Chapter 3

329 14 0
                                    


Nakangiti ako habang nag-uusap sa dalawang couple dito sa harapan ko.  Ako kasi yung sinabihan nila na gumawa daw nang gown niya para sa wedding nila so inigrab ko naman agad ang laking opportunity nayun, hindi parin maalis-alis yung tingin ko sa kanila napaka perfect couple, ang ganda nung babae sa pagkakaalam ko jade yung pangalan tapos yung boy gwapo din naman parang maiinsecure nga ako pag tumabi ako kay girl pero alam ko naman na i have my own beauty!

Nung matapos kona silang kunan nang kani-kanilang size, nag paalam naman agad ito at nakipag beso sakin si jade sinabihan naman niya ako na pupunta daw dito yung kapatid niya. Dahil ako nalang din daw yung gagawa nang susuotin nang kapatid niya, kaya hihintayin ko nalang daw. Tinitignan ko sila habang papalabas sa boutique at napapangiti nalang ako hindi talaga maalis yung tingin ko sa kanila hanggang sa makaalis na ito.

Pumasok muna ako sa kwarto ko dito sa boutique at tinapos yung mga dinadrawing ko na designs. Laking pasasalamat ko talaga sa mga magulang ko dahil sinusoportahan nila yung gusto ko, tinulungan talaga nila ako para maabot yung pangarap ko kaya ang laki na nang narating nito. Yung boutique ko kasi hindi lang ito nag-iisa meron din ito sa mga malls at sa ibang bansa meron din tong pagawaan lang nang mga damit sa ibang lugar. Dinadalaw ko naman ang mga yun pero paminsan minsan lang pag hindi ako tinatamad madalas talaga ako dito sa boutique nato, habang tinatapos ko ang aking mga ginagawa kumatok naman si shawn na assistant ko.

"Yes?"tanong ko dito

"Maam may humahanap po sa labas sa inyo" sagot nito

Gwapo sana tong si shawn eh kaso lalaki din yung hanap nung unang kita ko nga sa kanya magugustuhan ko sana kaso bading pala sayang! Sa unang tingin mo kasi parang lalaki talaga, dahil lalaki naman talaga manamit to kaya wala duda kahit bading to at marami paring nagkakagusto sa kanya.

"Pakisabi hintayin lang nila ako" sagot ko dito

lumabas na ako upang harapin yung humahanap sakin siguro yung kapatid na ni jade yun, pero yung bumungad sakin ay yung mukha ni kayden

"Ate jade really likes you" sambit nito na ikinakunot nang noo ko

akala koba walang kapatid si kayden?

"Kapatid mo si jade?" takang tanong ko pero umiling ito

"Hindi ako, si saffron" kaya mas lalo akong nagtaka may kasama pa pala siyang iba? dahil tumingin ito sa likod, at wait saffron? Ah! baka kapangalan lang niya

"Hey dude come here!" tawag nito sa lalake na parang wala sa mood na lumapit samin

Pero nagulat nalang ako na siya pala talaga yung kainvestment nang kapatid ko! si Mr. Atlanta. 

"Xy, I want you to meet saffron" pagpapakilala ni kayden sakin pero tinignan ko lang ito,

naramdaman ko na nakatingin siya sakin pero hindi ko ito tinitignan dahil sa naiinis ako sa kanya

"So let's start" sabi ko sabay tawag sa mga tauhan ko, upang gawin yung gawain nila

"Saffron Ryo Atlanta and you are?" tanong nito sakin

"No need to answer that, you already know me!" sabi ko na hindi kinukuha yung kamay niya upang makipag shake hands. Akala mo ikaw lang marunong mag reject syempre marunong din ako!

"Magkakilala na kayo?" takang tanong ni kayden dahil sa sinabi ko

"Nope" sabi ko naman dahil parang bingi naman yung saffron daw kuno na parang hindi narinig yung sinabi ni kayden

napatango nalang si kayden pero halata naman sa kanya na nagtataka parin. Napatingin ako sa kanya at nung mag tama ang mga tingin namin ay parang tumindig ang aking mga balahibo ang sobrang lamig nang mga mata niya parang pinaglihi ata to sa yelo

nakaupo ako dito at kinakausap si kayden dahil tapos na siya kuhaan nang kanyang size

"Kapatid ba talaga ni jade yan?" kumpirmang tanong ko malay ko ba, eh sa malayong malayo sa kapatid niya yung ugali niya

"Yeah, pag pasensyahan mona yun ganyan talaga yan hindi kasi bastang basta nakikipag usap yan pag hindi niya close except kung business. Buti nga sayo nagpakilala pa" sagot naman sakin ni kayden

"bakit kelangan niyo pang mag paggawa nang damit dito? eh kung tutuusin pwede naman kayong bumili nalang" tanong ko kay kayden

kasi hindi naman mahirap sa kanila na mag hanap nang damit and to think lalaki sila no need na para mag paggawa pa

"We also said that, but ate jade refused at us" sagot nito

"kaano-ano mo ba si jade? at yung lalakeng yan? pano kayo nagkakilala?" nacurious kasi ako, wala namang sinasabi samin to

"We're cousins" mabilis na sagot nito, kaya napatango nalang ako

Nakikipag tawanan ako kay kayden habang nag uusap sa kanya kasi may pagka topak talaga tong kausap, at nang mapatingin ako sa kanya nakatingin siya sa amin seryuso itong nakatingin sakin at parang ang dilim nang aura niya. Hindi ko talaga maintindihan yung lalaking to may galit ba to sakin?

Inimbitahan din ako ni kayden na dadalo daw sa wedding nang pinsan niya at gusto din daw ni jade na pupunta ako doon, kaya sinabi ko nalang sa kanya kung hindi ako magiging busy, hindi kasi ako mahilig makipagdalo sa mga occasions lalo na kung hindi ko ito sobrang close, kahit iniimbita pa nila ako ayaw kong ma op doon at makipag plastikan, pero kung dadalo ako nandun naman si kayden upang mag entertain sakin.

Nang makaalis na sila pumunta nalang ako sa private room ko dito sa boutique, dahil wala na naman akong gagawin. Mas mabuti siguro kung matutulog nalang muna ako.

---

Nagising ako at tinignan ko naman ang aking wristwatch, 6PM na pala napaganda ata yung tulog ko kaya lumabas naman ako. Nang madatnan ko sila shawn na umaayos na nang kanikanilang gamit sinabihan ko naman ito na ako nalang yung magsisirado nang shop at mauna na sila. Tinawagan ko din si corin na wag na niya akong hintayin mag dinner dahil wala akong balak umuwi at dederetso akong condo. Nang makarating na ako sa aking condo humiga agad ako, namiss ko to at mas bet ko na dito nalang tumira kesa sa mansion. Ako din naman kasi yung bumabayad nito walang kinalaman yung magulang ko dito pati yung sasakyan ko, ako din yung bumili nun.

pumunta akong kitchen para kumain dahil kinakalam na yung sikmura ko pero nung iopen ko yung ref ay wala itong laman dahil matagal nadin akong hindi nakapag grocery,  dahil nung simulang dumating dito ni corin sa mansyon na ako umuuwi. Nag order nalang ako nang pizza dahil sa tinatamad akong bumaba upang kumain doon, hindi din naman nag tagal at nakarating na ito.

Naisipan ko nalang na tawagan si corin, dahil parang na sa mood kasi ako na pumuntang bar ngayon.

"Hello" sabi nito sa kabilang linya

"Busy ka?" tanong ko

"hindi naman bakit?"

"Night out" walang ganang sabi ko,

"Nah! hindi ako pwede" sambit nito

"Fine" at pinutol kona yung tawag

Hindi nalang ako umangal, dahil simula nung naging sila ni trent hindi na niya ako niyaya mag bar. Kung sa bagay ano paba yung pupuntahan niya sa bar kung nahanap niya na yung the one niya. Edi sila na!

Napag desisyonan ko na mag isa nalang ako pumuntang bar, hindi na naman panibago to dahil ginagawa ko na ito noon.

bumihis lang ako bumaba agad. Nang makalabas na ako nanindig yung mga balahibo ko dahil sa hangin na dumapo sa aking balat naka sleeveless lang kasi ako na Dark blue at fit iyon sa'kin. Nakalimutan kodin kasi magdala nang hood, pwede ko naman sanang balikan yun kaso tinatamad na ako. 

Sumakay nalang ako sa aking bugatti chiron at pinaharurot ito sa pinakamalapit na bar hanggang sa makarating na ako dito. 

__

Thank you for reading! please do vote ^_^ 

The Flirtatious Cold ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon