Just A Letter of Mine For You

14 0 0
                                    

Just A Letter of Mine For You . . .

by: I am Domzkie        Copyright  February 2014   All Rights Reserved

Prologue:

   Sabi daw nila hindi lahat ng taong kasama mo ngayon ay makakasama mo habambuhay, sadyang may mga tao talagang aalis sa buhay natin at hindi natin sila pwedeng pigilan lalo na kung yun talaga ang nakatakdang mangyari. Isang bagay na nakakalungkot isipin at masakit tanggapin.  At isa pa, naniniwala din ako na kapag may mga taong nawala sa buhay natin ay may mga bago namang darating, yung tipong mas magbibigay ng kulay at kahulugan sa buhay natin. kaya habang kasama pa natin yung mga taong mahalaga at espesyal sa buhay natin dapat lang na icherish natin yung bawat moment na kasama sila kasi hindi na natin maibabalik yung bawat sandaling iyon lalo na kung sinayang lang natin ...........................................................................................................................

. _ __ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

First, itong story or letter na to gusto ko itong idedicate for her para naman kahit papaano mabigyan ko siya ng remembrance kahit magkalayo na kami ngayon.

_  _ _ _ _ _ _ _ _

Dear Erricka Joyce,

 First of all, gusto kong magpasalamat kay God na isa ka sa mga taong naging bahagi ng buhay ko especially ng aking high school life . Isa ka rin sa mga taong nagpasaya sa akin ng sobra sobra. . XD Naaalala ko pa nga nung una tayong naging magkaklase nung Grade 6 tapos ST.Barbara section natin, parang ikaw yung laging nakakapansin sa akin eh na halos lahat ata ng kilos ko nun alam mo not to mention yung pagiging Kengkoy ko. . haha JK. . . Hanggang sa grumaduate tayo ng elementary at naging freshmen highschool na tayo, di ko akalain yun na magiging kaklase pa kita kaya sinabi ko nun ikaw na naman! . . Tsaka nung 1st yr tayo lagi nalang tayong inaasar sa isa’t isa at ang masaklap pa ginawa pa tayong LOLO at LOLA Grabe ang sasama nila, porke MALABO mata natin MATANDA NA KAAGAD >.< . Tsaka gusto ko din palang magsorry sa lahat ng mga nagawa kong pang-iinis at pang-iinsulto sayo nun Nagawa ko lang naman yun kasi. type kita eh …………………………………………………………………………………………………… . . . Cge na nga sabhin ko na, dati kasi. . .. . ……………………………. Oo inaamin ko na , na may gusto rin ako sayo dati. Wag ka sanang mailang sakin kasi dati lang naman yun eh. . kaya nga pag naririnig ko yung kantang “Dati” ni Sam Concepcion ikaw lagi kong naaalala eh lalo na sa mga lyrics na to “Dati-rati sabay pa nating pinangarap ang lahat, umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat, naaalala ko pa nun nag-aagawan ng nintendo kay sarap naman mabalikan ng ating kwento” oops napakanta na tuloy. . . haha pagbigyan mo na favorite song ko din naman yan eh. . ^^. Anyway, I would also like to say that I MISS YOU SO MUCH . . Alam mo ba yun? Nakakamiss lahat ng mga kulitan natin nun sa Barth eh tsaka naalala ko pa nga yung huling project natin nun sa computer programming tapos cellphone loading station yung example natin??I miss you so much that everytime I wake up in the middle of the night our memories always comes back to me especially the happy ones that makes me feel that you are apart from me and that we will never see each other again. . Kung maibabalik ko lang sana yung mga panahong magkasama pa tayo nun sa barth eh . . Oops so much for the drama. . Pasensya na na naging madamdamin ako sa mga bahaging to kasi kahit papaano gusto ko lang naman sabhin sayo kung gaano ko kita namiss T.T T.T . . . Kamusta ka na nga pala? Balita ko dalaga ka na daw ah at siguro malaki na pinagbago mo mula nang huli tayong nagkita. . Sayang nga eh hindi tayo nagkita nung umuwi ako jan sa Taal . . di ko kasi alam kung paano ka kokontakin nun eh. . sorry talaga ha?? Its been 4 years ago since we graduated from elementary and now we shall graduate high school. I just want to tell you na dahil graduating na tayo mag- aral ka mabuti ha? Para mkahanap tayo ng magagandang schools sa college. Before I end this letter of mine for you, hindi ko naman hinihiling na magustuhan mo itong letter ko para sayo. Gusto ko lang na kahit papaano ay maapreciate mo, kasi sa letter na to isinulat ko yung summary ng mga pinagdaanan natin nung magkasama pa tayo at yung mga memories natin na hindi kayang burahin ng panahon.. That’s all and don’t forget to trust God in everything you do. .

Truly Yours,

Domzkie

                                                                     - - - END- - -

Please Vote and Comment po

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just A Letter of Mine For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon