kabanata 9

19 0 0
                                    


  "Bigyan mo muna ako ng sapat na panahon para makapag-isip... Umuwi ka na!" matigas pa rin ang puso ni Saima. Ang totoo ay miss na miss na niya ang bana ngunit hindi pa rin mawala ang sakit at kaniyang pagdududa na baka may nangyayari na sa bana at ate nito. Hindi napilit ni Yassin ang asawa na bumalik. "Kapag nakapag-isip ka na ay alam mo kung saan ako makikita." Umuwing sawi ang lalaki at naisip niyang babalik-balik din siya at hind susuko.

Dumating na ang mga magulang ni Shaima at Saima galing hajj kaya para hindi magtaka ang magulang ay muling nagkasama-sama ang mga ito sa iisang bubong. Parang napupuna ng ina nang magkapatid na parang may ibang ikinikilos ang mga anak. Sa isang banda ay magaling magpretend sina Saima at Yassin kaya hindi mahahalata na may pinagdadaanan ang mga ito. Bumalik na ulit si Saima sa Marawi .

Hindi alam ni Yassin habang nag-iisa sa balkonahe ay pinagmamasdan siya ni Shaima. Nakikita nito ang labis na paghihirap ng dating kasintahan. May nabuo sa kaniyang isipan. Isang sulat ang gagawin niya baka sakali maliwanag ang isip ng kapatid at bumalik na sa bana nito. Tanggap na niyang tapos na ang kasaysayan nila ng lalaking dating iniibig. Natanggap ni Saima ang sulat sa kapatid... Binuksan ito para basahin.

"Areko,

           Assalamo Alaykom!
           Bago mo itapon ang sulat kong ito ay basahin mo muna. Hindi ko alam paano ko sisimulan ang lahat. Ang alam ko lang ay kailangang may gawin ako para maayos kayong mag-asawa. Alam mo bang inggit na inggit ako sa'yo dahil nagagawa mo ang mga bagay na gusto mo. Kung iniisip mo na maswerte ako ay nagkakamali ka. Inaakala nang iba ay tunay akong masaya at pinagpala. Hindi alam ng lahat na marami akong insecurities. Hindi ko hawak ang buhay ko dahil may nagpapasya sa akin. Para akong robot na sunod-sunuran. Alam kong mahal tayo pareho ng mga magulang natin pero  minsan nasasakal na ako at pakiramdam ko ay para akong nakakulong dahil sa hindi ako malaya. Hindi ko magawa ang gusto ko.

Gusto ko mang magrebelde ay hindi ko naman kayang bigyan nang sakit ng ulo ang mga magulang natin kaya sinusunod ko naman ang kagustuhan nila. Nakaramdam lang ako nang tunay na sayang hindi pagkukunwari ay nang maging kami ni Yassin. Hindi pa kayo magkakilala ay magkakilalala na kami. Una kaming nagkita sa library. Kinuha ang number ko pero sinungitan ko. Sa panunudyo ng mga kaibigan ko ay sinagot ko ito kahit hindi ko naman mahal pero sa huli ay sa kaniya ko naramdaman ang tunay na ligaya.

Hiniwalayan ko siya dahil unfair sa kanya kung ipagpapatuloy namin ang aming relasyon dahil nakalaan ako sa iba. Labis ko na siyang nasaktan at nagdurusa dahil sa hindi makatwiran na pag-iwan ko sakanya. Para akong namatay nang iwan ko siya. Lagi siyang nagmamakaawa na balikan ko siya. Kahit mahal ko siya ay tuluyan ko nang siya itinatwa. Aaminin kong mahal ko siya pero noong nag-usap kami sa balkone ay natuwa akong nalimot na niya lahat ang sakit na idinulot ko dahil sa iyo. Mahal na mahal ka niya Areko. Bigyan mo siya nang pagkakataon na magkausap kayo ng masinsinan.

Maniwala kang walang namamagitan sa aming dalawa.Nagkamali na ako minsan at ayaw ko na magkamali ulit. Maawa ka sa asawa mo. Biktima lang siya nang pagkakataon. Aaminin kung inggit na inggit ako sa tuwing nakikita ko kayong masaya. Sa isip ko ay sinasabing kung hindi ko sana siya iniwan ay marahil ako ang nasa kalagayan mo. Pinarusahan ako ng langit dahil sa mga kasalanang nagawa ko.

Areko, huwag kang mag-alala pagkat tanggap ko na ang lahat. Kasabay nang sulat kong ito ay baka nasa Wao na ako. Gusto ko munang magbakasyon ng 1 month at sana sa pagbabalik ko ay okey na kayong mag-asawa at hindi na ako maging banta sa inyong pagsasama. Mahal kita Areko kaya ayaw kitang makitang nahihirapan. Ikaw muna ang mag-alaga sa mga magulang natin.

Nagmamahal,

Ate Shaima"

Tiniklop ni Saima at pinunas ang luha sa mga mata. Ngayon ay parang nawala ang mabigat na kaniyang nararamdaman. Hahanap lang siya nang pagkakataon ay hihingi rin ito ng tawad sa bana para sa pagdududa niya sa katapatan nito. Ang tanging nawish na lang niya ay sana makahanap ng kaligayahan ang ate niya. Kapag bumalik ito ay yayakapin niya ito nang mahigpit at hihingi ng sorry. Batid na niya ngayon na anuman ang naging kasalanan ng ate ay pinagbayan na niya. Sana mapataw rin nito ang sarili at bigyang laya ang puso na makahanap ng tamang taong para sa kanya.

Kinagabihan... Hindi makapagdecide si Saima paano susuyuin ang bana at sabihing okey na siya. Nahihiya siya kung siya ang unang lalapit. Naisip niyang siya naman ang may kasalanan pagkat nagbigay ito ng akusasyong walang basehan. Sa mga sandaling iyon ay iniluwa ng pintuhan si Yassin. Medyo nagulat na gising ang asawa dahil mula nang dumating ang mga magulang nang asawa ay lagi itong nagtutulog-tulugan pero ngayon ay nakatitig sa kaniya na tela maiiyak.

"Patawarin mo ako Abi iyan..." Sabay yakap sa asawa. "Pangakong hindi ako kailanman magdududa sa katapatan mo." Ani Saima na habang umiiyak. Halik ang itinugon ang asawa. Saksi ang kwarto na iyon sa pananabik nila sa isa't isa. Binugbog ng halik ni Yassin ang buong katawan ng asawa. At willing victim naman si Saima. Handa na siya sa anumang kaparusahan ng asawa kaya tinutugon niya ang bawat halik nito kung doon siya makakabayad ng pagdududa nito. "Mahal na mahal kita Ome iyan..." bulong ni Yassin sa taenga ng asawa habang hinahalik-halikan. "Mahal na mahal din kita abe iyan."

Ginabi si Shaima sa kaniyang pagpunta sa Wao. Pakiramdam nito ay parang may nagmamasid sa kaniya. Ganun na lamang gulat nito. Para siyang nakakita ng multo. Kamukhang-kamukha ni Yassin ang lalaking kaharap . Bakit hindi niya iyon napansin noong pagsakay nito. Sa bagay malayo ang kaniyang isip. "Ikaw ba iyan Shaima?" Sabi ng lalaki. "Bakit niya ako kilala?" Bulong ni Shaima sa sarili. Hawig na hawig talaga ang lalaking kaharal kay Yassin. Buhok lamang ikinaiba nito kasi medyo mahaba ang buhok ng lalaki. Parang si Yassin lang noong una silang magkakilala sa Library.

HATING KAPATIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon