Mag-isa akong naglilibot ngayon dito sa mall upang bumili nang ireregalo ko kay kayden sa nalalapit na birthday nito. Wala parin akong maisip kaya tinawagan ko nalang si corin upang makapag patulong sa kanya.
"Hello" sabi nito sa kabilang linya
"Sa tingin mo, anong magandang ibigay kay kayden sa birthday niya?" sabi ko naman
"I don't know, kahit ano naman ata ibigay mo sa kanya masaya na yun" sagot naman nito
Huminga nalang ako nang malalim at nag-isip muna
"Pero mas maganda kung pinaghirapan mo talaga iyon" dagdag pa niya
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Yeah tama siya ang special tignan kung pinaghirapan ko talaga
"Ok sige bye bye" sabi ko at pinutol na yung tawag
Tumungo nalang akong supermarket at kumuha na nang mga kailangan ko. Naisip ko kasi na mag bake nalang nang cookies tutal puro pagkain naman yung laman ng isip ni kayden. Kumuha na ako nang mga kinakailangan ko at dito nadin akong umuwi nang mansion upang makapag paturo ako kay corin kung paano mag luto nun. Bata palang kasi kami tinuruan na siya ni mom mag bake di tulad sakin na tamad.
--
Hinihintay nalang namin yung iba ngayon upang makaalis na kami dalawang van kasi yung sundo namin. Beach party kasi yung birthday ni kayden at sa resort nila sa pangasinan gaganapin ito. Nasabi din niya samin na mga 3 days kami doon pero okay na yun para less stress. Habang hinihintay pa namin ang iba ay napatingin naman ako sa pwesto nila corin at trent, halatang ang saya nila habang tinitigan ko ito ay hindi ko napansin na pinuntahan pala ako ni kayden dito.
"Jowain mo nalang kasi ako para may partner ka" malokong sabi nito
Tinignan ko naman ito na nakataas ang kilay
"Pasalamat ka birthday mo bukas!"
"By the way yung gift ko dapat special yun"
"Hala! paano yan nakalimutan ko" sabi ko naman sa kanya
Pinipigilan kong matawa sa mukha niya dahil halatang nalungkot ito
"Basta nandiyan kalang sa mismong kaarawan ko okay na yun" nakangiting sabi nito
Habang nag-uusap kami ni kayden ay may huminto namang sasakyan sa harap namin at ibinaba nito si Mr. Atlanta, nung makababa ito ay napatingin ito samin ni kayden at deretso nanaman niya akong tinignan sa mata. Hindi maalis yung mga tingin ko sa kanya bakit kasi nakakaakit ang mga mata nito? natauhan naman ako nung tinawag ito ni kayden
"Bro akala ko bukas kapa?" sabi nito sabay punta kay saffron
Tinignan ko lang ito habang nag-uusap sila ni kayden halata sa mga mukha nito na wala talagang ka emosyong kausap.
Sumakay na kaming van dahil sa nandito na yung lahat nahinihintay namin. Hindi lang kasi kami yung kasama ni kayden papuntang pangasinan sumama din yung iba pa niyang kaibigan at nasabi din niya na bukas pa daw yung parents niya. Kami ni kayden yung sa pinaka likod at sa harap naman namin ay si trent at corin. Biglang bumukas nalang yung pintuan nang van at ipinasok nito si saffron dito ito umupo sa tabi ko dahil ito nalang yung bakante bale ako yung sa gitna nila kayden. Jusko! ilang hours pa yung byahe tapos yung dalawang ito yung katabi ko?
"Bro akala koba hindi ka sasabay samin dahil dala mo yung sasakyan mo?" takang tanong naman sa kanya ni kayden
Oo nga! akala ko walang ka social life to? Hindi nito sinagot si kayden at nilagyan nalang nang earphone ang kanyang tenga. Habang na sa byahe kami ay dinadaldal ako ni kayden pinabayaan ko nalang ito kahit na yung iba ay hindi kona maintidihan yung sinasabi nito. Ipinatong naman ni kayden yung kanyang ulo sa aking balikat kaya tinignan ko ito
"Can i sleep here?" nakangiting sabi nito
Nginitian ko nalang ito kaya ipinikit nito ang kanyang mga mata. Napatingin naman ako sa right side ko at nakita kong nakatingin sakin yung saffron tinignan muna ako nito sa mata at tumingin kay kayden na natutulog sa balikat ko.
"Tsk" sabi nito at tumingin na sa harap
Hindi ko nalang pinansin iyon. Nasa gitna na kami nang byahe nang maramdaman kong nangangalay na yung balikat ko. Inayos ko muna yung ulo ni kayden at napagalaw nang konti at sa hindi ko sinasadya ay naistorbo ko pala yung isang katabi ko pa na natutulog kaya nagising ito.
Nakakunot yung noo nito na tumingin sakin at gulo-gulo pa yung buhok.
"Sorry" sabi ko nalang
Pero tinignan lang ako nito at tumingin din kay kayden na mahimbing na natutulog.
"You look so tired" biglang sabi nito habang nakatingin kay kayden na tumutulog sa balikat ko
Napatingin naman ako sa mga kasama ko dito sa van at tulog naman ang mga ito. Hindi ko ito sinagot kaya nagsalita ulit ito
"We can change position, if it's okay with you" sabi ulit nito
Parang kinilig naman ako sa sinabi nito. Hindi ko lang akalain na may tinatagong ganitong ugali din si Mr. Atlanta. Kinagat ko ang aking labi bago mag salita
"No it's okay" nakangiting sabi ko
"No! It's not okay" sabi nito
Nabigla nalang ako nang tumayo ito at pumunta sa gitna namin ni kayden. Buti nalang at hindi nagising si kayden, tinignan ako nito nang seryuso sa mukha at nagkibit-balikat lang. Tumingin nalang ako sa mga nadadaanan namin dahil sa na weirdohan padin ako sa mga kinikilos niya. Habang nakatingin ako sa labas ay nagsalita ulit ito.
"I know you're tired, you can sleep on my shoulder"
Napatingin naman ako sa kanya pero hindi ito tumitingin sakin. Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya at tumingin nalang ako sa labas.
Kakadating lang namin sa resort nila kayden dito sa pangasinan kaya bumaba naman kaming van nang makababa kami ay inakbayan naman ako ni kayden pero nakakunot ang mga noo nito. Habang nakaakbay sakin si kayden ay may nagsalita naman sa likod namin.
"Bro!" sabi nito kaya napatingin naman si kayden sa kanya
Inihagis nito ang kanyang bagpack kay kayden kaya nasalo naman agad ito ni kayden.
"WHAT THE FUCK SAFFRON! KITANG NAGMOMOMENT PA EH!" Sigaw nito sa pinsan niya
Pero hindi ito pinansin ni saffron at nauna itong lumakad samin. Pinigilan ko namang tumawa dahil sa dalawang bagpack ang dala ni kayden at halatang naiinis pa ang mukha nito. Halatang under talaga siya sa pinsan niya
"Let's go" nakangiting sabi nalang nito sakin.
Habang naglalakad kami ay nakakunot parin talaga ang noo nito at halatang may iniisip.
"Bakit?" tanong ko nalang sa kanya
Tumingin ito sakin bago mag salita
"Bakit na sa gitna na natin kanina si saffron?" takang tanong nito
Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko kaya nag kibit balikat nalang ako.
--
A/N: Thank you for reading, please don't forget to vote ^_^
BINABASA MO ANG
The Flirtatious Cold Man
General FictionXyris Havienna is a fashion designer and she also grew up in wealthy family. She experienced to have a boyfriend in several times but she didn't ever fell in love. Until she met this billionaire named Saffron Ryo Atlanta but it's not easy to deal wi...