Chapter 13: Three Departed Souls

4.1K 115 3
                                        




CHAPTER 13

Kinabukasan sa loob ng classroom ay karamihan ay ang lumuluha habang ang iba ay nag uusap usap mula sa nangyari kagabi, tila walang kaalam alam ang ilang mga kalalakihan ng 8th section sa nangyari marahil ay mahimbing na ang tulog ng ilan ka'ya kinabukasan na lamang ibang ng iba nalaman.




Ang bakanteng upuan ng tatlong namatay na estudyante ay tinirikan ng puting kandila at may bulaklak ng lilies na karaniwang iniaalay para sa namayapa na.



Kasalukuyan paring nagkakagulo kung saan nakahandusay kanina ang bangkay ni Cleo, ngunit ngayon ay nakuha na ang bangkay nito.



Ang kanila namang guro para sa unang class subject ay wala pa dahil hindi pa oras ng kanilang pagtuturo, tila napipilitan na lamang ang 8th section ang pumasok sa kanilang silid aralan.


''Paano na ta'yo nito? Tatlong kaklase natin ang namatay kagabi, pang lima na ang namamatay.'' Nalulungkot at nagtatakang banggit ni Rico at napahilamos marahil hindi makapaniwala sa nangyari.



''Oo nga, akala ko tapos na dahil mag iisang buwan na nakalipas ng mamatay si Joshua, at ngayon tatlo pa ang namatay.'' Ani naman ni Renzo na katabi si Rico.



''Why Cleo died? I mean how did he get there near the girl's dormitory? Alam na n'ya samantalang ta'yo walang kaalam alam?'' litanya naman ni Ace.



''You should ask, Mikko as well.'' Seryosong sinabi ni Huxley ng hindi sila tinitingnan, kagaya parin ng dati ay kakaiba parin ito kumilos at magsalita.



At dahil naman sa sinabing iyon ni Huxley ay binalingan nila ng tingin si Mikko na kasalukuyang nilalaro ang ballpen n'ya, at ng mapansin n'yang tinitingnan s'ya ni Ace, Rico at Renzo ay nangunot ang noo nito habang nilalaro parin ang ballpen n'ya.



''Why the hell you all looking like that?'' mayabang at mataas ang boses na tanong nito.


''By any chance, did you know why Cleo got shot last night?''


''Nakita ko s'yang namatay, pero hindi ko alam bakit s'ya pinatay. May tanong ka pa?''mayabang na sinabi ni Mikko ngunit ay wala na ulit ang nagsalita ka'ya naman ay naputol ang kanilang usapan patungkol sa nangyayari.


Ang mga estudyante naman sa kabilang section ay madalang tinitingnan at pinag-uusapan pa rin ang 8th section, ang ilan ay natatakot at nagtataka sa nangyayari sa loob ng kanilang section.


Binalingan ng tingin ni Rose saglit ang natatakot na tumitinging taga ibang section sa kanila ka'ya naman ay mabilis naglilihis ng tingin ang sumisilip.


Naitungo ni Rose ang ulo at hindi nito mapigilan ang mapaluha, sa kabilang banda ay ang nakaupong si Tophyllie at hindi mapakali habang nakatingin kay Rose. ''Are you planning to confront, Rose?'' Tanong ni Enricko ng mapansing ang tingin nito kay Rose.



''Kind of,'' seryosong sagot nito at hindi inaalis ang seryosong tingin kay Rose.


''She looked kind of depressed or something, tingin mo ba umaarte lang 'yan? Alam mona para siguro kaawaan s'ya.'' ani ni Enricko.


''Maybe, hindi mo naman hahayaang paghinalaan ka kung ikaw ang salarin.'' Makabuluhang sinabi ni Tophyllie, tinapik naman ni Enricko ang balikat n'ya.


''Bakit hindi mo pa gawin? Related s'ya sa dating principal na pinaghihinalaan ng halos lahat, malay mo s'ya ang sagot sa lahat ng tanong natin.'' Sabi ni Enricko dahil pinapalakas nito ang loob ng kaklase.

''Okay, fine.'' Ani Tophyllie at taas noong tumayo at dumiretso sa kinauupuan ni Rose na dahan dahang lumingon sa nakatayong si Tophyllie sa harapan n'ya. Kinwelyuhan nito si Rose at seryoso ang mga matang nakatutok sa kaklase.


''Umamin ka na, Rose! Please lang, dumarami na ang namamatay.'' Mariing sinabi nito dahilan para makuha nila ang atensyon ng lahat, tanging si Denesis lang ang umaawat sag alit na galit na si Tophyllie.

Bago pa may magawang hindi maganda si Tophyllie kay Rose ay pumagitna na si Denesis sa kanilang dalawa. ''Gusto ko rin ng sagot Tophyllie, kagaya n'yo. . .'' tumigil si Rose sa pagsasalita at iginala ang paningin habang naluluha.


''. . . Kagaya n'yo, nagtataka rin ako kung bakit, anong kinalaman ng lola ko dito! There are so many odd questions running through my head, pero walang makasagot ng mga iyon,'' pagtutuloy nito sa sinsabi kanina. Hindi na nito napigilang mapahagulhol.



''Time will only tell, and if you really are involved with the killings, I'm not gonna have second thoughts to do something worse at you.'' Seryosong gatong naman ni Enricko habang masamang nakatingin kay Rose.


''I have nothing to do with these, pero- siguro kailangan ko ka'yong maintindihan dahil life and death ang situation natin dito at. . . alam kong natatakot na ka'yo kagaya ko.'' Ani Rose habang naluluha ka'ya hindi nito napigilang mapiyok.


''Rose hindi mo kailangang magpaliwanag sa makikitid ang utak, ako, alam kong wala kang kinalaman dito, naniniwala ako sa'yo.'' Ani ni Denesis at inalo si Rose na patuloy paring umiiyak.


''Sa tingin ko tama si Denesis. Furthermore, we don't have any evidences to condemn Rose,'' gatong naman ni Madeline habang isa isang tintingnan ang mga kaklase habang nagsasalita, tila nagmamakaawa ang ekspresyon ng mukha nito.


''Magdiin ta'yo ng tao kung nasa katwiran at napatunayan.'' Sabi naman ni Anj katabi ang nobyong si Ace.

Natigilan ang lahat ng marinig ang pagtunog ng takong sa sahig senyales ng pagdating ng kanilang guro na si Mrs. Alonte ka'ya naman ay dali daling nagsitungo ang 8th section sa kani kanilang upuan.

Nalulungkot ang kanilang guro habang nakatingin sa kanyang mga estudyante kahit ganoon ay isang pilit na ngiti pa rin ang pinakita nito.


''Morning, class.'' Pagbati nito kasabay ang malalim na buntong hininga. Bumati naman pabalik ang kanyang mga estudyante sa kanyang pagbati.


''Alam kong lahat ka'yo ay nabalitaan na ang nangyari sa tatlo ninyong kaklase kagabi.'' Seryosong panimula nito at saglit sinulyapan ang upuan ng tatlong pumanaw na estudyante.

''Let us all bow our head to pray for the departed souls of Jade Johnsons,Ion Montemayor and Cleo Seol who have died yesterday night. . . Eternal restgrant unto them, O Lord, and let perpetual light shine upon them. May theirsouls and the souls of all the faithful departed, through the mercy of God,rest in peace. Amen.''

Dark Secret: Enigma of AdamsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon