kabanata 6

17 0 0
                                    


Iniiwasan ni Shaima na sila'y mapag-isa ni Yassin kasi parang may hindi tama. Bukod pa doon ay nagkakaroon siya nang inggit sa kapatid sa tuwing nakikita niya ito at ang asawa na masaya. Naiisip niyang sana siya na lang ang nasa kalagayan ng kapatid. Tapos na ang leave ni Saima kaya kailangan niyang bumalik sa trabaho. Sinisikap na lang niyang magcommute Marawi-Iligan. May mga pagkakataong ginagabi siya nang uwi.

Hindi rin maiiwasan ni Shaima si Yassin katulad na lang ngayon. Umuwi muna si Yassin para maligo pagkagaling sa trabaho habang hinihintay ang asawa. Nakita niyang kakapasok lang ni Shaima at marami-rami rin itong dala kaya tinulungan niya ito. At hindi maiwasang masagi niya ito. Kagaya kanina na hindi sadyang mahawakan ni Yassin ang kamay ng sister-in-law. Nagkatitigan sila ng ilang segundo...

Yassin: Tulungan na kita...
Shaima: (hindi na nagpakipot dahil mabigat naman talaga ang dala-dalang grocery. After nilang mailagay sa mga dapat paglagyan ng pinamili ni Shaima ay nagkulong na ito sa kwarto. Ganun din ang ginawa ni Yassin habang hinihintay ang asawa. Samantalang nagtext si Saima sa asawa na hindi muna siya makakauwi dahil kailangan pa siya sa trabaho. Kung hindi ito makarating ng alas-9 ng gabi ay doon na matutulog. Nagutom si Yassin kaya pumunta sa kusina. Medyo nagulat si Shaima sa hindi inaasahang pagsosolo na naman nila ng ex na asawa ng kapatid nito. TORTURE...

Shaima: (hindi nagpahalatang natetense ito) Nasaan si Saima?
Yassin: Nagtext na hindi makakauwi.
Shaima: Nakakain ka na ba? May ulam sa ref. May kanin din sa rice cooker. Sige maiwan muna kita.
Yassin: Sige... salamat.

Inakala ni Shaima na tulog si Yassin kaya lumabas ito papuntang balkone. Nakatitig na naman siya sa kawalan. Umiiyak. Hindi niya alintana na andun din si Yassin. Madilim kasi ang balkone kaya hindi nito napansin na may tao. Kung hindi pa tumikhim si Yassin ay hindi malalaman ng dalaga na hindi pala siya nag-iisa sa balkone.

Shaima: Kanina ka pa diyan? (may kaba sa mga tinig)
Yassin: Kanina pa...
Shaima: Sige maiwan muna kita riyan.
Yassin: Huwag ka muna umalis... usap tayo. Huwag mo akong iniiwasan. Bahagi na ako ng pamilya ninyo kaya normal na magkikita pa rin tayo kahit iwasan mo pa ako ng iwasan.
Shaima: Hindi kita iniiwasan...(pagsisinungaling nito)
Yassin: Huwag ka na magdeny... Halata naman sa iyo. Anuman ang nakaraan natin noon ay kalimutan muna. Wala na sa akin ang lahat at dapat ganun ka rin.

Sandaling katahimikan... magkahiwalay sila ng espasyo pero parang pakiramdam ni Shaima ay malapit lang ito. Si Yassin na ang bumasag nang katahimikan.

Yassin: Okey lang bang magtanong sa iyo?
Shaima: Ano iyon?
Yassin: Bakit nakipaghiwalay ka noon sa akin?
Shaima: (nagdadalawang isip kung ipagtatapat ang totong dahilan nito)

Samantala hindi nila alam na may isang imahe na papalapit sa kanila. Kinukutuban at nais makinig sa usapan ng dalawa. Nakakubli lang siya sa may kurtina.

Shaima: Sinagot lang kita noon dahil sa makulit ka. Akala ko wala lang iyon. Laro-laro lang sa akin dahil alam kong nakalaan na ako sa iba. Pagtungtong ko sa edad na 18 ay ipapakasal ako sa napili ng mga magulang ko.
Yassin: Minahal mo ba ako?
Shaima: Sa una ay hindi pero nang tumagal ay minahal na kita pero ayaw ko maging unfair sa iyo kaya nakipaghiwalay na lang ako.
Yassin: Alam mo bang halos mabaliw ako noon nang iwan mo ako!

Tahimik na tumalilis ang nakakubli sa kurtina at hindi niya kayang pakinggan ang kaniyang mga naririnig. Parang bomba ito para sakanya kaya pinili niya huwag marinig lahat ang usapan ng dalawa.

Shaima: Sana napatawad muna ako...
Yassin: Matagal na kitang pinatawad. Buti na lang may isang babaeng nagpahilom sa sugat na dulot mo.
Shaima: Matagal mo na bang alam na magkapatid kami ni Saima?
Yassin: Matagal ko nang alam. Aaminin ko sa una ay gusto ko siyang gamitin para makaganti sa iyo subalit tadhana na ang nagpigil sa akin dahil nawalan kami ng komunikasyon ng kapatid mo.
Shaima: (nakikinig lang)
Yassin: Hinanap ko ang kapatid mo pagkat napagtanto kong umiibig na ako sa kanya. Kaya noong magkita kami at nalaman kong mahal niya ako kaya hindi ko na siya pinakawalan pa.
Shaima: (hindi alam ni Yassin na nasasaktan ito sa mga ipinagtapat)
Yassin: Nagdalawang-isip din ako kung susundin ko ang puso ko o tatanggihan dahil kapatid ng ex ko ang babaeng mahal na mahal ko. Parang awkward na sa pakiramdam na magiging bilas kita.
Shaima: Kalimutan na natin ang nakaraan...

HATING KAPATIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon