Hating Kapatid
ni Eithan Ivan Park PataniUnang Kabanata
Dalawa lang silang magkapatid. Nagmamahalan at nagbibigayan. Si Shaima ang panganay, maganda, matangos ang ilong, maputi, mapupula ang mga labi, matalino, close-up smile at may mga matang kaakit-akit. 5'4 ang hieght... Kinababaliwan siya ng maraming lalaki dahil sa kaniyang gandang mala-Diyosa.
Si Saima naman ang sumunod, morena pagkat mana sa ama, matangos ang ilong, medyo matalino, maayos naman ang mga ngipin, 5'5 ang hieght, may kissable lips na parang laging nag-aanyayang mahalikan at shy type. Hindi mahilig makipagsosyalan at ang hilig niya ay isport. Manang kung manamit at ang kanyang ganda ay hindi pansinin pagkat hindi siya maarte.
Close na close ang magkapatid. Best of friends sila. Lagi silang magkahati sa lahat ng bagay. Medyo nakakaangat sa buhay ang pamilya ng magkapatid. Hindi naman sobrang yaman pero sapat na para maibigay ang mga luho. Walang naitalang away nang magkapatid dahil ang turo sa kanila ay lagi silang magmahalan at magbigayan. Kabilin-bilinan nang kanilang mga mapagmahal na magulang ay huwag tumulad sa ibang kabataan na may mga nobyo na.
Ang hindi alam nang lahat ay may lihim na boyfriend si Shaima. 4th year college at kumukuha ng Civil Engineering sa MSU-Main. Campus crush ang kasintahan nitong si Mohammad Yassin Ali. Lihim ang kanilang relasyon. Sobrang mahal nang lalaki si Shaima na 2nd Year college taking up Accounting sa MSU-Main Campus Rin. Pinapangarap nang lalaki na ang nais makasama habambuhay ay si Shaima lamang. Kapag nakatapos siya sa kaniyang kurso ay makahanap lang permanent job ay mamanhikan na siya sa pamilya nina Shaima.
Hindi naman na matatawag na pobre si Yassin ngunit may mga araw na kinakapos sila sa pera. Private teacher ang ina nito at driver naman sa motor ang kaniyang ama. Bunso siya sa tatlong magkakapatid. Ang gap niya sa kaniyang dalawang ate ay 10 years at 11 years. May mga asawa na ang kanyang mga ate at bumukod na nang mga sariling bahay. Kapag nagigipit siya ay takbuhan niya ang kaniyang mga kapatid. Pero may mga sandaling siya na lamang ang naghahanap ng paraan para sa mga pangangailangan niya. Hindi naman kasi kayamanan ang ang dalawang ate niya kahit mag gov't employee na ang mga ito.
Isang araw ay nakipaghiwalay si Shaima kay Yassin pagkat ang nais nang dalaga ay magfocus sa pag-aaral. At sinabi pa niyang nais niyang igalang ang kagustuhan ng mga magulang na wag siyang makipagsyota.
Shaima: Maghiwalay na tayo Mako... ayaw ko na.
Yassin: Joke ba iyan...
Shaima: Hindi ako nagbibiro Mako... maghiwalay na tayo. Mula sa araw na ito ay wala na tayo.
Yassin: Anong nagawa kong mali? Halos lahat ng ipinagbawal mo ay sinunod ko. Hindi ako papayag Mako. Ayaw kong makipaghiwalay.Umalis na si Shaima sa kanilang tipanan at kahit anong pagmamakaawa at pag-iyak ni Yassin ay hindi niya pinakinggan. Mahal na mahal niya rin ang binata pero mas mabuting makipaghiwalay na ito kaysa malaman pa niya ang totoong rason kung bakit nais niyang makipaghiwalay. Ang totoo ay hayskul pa lamang siya ay nafix na ang kaniyang future husband. Hinihintay lamang ay tumungtong siya sa edad na 18 bago ipakasal sa lalaking napili ng kanilang ama. Kagabi lamang ay kinausap siya nang kaniya magulang na mamanhikan na ang kumpare ng kaniyang ama na galing sa kilala at mayamang angkan na may mga negosyo sa Greenhills.
Trip-trip lang naman ang pagsagot niya sa binata dahil na rin sa udyok ng mga kaibigan pero ang totoo ay minahal niya rin ng tunay ang binata. Iyon nga lang bilang isang masunuring anak ay kailangan niyang sundin ang kagustuhan ng kaniyang mga magulang. Alam niya na kahit mamanhikan si Yassin ay hindi rin ito matatanggap pagkat nakalaan na siya sa ibang lalaki.
BINABASA MO ANG
HATING KAPATID
RomancePaano kung pareho kayong mahal ng kapatid mo? Sino sa inyo ang magpaparaya?