May kahungkagang nararamdaman si Shaima. Pakirarmdam nito ay pasan niya ang daigdig. Kung pwede lang ibalik ang panahon at oras hindi na sana paghihirap ang dinaranas. Kasalanan naman kasi niya kung bakit napakamiserable ang kaniyang buhay. Kung sana ay hindi na lang siya naging sunod-sunuran sa mga magulang. Nagmumukmok siya sala at nakatingin sa malayo. Isang tinig ang gumimbala sa kaniyang pananahimik.Farouk: (tumikhim)
Shaima: (napalingon ngunit ipinagpatuloy rin ang pagtitig sa kawalan.)
Farouk: Hindi mo ba ako ipaghahanda? Gabi na...
Shaima: Ikaw na lang magluto nang kakainin mo, wala ako sa kondisyon.
Farouk: Kararating ko lang at pagod sa biyahe. Hindi mo lang ba ako aasikasuhin?
Shaima: (hindi na nagsalita ang dalaga at mukhang sasabog)
Farouk: Kaya nga ayaw ko umuwi rito ay ganito na naman ang madadatnan ko.
Shaima: (lumingon at tinitigan ang bana ng matalim) kung ganun ay pakawalan muna ako. Maghiwalay na tayo para wala nang kahati ang mahal mo sa'yo!
Farouk: Paulit-ulit na ito... Hindi ako makikipaghiwalay. (Pumasok na sa kwarto)
Shaima: (Tumayo at sinundan ang bana) Sawang-sawa na ako sa ganitong buhay. Uuwi ka lang kung kailan mo gusto! Ako ang una mong asawa. Kung hindi mo ako kayang paninidigan ay isauli mo na lang ako sa mga magulang ko. Ayaw ko na! (Humihiyaw na siya sa pinagsama-samang galit at sama ng loob)
Farouk: (hindi na muling nagsalita)Kinabukasan ay muli na namang bumalik si Farouk sa ikalawang asawa. Samantalang napagdesisyunan ni Shaima na hiwalayan na ang asawa. Basta buo na ang isip niya na makipaghiwalay anuman ang marinig niya sa mga magulang. Nagleave siya ng isang buwan sa trabaho at bumalik sa kanilang bahay. Nagulat ang nanay nitong si Nailia dahil napansin niyang mugto ang mga mata nang anak. Niyakap ito...
Nailia: May problema ba anak?
Shaima: (niyakap din ang ina at iyak ng iyak)
Nailia: (hinahagod ang likod ng anak)
Shaima: Pagod na pagod na ako ina... Hindi ko na kaya. (Parang batang umiiyak sa tindi ng sama ng loob)
Nailia: Anong nangyari anak? Sabihin mo sa akin.Ikinuwento ni Shaima tungkol sa kanilang mag-asawa at sa nararamdaman niyang kalungkutan. Napaiyak ang ina nito dahil sa ipinagtapat ng anak. Hindi niya inaakala na ganun pala ang kasasapitan ng anak para sa pinili nilang lalaki para rito. Kinausap ng ina nito ang bana upang matulungan ang anak.
Faizal: Totoo ba ang ikinwento ng ina mo? (pagtungo nito sa kwarto ay agad nagtanong na may kuyom sa mga palad)
Shaima: (iyak ng pagpapatotoo)
Faizal: Bakit hindi mo sinabi agad? (Tunong galit)
Shaima: Baka magalit lang kayo ama sa akin at hindi mo ako paniwalaan...
Faizal: Anak kita, kilala kita. Syempre, papaniwalaan kita.
Shaima: (niyakap ang ama at iyak ng iyak pero sa oras na iyon ay parang medyo naibsan kahungkagang kanyang nararamdaman)
Faizal: Mahal kita anak, ayaw kong may umaapi sa inyo kung hindi ako ang makakalaban nila.Nakasilip lang si Nailia at nakikinig sa usapan ng kaniyang mag-ama. Naiiyak siya at parang nakukunsensiya. Nagkausap ang pamilya ng asawa ni Shaima at ang mga magulang nito. Parang nagsisi ang ama ni Shaima at si Farouk dahil sila ang naglagay sa sitwasyon ng kani-kanilang anak. Hindi na muna nila inalam kung gusto o hindi ang kanilang mga plano ng kanilang mga anak bago nagdesisyon.
Malaya na nga si Shaima at tuluyan nahiwalay sa asawa. Sa mga buwan na iyon ng Hulyo ay malapit ng mag-flight ang kaniyang mga magulang para mag-hajj. Pinakiusapan ng mga magulang nito na doon muna tumira si Saima kasama ang ate Shaima sa kanilang bahay habang wala sila. Humingi ng 1 week leave si Saima sa trabaho. Ngayon ay magkakasama na sa iisang bahay ang magkapadit at si Yassin.

BINABASA MO ANG
HATING KAPATID
RomantikPaano kung pareho kayong mahal ng kapatid mo? Sino sa inyo ang magpaparaya?