kabanata 8

11 0 0
                                    


"Anong relasyon ninyo ng bana ko ate? " diretsahang tanong ni Saima sa ate habang na  nagsasauna.
"Saan ba pupunta itong tanong mo areko?" itinugon ng ate kahit ang totoo ay nagulat siya sa tanong.
"Maliwanag naman ang sinabi ko ate... Narinig ko kayo sa balkonahe. May dapat ba akong malaman tungkol sa inyong dalawa?" Gusto na niyang sumigaw pero kinokontrol ang sarili niya dahil ate pa rin niya ang kaharap.
"Dati kong kasintahan ang asawa mo noon at siya ang una kong naging boyfriend. Bago pa mahulog ang loob ko sa kanya ay binreak ko na siya dahil alam kong nakalaan na ako sa iba." Malumanay ang pagsasalita na kababakasan nang kalungkutan ang tinig.
" Lahat na lang ay hati tayo... Kahit nakakaramdam na ako ng selos sa atensyon ng mga magulang natin ay binalewa ko dahil mahal kita. Pati ba naman sa asawa ko ay kahati pa rin kita. Sagutin mo ang tanong ko ate, mahal mo ba ang asawa ko!!!?" pwersa at poot sa tinig. "May relasyon ba kayo ate?" Dugtong pa na may diin ang tono.
"Anong klasing tanong iyan? Wala kaming relasyon... Anim na taon na ang lumipas nang pangyayaring iyon." Tumayo at nagsalita ulit si Shaima. " Kaya ka pala nakipagbonding sa akin para itanong lang iyan. Oo nagkamali ako noon at nakasakit ng damdamin ng iba pero hindi ko kailanman kayang saktan ka. Kung sa mahal... Oo, mahal ko pa rin siya" Sabay lumabas at nagbihis at hindi itinuloy ang spa na ikinataka ng mga attendant sa pinagspahan ng magkapatid.

Naiwang luhaan si Saima pagkat hindi na niya alam ang papaniwalaan. Nagkaroon na siya ngayon ng pagdududa sa bana. Gusto na niyang uwuwi rin at komprontahin ang asawa. Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ng dalawang taong mahal na mahal niya. Nasa bahay na ito at kanina pa nag-aabang sa sala ito. Sa mga oras na iyon ay hindi pa umuuwi ang kapatid. Sa wakas dumating na ang hinihintay... hinalikan siya sa pisngi subalit iniiwas ang pisngi na ipinagtaka ng bana.

"Anong problema abi iyan?" clueless si Yassin sa inaasal ng asawa. "May dapat akong malaman tungkol sa inyo ng ate ko!?" Gusto na niya sumigaw sa sama ng loob. "Anong kalokohan ito?" mukhang may nasesense na si Yassin. "Umamin na ang ate ko na naging kayo noon kaya gusto kong malaman kung totoo iyon!" Umiiyak na siya.
"Wala akong dapat ipaliwanag... pagod ako sa trabaho... pwede bang pagpahingain muna ako!" Pikon na si Yassin kaya tinungo ang kwarto nila na sinundan naman nang asawa.
"Niligawan mo siguro ako para makaganti sa ate ko. Tama ba!?" ani Shaima na nag-uunahan ang luha sa mata sa pagbaba. Wala pa rin imik si Yassin. "Utang na loob sagutin mo ako!" Halos marinig na ang boses niya sa mga kapitbahay.

"Oo! Noon pero hindi na nang magkita tayo ulit..."  pasigaw rin pag-amin pero bumaba rin ang tono. "Mahal na mahal ko ang ate mo noon pero iniwan ako ng walang dahilan. Halos mabaliw ako sa dulot nang pang-iiwan niya sa akin. Nakalimutan ko na ang sakit dahil sa iyo dahil mahal na kita." pagtatapat ni Yassin sa asawa. "Saan mo narinig na naging kami ng ate mo?"tanong ng bana. "Narinig ko kayong nag-uusap sa balkone. Siguro pinlano mo lahat na paibigin ako para makahiganti sa ate ko." naupo siya humahagulgol. "Hindi iyan totoo omi iyan. Mahal na mahal kita. Kaya kita pinakasalan dahil mahal kita at anumang plano kong gumanti ay matagal nang wala na sa puso ko dahil ang mahalaga ay ikaw."

Kinabukasan ay nagpalipas muna ng sama ng loob si Saima.  1 week na siya sa Marawi at hindi niya kayang muling harapin ang asawa at ate. Mahal na mahal niya ang asawa pero iyong feeling na niloko siya ang pumipigil sa kanya para patawarin ito at kalimutan ang lahat. Noong huling pag-uusap nila ay humingi ng tawad ang bana dahil wala naman may kagustuhan sa mga nangyari. Pinuntahan siya ng asawa sa dorm nito subalit hindi siya sinipot at ipinasabi niya ay nasa Ambolong ito.

Isang panauhin ang itinawag sa kaniya ng kanyang landlady. Ang bana pala nito na mukhang nangayayat at haggard. "Sinusundo na kita... Umuwi ka naman sa atin. Miss na miss na kita" Naluluha si Yassin. "Hindi ko kayang mawala ka, mahal na mahal kita omi iyan." Pagsusumamo ni Yassin.

HATING KAPATIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon