Hating Kapatid
ni Eithan Ivan Park PataniHuling Kabanata
Tuluyang nagkaayos sina Yassin at Saima. Masayang-masaya sila ngayon. Samantalang nasa isip pa rin ni Shaima ang lalaking kahawig ng bana ng kapatid niya. Meron bang ganun? Hindi magkapatid pero magkamukha. Mukhang kilala pa siya. Noong tinatanong siya ay pababa na siya nun kaya hindi na niya napag-uukulan ng pansin ang lalaking nakasakay. Ang hindi niya alam ay bumaba rin pala ang lalaki kung saan siya bumaba nang hindi niya napapansin. Lihim pala siyang sinusundan nang lalaki at noong makita nang lalaki kung saan siya tumuloy ay umalis na rin ito. Medyo malapit lang din ang bahay nang binata sa bahay ni Shaima. Kinabukasan...
"Ate Shaima, may naghahanap sa iyo..." ang sabi ng pinsan nito sa ina na siya nitong tinutuluyan. Medyo nagtaka pa siya kung bakit may naghahanap sa kanya sa lugar na iyon. Agad din siyang lumabas para matingnan kung sino ang naghahanap sa kaniya. Ganun na lamang ang gulat niya dahil ang lalaking nakasakay at kahawig ni Yassin ang naghahanap sa kanya. "Huwag mo muna ako iwan Nairah owm" Bulong niya rito. "Diyan ka lang sa may malapit" dugtong pa ni Shaima.
"Hinahanap mo raw ako?" Direktang tanong ni Shaima. "Hindi mo ba ako natatandaan Shaima?" Sabi ng binata. "Sigurado akong hindi kita kilala mister" paniniyak pa nito. "Ako ito... si Mohammad Yasser Ali. Remember sa MSU Library, iyong lalaking makulit na tingin na tingin sa iyo?" naniniyak ang binata na matatandaan siya nito. Gulat na gulat si Shaima... Now alam na niya na ang lalaki pala na ito ang siyang lalaking makulit na titig na titig sa kanya noong mahigit anim na taon nang lumipas. Siya pala ang nanligaw sa kaniya. Hindi na niya ito pinahirap pagkat hindi naman siya seryoso rito.
Ngayon lang niya naisip na parang nagtataka si Mohammad Yassin Ali na parang awkward ito noong pansinin niya. Pinansin pa nga niya ang lalaki na bagay sa kaniya ang maikling buhok. Ang buong akala niya ay si Mohammad Yassin ang lalaking nakilala niya sa library na makulit. Kaya pala sabi ng asawa ng kapatid na Yassin ang pangalan niya at hind Yasser noong tinawag niya itong Yasser. "Alam mo bang matagal na kitang hinahanap... hindi kasi ako nagpaalam sa iyo noon noong ma-emergency akong pumunta ng Manila." Paliwanag nang lalaki. All of sudden pala ay namali pala niya si Yassin kay Yasser.
-THE END-
HATING KAPATID (Ikalawang Yugto)
Lagom:
Unang nagkakilala sina Shaima at Mohammad Yasser Ali. Bago pa lamang ang relasyon ng dalawa nang maputol dahil may mahalagang nilakad ang pamilya nina Yasser sa Manila. Dayo rin siya sa MSU noon ang lalaki pagkat mayroon itong research. Na-love at 1st sight ito kay Shaima. Kinukuha niya ang number ng dalaga pero ayaw ito ibigay pero ilang week lang ang pagpaparamdam nito ay sinabi ng dalagang sila na pero naudlot din. Bumalik naman siya sa MSU pagkaraan ng ilang buwan para hanapin ito ngunit hindi na niya nakita ang dalaga. Pagkaraan nang mahigit na anim na taon ay nakita rin niya ang babaeng dahilan kung bakit kahit anong pilit sa kaniya nang kaniyang mga magulang na mag-asawa ay umaayaw ito pagkat sa isip niya ay magkikita rin sila ng dalagang itinangi.
Isang lihim sa pagkatao ang matutuklasan sa pagitan nina Mohammad Yassin at Mohammad Yasser na magbibigay hadlang para umayaw ang dalaga kay Mohammad Yasser. Si Yasser naman ay gagawin lahat kahit tumutol pa ang mundo maging asawa lang si Shaima.
BINABASA MO ANG
HATING KAPATID
RomancePaano kung pareho kayong mahal ng kapatid mo? Sino sa inyo ang magpaparaya?