Ang nasa isip ni Yassin ay gagamitin ang dalaga para makaganti sa kapatid nito. Nasa isip niyang hindi pwedeng siya lamang ang masaktan. Gusto niyang suyuin ang dalaga at sa huli ay iiwan din nang maranasan ng ex nito ang sakit na idinulot nang pakikipaghiwalay nito sa kanya. Subalit sa hindi inaasahan pangyayari ay nanakaw ang tselpon nito kaya nawalan sila ng ugnayan. Para na siyang tangang pabalik-balik sa binanggit na tirhan ng babae baka sakaling makita niya ito pati ang dating kasintahan.
Ang ex kasi nitong si Shaima ay malihim. Ni wala nga siyang alam sa background nito at kung saan nakatira ang dalaga. Kung alam lang ni Yassin na maling address ang ibinigay ni Saima. Ang totoong tahanan nina Saima ay sa Steel Town, Iligan City at province naman nila ay sa Wao, Lanao del Sur. Sa isip ni Yassin na sana ay natanong man lang niya ang kurso nito o kung saan nag-aaral kasi ang totoo ay kaya siya napadpad sa MSU ay para ibigay ang allowance ng ate nito. Sumaglit lang siya sa Golf bago umuwi Iligan at iyon na nga saktong nandun din ang binata.
May bahay naman talaga sila sa Marawi. Ang tatay kasi niya ay taga-Ambolong, Marawi City pero madalang lang ang pagbisita nila sa lola't lolo nito sa ama. Halos kabataan niya ay sa Iligan siya lumaki at nag-aaral nang nursing sa medical. Nagkahiwalay lamang sila ng ate nitong si Shaima nang mag-aral sa MSU dahil ang HS nito ay La Salle, Iligan City.
Paulit-ulit din pabalik-pabalik si Yassin sa cottage ng dating ex nagbabakasakaling makita niya kahit isa man lang sa magkapatid pero ayon sa dating kaboarder ni Shaima ay nagko-commute. Inaabangan naman niya ito sa CBAA pero sadyang magaling magtago ang ex kaya hindi niya ito makita-kita. Sadyang ayaw nang kapalaran na maugnaya siya sa magkapatid. Ilang buwan ang lumipas ay hindi pa rin niya nakikita ang magkapatid. Aaminin niyang nasa isip na niya parati si Saima. Aminin man niya o hindi ay nais niyang makita itong muli.
Lumipas ang limang taon... Ganap nang engineer si Yassin at nagtatrabaho sa isang sikat na comapany sa Iligan City. Malaki-laki ang sahod... sasapat para siya ay bumukod nang pamilya subalit hanggang ngayon ay single pagkat ang puso niya ay may hinahanap na matagal niyang nais makita.
Si Shaima ay ganap na ring accountant. Nagtatrabaho siya bilang teller sa Landa Bank, Marawi Branch. Apat na taon na itong kasal subalit wala pang anak... papaano kasi parating wala ang asawa dahil sa negosyo nito. Nalaman lang niya ang totoong dahilan na lihim pala itong nagpakasal sa mahal nitong nobya na lingid sa kaniyang kaalaman. Ayun tuloy mukhang lumalabas na panira sa love story sa lovelife ng asawa at sa babaeng mahal na mahal nito. Ayaw naman siyang hiwalayan nang lalaki... daig pa niya ang kabit gayong siya ang unang asawa. Wala siyang pinagsabihan sa nangyayari sa kaniyang buhay. May sarili silang bahay sa Bo. Green. Minana ng asawa sa mga magulang nito. Siya lang madalas nasa bahay. Halos gabi-gabi ay umiiyak siya.
Si Saima naman ay kakatanggap lang na staff nurse sa Amai Pakpak. Nahihirapan itong mag-commute kaya naiisip na magrent na lang ng room malapit sa pinagtatrabahuan. Ayaw naman niya tumira sa father side niya kasi 2 rides. Gusto man niyang tumira sa ate pero nahihiya naman siyang makitira baka maging pabigat lang siya sa ate. Nakakahiyang makikisawsaw pa siya sa asawa ng ate. Hanggang ngayon ay single pagkat ang puso ay inilaan sa lalaking matagal na niyang hinahanap. Kahit sabi ng pride niya ay wag na ito hintayin at alisin sa isip pagkat kung gusto siya nang lalaki ay disin sana ay nakipag-ugnayan ito.
Isang tawag ang natanggap ni Yassin pagkat ang kanyang ate ay manganganak sa ikalawa nitong anak. Dahil nasa abroad ang bayaw nito kaya walang aasikaso sa ate. Twing weekends ay umuuwi siyang Marawi. Sabado nang araw na iyon ay dinala niya sa ospital ang ate sa Amai Pakpak.

BINABASA MO ANG
HATING KAPATID
RomansPaano kung pareho kayong mahal ng kapatid mo? Sino sa inyo ang magpaparaya?