Chapter 14

228 9 0
                                    


A/N: Sorry po dahil sa matagal akong hindi naka-update :) 


Walang kumikibo saming dalawa habang naglalakad pabalik na sa mga kasama namin. Ang awkward lang pagkatapos nang pinag-usapan namin kanina ay parang naiilang parin kami sa isat-isa. Kami ba talaga o ako lang? nakaramdam naman ako nang lamig dahil sa hangin na dumapo sa aking mga balat kaya tahimik kong niyakap ang aking sarili, sino ba naman ang hindi malalamigan pag two piece lang yung suot mo? Habang naglalakad naman kami ay nagtaka ako nang huminto siya kaya napatingin ako sa kanya. Walang kahit anong salita ito at hinubad niya yung suot niyang plane white t-shirt.

"Why?" tanong ko naman sa kanya

Hindi parin ito nagsasalita at biglang itinapon nito ang kanyang t-shirt sa'kin. Tinignan ko ito nang nagtataka

"Anong gagawin ko dito?" takang tanong ko

"Itapon mo" sarcastic na sabi nito

"What?"

"Isuot mo, stupid!" sabi nito habang naglalakad na palayo

Isinuot ko naman iyon, ang laki naman nang damit niya kaya parang naging bistida kona nadin ito dahil sa hanggang tuhod ko ito.

"WAIT!" sigaw ko naman sa kanya matapos kong suotin yung T-shirt niya

Tumakbo naman ako papunta sa kanya, nang makadating na ako sa tabi niya ay tinignan ko ito pero deretso lang ang tingin nito.

"Thank you ulit" sabi ko habang nakangiti sa kanya

Napatingin naman ito sa'kin pero tumango lang ito

"Responsibility na kita diba?" nakangiting tanong ko sa kanya

Pero hindi nito sinagot ang tanong ko

"So ibig sabihin ba nun pwede konang gawin sayo kung ano yung gusto ko?"

"No" mahinahon na sabi nito

"whatever" sabi ko nalang sabay rolled eyes

Nang makarating na kami dito ay puro deadbat ang lahat except kay trent, pumunta naman kami sa kanya. Inilalayan na nito patayo si corin upang bumalik na sa tintuluyan namin. Napatingin naman ako sa kalagayan ni kayden kaya pinuntahan ko ito agad, parang hindi na ito makatayo sa inuupuan niya.

"Let me help" sabi ko at inilagay ang kaliwang braso niya sa aking mga balikat

Dahil sa bigat nito kaya nahihirapan naman akong patayuin siya dahil parang hindi nadin niya kayang tumayo.Tumingin naman ito sa'kin at parang aso na nakangiti

"Xyris, uy saan mo ako dadalhin?" ngiting aso na sabi niya

"Shut up kayden lasing kana"

"Hindi ako lasing strong ako strong, hindi po nalalasing yung mga strong"

Hindi ko nalang ito pinansin at pinagpatuloy ang aking ginagawa, pero bago paman kami makalakad ay may biglang kumuha nang braso ni kayden na nakalagay sa balikat ko at inilipat nito ang braso ni kayden sa kanyang balikat. Tinignan ko ito ulit pero deretso lang ang tingin nito

"I'm a jealous man. so please stop giving attention to others because i'm your only responsibility here"

Napanganga naman ako sa sinabi niya, hindi niya na hinintay ang sagot ko at umalis na ito sa harapan ko kasama si kayden kaya sumunod nalang ako sa kanila.

Mahimbing na natutulog si corin dito sa tabi ko at kanina pa nagflaflashback sa isipan ko yung sinabi niya. Nyeta yun ginugulo niya isipan ko. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya dahil sa sinabi niya pero hindi eh.

The Flirtatious Cold ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon