Nanganak nang isang lalaki ang ate ni Yassin. Pitong taon bago nasundan ito. Matagal inasam nang ate nitong si Samara Ali at ang asawang si Hanif Solaiman na biyayaan nang anak na lalaki dahil ang panganay nitong anak na si Maimana Solaiman ay inaasam-asam din na magkaroon nang kapatid. Nasa private room ito... Sa mga oras na iyon ay magkausap ang magkapatid nang bilang may tumuktok. Laking gulat ni Yassin at ganun din ang babae dahil sa all places ay sa ospital pa sila magtatagpo. Laking tuwa nang lalaki gayun din si Saima na nagkita silang muli.
Nang magkaroon nang pagkakataon si Yassin ay agad kinausapa ang dalaga at kinuha ang number nito. Nagpaliwanag ang binata kung hindi siya nakaparamdam dito. Sinabi pa niyang hinanap ito subalit hindi niya ito makita-kita. Napag-alaman din nang binata na maling adress ang ibinigay nito. Hindi na rin nagpakipot ang dalaga dahil ang totoo ay gusto niya ang nangyayari. Perfect timing ang lahat... Naging magkatextmet ang dalawa at halos natanong na nila sa isa't isa ang nais malaman ng bawat isa. Kulang na lamang ay maging sila subalit dahil natatakot si Saima na makipagnobyo ay lagi niyang iniiba ang textan nila ni Yassin.
Makalipas nang tatlong buwan ay opisyal nang magkasintahan ang dalawa. Ang totoo ay kinalimutan na nang binata ang planong maghigante pagkat mahal na niya ang dalaga. Nais niya itong pakasalan makaipon lang nang pan-dowry. Subalit mapagbiro ang tadhana... Isang araw. Sa isang grocery store sa MSU... nagkabanggaan sina Shaima at Yassin. Nagkagulatan ang dalawa. Dahil limot na lahat ni Yassin ang pananakit ng ex ay pinakitunguhan nito nang maayos. Mukhang nakamove-on yata si Shaima. Kumain ang dalawa sa isang di mataong resto at doon nag-usap. Wala namang masama kung sumama si Shaima sa paanyaya ng ex na if gusto niya kumain.
Yassin: Kumusta ka na Shaima? (Siya na ang bumasag nang katahimikan)
Shaima: Okey naman ako...Ikaw, kumusta ka na?
Yassin: Mabuti naman ako. Ano na ang nangyari sa buhay mo, magkwento ka naman.
Shaima: (awkward sa pakiramdam) Heto... apat na taon nang kasal ngunit wala pang anak. Ikaw naman ang magkwento.
Yassin: Heto binata... waiting for the right girl for me. Nag-wowork na ako sa Iligan.Naisip ni Shaima na humingi ito muli ng sorry pero mukhang nakalimot naman ang lalaki kaya umaayon na lang siya sa mga nangyayari.
Yassin: Nasan ang asawa mo? Bat hindi mo kasama.
Shaima: Busy kasi siya... Bihira kami magkita dahil madalas out of town.Para lang may mapag-usapan ay inusisa ni Yassin kung iyong asawa ng ex iyong wall paper niya sa tselpon.
Yassin: Iyan ba ang asawa mo? (Nakatingin sa wall paper ng tselpon.
Shaima: Oo... (inilapit ng dalaga ang wall paper sa binata para makita ang hitsura nang lalaki)
Yassin: (mukhang nakita niya somewhere ang lalaki, di niya lang matandaan) patingin nga ulit sa wall paper mo.Medyo hindi tumagal ang usapan ng dalawa kasi parang laging may dead air sa pagitan nila kaya minabuti nilang magpaalam sa isa't isa. Awkward ang nararamdaman nila. Hindi mapakali sa kama si Yassin pagkat kilalang-kilala niya ang asawa ng ex. Bana ito ng ka-officemate niyang si Najera Uti. Dalawang taon nang kasal. Biglang naawa ang binata sa dating kasintahan dahil sa natuklasang pangangaliwa ng asawa nito. Kung hindi lang masagwang tingnan ay baka naisumbong niya sa ex na may kaluguyo ang mister nito kaya binalewala na lang.
Nakaipon ng pera si Yassin na sasapat para makapag-asawa. Namanhikan ito sa pamilya ni Shaima. Sa mga oras na iyon ay hindi na niya inisip na magiging sister-in-law niya ang dating kasintahan. Ang mahalaga ay si Saima dahil mahal na mahal na niya ito. Nang mamanhikan ang pamilya ng binata ay wala roon si Shaima. Nagpasalamat siya at wala ito roon dahil for sure may awkward moment between the two of them. Itinakda ang kasal... Hindi na inusisa ni Shaima kung sinong lalaking maswerte na nakabingwit sa mahal niyang kapatid.
Sa araw nang kasal ay gulat na gulat si Shaima kung sino ang lalaking makakaisang dibdib nang kapatid. Parang kinakabahan siya na aywan. Hindi niya alam paano kikilos. Sadyang mapagbiro ang kapalaran. Kung alam lang ni Yassin na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya ito. Hindi nagpahalata si Shaima sa kaniyang very awkward na nararamdaman sa mga sandaling iyon. Abala kunwari...
Kinagabihan ay iyak nang iyak si Shaima dahil sa nangyayari sa kaniya. Naisip niyang parusa ito ng tadhana sa kaniya. Kung pwede lang sana ibalik ang panahon at oras disin sana'y pinili niya ang kagustuhan nang kaniyang puso. Daig pa niya ang naulila sa lagay niya sa kaniyang bahay. Madalas siya ay mag-isa at umiiyak. Gustong-gusto niyang may makausap. Wala naman siyang matalik na kaibigan na masasandalan dahil ang mga kagrupo niya sa college at hayskul ay mga sarili na ring buhay at pawang nasa Iligan. Puro christian pa....Bihira lang ang kaibigan niyang Maranao.

BINABASA MO ANG
HATING KAPATID
Lãng mạnPaano kung pareho kayong mahal ng kapatid mo? Sino sa inyo ang magpaparaya?