Chapter 13

219 7 0
                                    

Nagsisiyahan ang lahat sa loob at walang may nakapansin na umalis ako doon, gusto ko lang kasi magpahangin at mapag-isa ngayon ang ingay kasi sa loob. Papunta ako sa dalampasigan ngayon dahil ang ganda nang simoy nang hangin doon kahit nilalamig ako dahil sa soot kong two piece ay binaliwala ko lang iyon at pinagpatuloy ang aking paglalakad. Madilim ngayon sa nilalakaran ko dahil gabi na kaya wala din masyadong tao dito. Napagdesisyonan ko na umupo nalang dito sa buhangin baka kasi kung saan pa ako mapunta pag pinatuloy kopa yung paglalakad ko. Hindi naman ito masyadong malayo sa bar nang resort na ito saktong kita mo lang yung ilaw galing doon kaya malalaman ko parin pabalik.

Napatingin naman ako sa dagat maliwanag ito dahil sa bilog ang buwan ngayon. Dahil sa wala na akong magawa nilaro ko nalang ang cellphone ko habang nilalaro ko ito ay nakaramdam ako nang presensiya na parang may tao sa likod kaya napatingin ako dito. Halatang kakarating lang nito at hindi niya din siguro ako napansin kasi deretso lang itong umupo sa tabi ko pero may ilang metro pa naman sa pagitan naming dalawa.

Napatingin naman ako sa hawak niya, isa itong alak pinagmamasdan ko lang ito habang nilalagok niya yung kanyang alak at tumitingin sa dagat. Siya siguro yung tao na ayaw mapunta sa kanya yung atensyon nang ibang tao, yung taong ayaw makisabay sa iba, yung taong walang pakialam sa nararamdaman nang ibang tao. Hindi naman sa mapanghusga pero yun yung nakikita ko sa kanya.

Habang tinitignan ko ito ay biglang napatingin naman ito sa dereksyon ko, walang emosyon ang mukha nito at hindi parin nag babago ang mga mata nito sobrang lamig parin. Kahit madilim ramdam na ramdam ko ang malamig na titig nito sakin kaya umiwas nalang ako. Tatayo na sana ako upang umalis dahil sa hindi na ako komportable nang mag salita ito.

"Stay" sabi niya, hindi ko alam pero parang may dinaramdam siya nung pag sabi niya nun

"Please" ulit niya

Parang automatic na bumalik naman yung katawan ko sa pagkaka-upo. Hindi ko maintindihan yung sarili ko kung bakit ko pinayagan yung gusto niya na manatili dito. Napatingin ulit ako sa kanya pero hindi na ito nakatingin sakin naubos nadin siguro yung alak na hawak niya kaya itinabi niya ito, tahimik lang ako dahil hindi ko din alam kung ano yung sasabihin ko.

"Sorry"

Nagtaka naman ako sa sinabi niya pero hindi parin ako nagsasalita

"Sorry for being rude"

Napatingin naman ako sa kanya pero hindi ito nakatingin sakin habang sinasabi iyon

"It's okay, siguro ganun ka talaga makitungo"

Hindi parin ito tumitingin sakin

"Why?"

"Why are you doing this to me?"

Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nito kaya hindi ko din alam kung ano yung sasabihin ko

"Please stop" sabi niya ulit

"You're not her, I don't love you but why that it looks like I care for you?"

Pinakinggan ko lang ang mga sinasabi niya at hindi parin kumikibo, habang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay sa iba parin ito nakatingin

"I know you just the same, so please don't mess with my mind"

"Hindi ko alam kung ano yung dinadala mo but you can share it to me"

Natahimik naman ito at tumingin sa bilog na buwan

"You can trust me" sabi ko ulit

Napatingin ito sakin pero binawi din naman niya agad, huminga ito nang malalim bago magsalita

"I have a complicated relationship" biglang sabi niya habang nakatingin sa bilog na buwan

"We didn't even had our officially break up "

Tahimik ko lang itong pinapakinggan

"But I don't have plans on breaking up with her, I really love her she's the only girl who stole my heart, she's the only girl who make's me smile, she's like my medicine when I have problems" Nakangiti ito at napatingin sa dagat pero alam kong malungkot ang mga ngiti na iyon

"Pero isang araw nagising lang ako na wala na siya, she left me without any signals, I don't have any idea kung saan siya napunta, she doesn't even answering my calls, I texted her everyday but I don't even get her reply"

Parang naawa naman ako sa kanya ngayon. Now i know kung bakit siya ganyan makitungo, kung bakit ang lamig nang aura niya. Hindi naman siguro gagawin nang babae yun nang walang rason maybe she have her reason.

"I don't have any idea where she is right now, wala akong idea kung ano na yung nangyari sa kanya. It's been a year since she left me and I miss her so badly, I miss seeing her smile and her beautiful face"

Naawa ako sa kanya pero bakit ganito? parang gusto ko ipagdasal na sana hindi nalang bumalik yung babae, na sana hindi nalang totoo ang lahat nang narinig ko.

"Nang simulang iwan niya ako I don't want to be happy anymore, ipinangako ko na muling tatawa lang ako pag siya yung kaharap ko, ngingiti lang ako pag siya yung kasama ko. Ayaw kona maging masaya sa iba and I'm happy the she's the reason kung bakit ako ganito ngayon."

Biglang tumulo naman ang mga luha ko, i don't know why siguro naawa lang ako sa kanya. Masakit, ngayon ko lang naramdaman to at ikinaiinis ko iyon, hindi naman siguro niya mapapansin dahil madilim kaya okay lang at hindi naman ito tumitingin sa'kin. Mabilis kong ipinahid ang mga luha na dumaloy sa pisngi ko saka nagsalita

"Sige alis na ako baka hinahanap na tayo" yun nalang yung nasabi ko

"from now on, i'm now your responsibility because you're the only one who know's my secrets"

Hindi nalang ako nakapagsalita sa sinabi niya, Hindi ko alam kung ikakasaya ko ba o ikakalungkot. Ikakasaya ba dahil responsibilidad kona siya o ikakalungkot dahil sa nalaman ko na kung bakit siya ganito. 

-

A/N: THANK YOU FOR READING PO, BY THE WAY WAG NIYO PONG KALIMUTAN MAG VOTE :) KAHIT ILAN SA INYO AY MGA SILENT READERS THANK YOU PARIN :)

The Flirtatious Cold ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon