Chapter 9

263 14 0
                                    


Paalis na ako ngayon sa kompanya namin upang makipag kita sa mga mag-papasa nang kanilang designs upang mahire ko bilang fashion designer. Yung trabaho ko kasi ay related din sa business nang pamilya ko kaya tinutulungan din nila ako dito. Marami din namang nag pasa ng mga gawa nila kahapon pero konti lang doon ang nagustuhan ko.

Nang palabas na ako nang kompanya namin ay bigla namang lumabas yung mukha ni kayden sa harap ko

"Surprise!" sabi nito at parang aso nanaman na nakingiti sa harap ko, tinignan ko  naman ito nang seryuso

"Kayden nagmamadali ako" inis na sabi ko sa kanya, kahit ganito na kasi ako ay ayaw ko paring hinihintay ako

"So?"

"Tabi!" sabi ko sa kanya at nilagpasan na siya

"Uy Joke lang! sasamahan nalang kita"

"NO!" matigas na sabi ko

"Sorry but you can't change my mind now"

Hindi nalang ako umangal pa dahil wala naman akong magagawa. Isinama ko nalang siya at buti naman at kahit sandali lang ay itinikom nito ang kanyang bibig.

Nandito kami ngayon ni kayden sa restaurant kung saan yung sinabi ko upang pag kitaan namin. Hindi naman nagtagal at nakarating na ito, pinuntahan naman agad niya ako dahil sa nagkita na kami noon at nalaman ko din na nahired na ito bilang fashion designer sa California at New York, her name is Amity Tamatha sikat siya bilang fashion designer kaya i'm so glad na mag tatrabaho siya sakin.

"Sorry po nalate ako" nakangiting sabi nito

Tumayo naman ako upang makipag kamay sa kanya

"It's okay Miss Tamatha, Glad to see you again" sabi ko sa kanya

Uupo na sana ko pero nabigla ako nang sumigaw silang dalawa

"IKAW!" sabay na sabi nila at nakaturo pa sa isat-isa

Kaya nagtaka naman ako sa kanilang dalawa at napabalik-balik yung tingin ko sa kanila, tinignan ko naman yung mga mukha nila at nakakunot ang mga ito. Napatingin naman yung mga tao sa pwesto namin pero hindi na namin pinansin iyon. 

"What are you doing here?" tanong ni amity

"Hoy! ako dapat mag tanong niyan, Ikaw what are you doing here?" sagot naman sa kanya ni kayden

"she's my new fashion designer, at wait magkakilala na kayo?"

"No! i don't even know his name" sagot naman ni amity sakin

Umupo nalang kami upang hindi na mag tagal yung pag-uusapan namin

"Xyris are you really sure na ihahire mo yan?" bulong sakin ni kayden

"Tumahimik ka nalang diyan kayden" sumbat ko naman sa kanya

Tinitignan ko yung mga gawa niya at napapangiti nalang ako dahil sa ganda, kaya walang duda kung bakit nahire na siya sa california at New York. Habang tinitignan ko yung mga gawa ni amity ay nagsalita naman si kayden dito sa tabi ko

"Ang panget naman niyan Xyris parang tae!" at sabay kuha nang folders na hawak ko

"Tignan mo ano to? sigurado kabang ihahire mo to?" nakakunot na sabi niya habang nakatingin sa folders

Tinignan ko naman ito at pinitik ito sa kanyang noo sabay kuha nang folders

"Asan yung panget dito? eh lahat naman maganda ah!" sabi ko naman sa kanya

The Flirtatious Cold ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon