ni Faith, tila malalim itong nag iisip.

"Naniniwala ako sa'yo, Blue. Hinayaan kayo ni Trina nuong gabing naghihingalo si Hanna, she could have done something for her. Ka'ya pala! Ka'ya pala bumalik s'ya sa hallway ng dormitory na nakangiti dahil alam n'yang mamamatay nuong gabing iyon ang kaibigan ko." Lumuluha ito habang binabanggit ang pagdurusa ng kaibigan.

"If I could have known first, instead of Trina. We could have saved her life."  Nakuyom ni Blue ang palad.

"She was your childhood friend, you both could have her until the rest of your life, Blue. Pero dahil sa bitchesang iyon! Nawala ang minamahal mo..."

"You have to do something for her and if you don't... Ako ang gagawa ng paraan... Lahat ta'yo nasa impyernong ito and I don't think we still needed a moral where in fact killings been happening and Trina could be the culprit..."

"Make her believe and drag her to damn hell, Blue..."


Ang kaninang matinding kalungkutan sa mga mata ni Faith ay tila napalitaan ng galiit at poot, tila tugma ang nararamdaman ng dalawa sa pagkawala ng kanilang kaklase.


"I will..."

Dark Secret: Enigma of AdamsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon