Chapter 19: Eavesdropping

5K 117 5
                                    








***

CHAPTER 19

Nang sumapit ang alas y siete ng gabi ay hindi nagpahalatang umalis ng silid si Blue, ang kanyang mga kasamahan ay hindi pa natutulog ngunit ay napag desisyunan na nito ang umalis, napagtagumpayan naman n'ya ang hindi mahuli habang umaalis sa loob ng kanilang dormitory ka'ya naman ay sa hallway na nito ang kailangang mag ingat.





Hindi nito namalayan ang dalawang headmasters sa kabilang hallway patungo sa kanyang kinatatayuan.





Ngunit bago pa s'ya mahulia nang mga ito para pabalikin sa kanyang silid ay kaagad s'yang nagtungo sa poste upang magtago, makalipas ang ilang segundo ay nilingon n'ya ang hallway upang silipin kung may tao pa, dahan dahan na itong kumilos ng mapansing wala na ang mga ito papaalis sa hurisdiksyon ng dormitory ng mga kalalakihan, ngunit bago pa s'ya makaalis ay may biglang humawak ng kanyang bewang dahilan para manlaki ang kanyang mga mata sa gulat.





''Hi!''





''Hanna! You scared the hell out of me.'' mahina at kabadong bulong nito pagkaharap sa kaklase. Malaki namang napangisi si Hanna marahil sa reaksyon ni Blue.






''I'm sorry I did, you're too preoccupied, ni hindi mo namalayan nasa likod mo lang ako.'' natutuwang ani Hanna at binitawan na ang pag hawak sa bewang ni Blue dahil humarap na ito sakanya.






Mabilis namang ninakawan ni Hanna ng halik si Blue dahilan para panlakihan ito ng mata. ''Why did you do that?! You should not.'' Ani Blue nanlalaki ulit ang mga mata ngunit halatang pinipigilan ang mga ngiti, habang si Hanna naman ay hindi pa rin nawawala ang mga ngiti.






''Sabi ko naman sa'yo, pag kiniss kita ibig sabihin gusto din kita at gusto kitang maging boyfriend.'' Ani Hanna sa malambing na boses.





''Gusto ko munang maging official boyfriend mo bago kita mahalikan.''







''Boyfriend na kita the moment I kissed you.'' Dahilan naman ng sagot ni Hanna para ipakita na ni Blue sa wakas ang napakasayang ngisi, sisigaw na sana ito sa galak ngunit ay mabilis namang sumenyas si Hanna na tumahimik gamit ang daliri.






''Shh!'' Kinagat ni Blue ang kanyang labi upang pigilan ang sumigaw sa tuwa, napasuntok pa ito sa kamao habang pinagmamasdan ito ni Hanna na malaki rin ang ngiti.






''Let's go before it gets too dusk.'' Sabi ni Hanna dahilan para hawakan s'ya ni Blue sa kamay, bago n'ya ito hatakin paalis ay hinalikan n'ya ito sa noo at tuluyan na nga silang nagtungo sa kanilang pupuntahan.






Hindi nila alam na may mga matang nagmamasid sa kanilang dalawa kagaya na lamang ni Trina na nasaksihan ang paglalambingan ng dalawa sa malapit kung nasaan ang dalawa kanina. Sa gilid ng kanyang pajama ay ang nakayukom na palad marahil sa galit na nararamdaman sa nasksihan kani kanina lamang.






Nakangiti at dahan dahang nagtungo ang dalawa sa school grounds habang masaya din na magkahawak ang mga kamay na tila wala silang kinahaharap na problema patungkol sa nangyayaring patayan ng kanilang seksyon.






Si Trina naman ay dahan dahan pa rin na sumusunod sa dalawang kaklase, tila wala itong balak ipaalam sa dalawa na sinusundan n'ya ang mga ito kung ka'ya naman ay hangga't maaari ay nag iingat sa bawat kilos upang hindi mahalata.






Hindi nahuhuling nakarating ang dalawa sa school ground at umupo sa bermuda grass sa gilid, si Trina naman ay nasa gilid ng school building malapit sa dalawang kaklase na tila nagmamanman.






''The stars seem happy for us as well, isn't it?'' maligayang tanong ni Blue at hinawakan sa balikat si Hanna.





''Very much happy.'' Nakangiting tugon ni Hanna at ipinatong ang ulo sa balikat ni Blue.







''Alam mo ba? The very moment I saw you and Trina kissed it feels like I don't wanna go near you. S'ya ang first kiss mo at hindi akong girlfriend mo.'' Ani Hanna sa kalagitnaan ng kanilang momentum, tila malungkot ang maliit nitong boses ng sabihin n'ya ang mga katagang iyon. Naging dahilan naman iyon para tingnan ito ni Blue na kaninang nakatingin sa kalawakan, hinahangaan ang ganda ng bituin ngayong gabi kasama ang kanyang kasintahan.






''I'm sorry, but I kissed you while you were sleeping,'' Nanlaki ang mga mata ni Hanna na nakatingin kay Blue, nagtatanong din ang mga mata nito.





''When?''







''Nuong natutulog ka sa gymnasium, susunduin sana kita but I let you slept on the bench for a while, you seem exhausted due to your volleyball practice, so It means ako ang first kiss mo.'' Matamis na ngiti ang nakaukit sa mga labi ni Blue ng sabihin n'ya iyon habang si Hanna ay naglilihis ng tingin habang kinakagat ang labi na pawang pinipigilan ang mapangiti ng malaki.






''Bakit ka naglilihis ng tingin? Gusto ko makita mga ngiti mo.'' Pangungulit ni Blue dito at hinawakan ang baba ni Hanna upang iharap sakanya na dahan dahan n'yang ginawa. Matamis din ang mga ngiti ni Hanna habang paminsan minsang naglilihis ng tingin, nakatitig si Blue sa mukha nito habang hawak pa rin ang baba nito.






''Mahal na mahal talaga kita, Hanna.'' Malambing na saad nito, hinawakan ni Hanna ang palad nito pababa sa kanyang siko ng marahan at napapapikit, tila ninanamnam ang sandaling magkasama sila.






''I love you more, Asul.''






''Can I make love with you?'' Tanong ni Blue, punong puno ng pagnanasa ang mga matang bumaba ang tingin sa mga labi ng kasintahan mula sa mata nito. Nagsisimula na ring mamula ang kanyang mga mata habang sabik na sabik na hinihintay ang sagot ni Hanna sa kanyang pagnanasa.







Isang minute bago sumagot si Hanna dahilan para ipikit ni Blue ang kanyang mga mata.






''I'm sorry for asking such sensual questions, I know you're not ready yet cause you're second guessing.'' Nakangiting anito at dahan dahang hinalikan ang noo ni Hanna senyales ng kanyang respeto sa kanyang kasintahan.





''Handa na ako, Blue.'' Matigas ngunit mahinang tugon ni Hanna at muling hinawakan ang palad nito, dahil sa sinabi nito ay tila nanumbalik ang pagnanasa sa mga mata ni Blue na tila kanyang pinipigilan kanina lamang.






''I want you, now...'' sabi ni Hanna tila nauupos na apoy ang kanyang boses ng sabihin iyon, dahilan din ng mas malalang pagsiklab ng pagnanasa sa mga mata at katawan ni Blue.






Samantala ay sa hindi kalayuan, pinagmamasdan ni Trina kung paano siilin ng halik ang isa't isa dahilan para maghinapis ito sa galit at lungkot, nakakuyom ang mga kamao at paunti unting tumutulo ang luha sa kanyang mga pisngi.







Habang nanonood sa dalawa ay naisipan n'yang kapain ang isa pang cellphone sa bulsa ng kanyang pajama, nagsilbi itong spare cellphone sakanya dahil ang isa n'yang smart phone ay kinumpiska. Sinimulan n'yang kuhaan ng video ang dalawang ngayon ay nakahiga na sa bermuda grass ng school ground sa pinakang sulok.






Kahit hindi ganoon kaaninag ang mga ilaw sa paaralan ay nakikita pa rin o malinaw sa video kung anong ginagawa ni Hanna at Blue sa ilalim ng buwan.






Ngunit ay hindi lamang si Trina ang nakakapanood ng nangyayaring sensual sa pagitan ni Blue at Hanna ng mga sandaling iyon. Ang taong nasa likod ng itim na maskara hindi kalayuan.






Dark Secret: Enigma of AdamsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon