Kakagising kolang kaya pumunta muna akong kusina upang magluto nang breakfast. Hindi nanaman ako nakauwi sa bahay pero okay lang kahit hindi naman ako umuwi doon alam naman ni corin ihandle yung self niya hindi na bata yun. Habang hinihintay kong maluto yung kanin sa rice cooker napagdesisyonan ko na maligo muna. Linggo kasi ngayon kaya wala din akong balak pumuntang boutique at isa pa kahit hindi na ako pumunta doon kaya na nila yun.
Nagbihis lang ako nang pambahay dahil wala naman akong balak na lumabas dito sa condo matutulog nalang siguro ako buong magdamag. Lumabas na akong kwarto upang titignan kung naluto na yung kanin na niluluto ko sa rice cooker pero laking gulat ko na makita yung dahilan bakit biglang nasira ang umaga ko ngayon. Well yung dakilang assuming sa balat nang earth ay nakaupo lang naman sa sala ko ngayon, at hindi ko din alam kung paano nakapasok to!
"What are you doing here? Did i give you permission to go inside here?" nakapamewang na sabi ko sa kanya
tumayo naman ito at tinignan ako nang nakataas yung kilay, Asus tapunan kita nang tsenelas diyan eh! tinapon naman niya sakin yung susi nang sasakyan ko at nasalo ko naman agad iyon!
Ito siguro yung pinunta niya dito pero kahit na! hindi niya kelangan pumasok dito na walang permission ko! trespassing yung ginagawa niya!
Tumayo na ito at naglakad upang lumabas na sana pero napatigil ito nung mag salita ako
"UNA SA LAHAT MR. ATLANTA HINDI AKO PUMAPAYAG NA MAY PUMAPASOK DITO SA UNIT KO NANG WALANG PAALAM! KUNG PWEDE LANG BUHUSAN KITA NANG MAINIT NA TUBIG UPANG MAINTINDIHAN MO NA BAWAL KA PUMASOK DITO LALO NA'T HINDI KITA CLOSE OR KAMAG-ANAK, KAHIT KACLOSE KOPA NGA HINDI KO PINAPAPASOK DITO TAPOS IKAW BIGLA-BIGLA NALANG NA PAPASOK DITO NA WALA MANLANG PAALAM SAKIN!" nahahapong sabi ko nanaman sa kanya, bakit ba kasi napapadami yung sabi ko sa bwisit nato?
Tinignan lang ulit ako nito at umalis na sa harap ko na parang walang pakialam sa sinabi ko! Bastos talaga yung lalaking yun sa dinami-dami nang sinabi ko tapos hindi manlang naghingi nang paumanhin! Hinabol ko naman ito bago pa makalabas.
"Hep-hep!" pigil ko sa kanya bago pa makalabas nang pintuan
Tumigil naman ito, pero hindi ito nakatingin sakin dahil sa nakatalikod ito
"Pwede kobang malaman kung paano mo nalaman yung code nang condo ko?"
"If you're not too slow to type it hindi ko malalaman yun! Idiot!" sabi niya saka lumabas na sa condo unit ko
Aba-aba! Ako idiot? baka tuluyan kona talagang letchonin yang pototoy niya! nasanay na yun na sabihan akong idiot ah? Gago yun! putulin ko yang dila niya at gawing barbicue eh!
Tumungo nalang akong kusina upang tignan kung naluto na yung kanin na hinihintay ko. Nang maluto naman iyon kumain nalang ako dahil baka tuluyan na akong mabaliw sa gutom pag na-aalala ko yung pagmumukha nang Atlanta na yun! Fried egg lang naman at sausage yung ulam ko hindi kasi ako marunong magluto, eh sa prito lang yung alam kong gawin! hindi naman pang kusinera yung beauty ko.
Nang matapos na akong kumain pumunta akong kwarto upang kunin yung folders kung saan puro drawing nang mga damit yung nakalagay doon. Ito kasi yung bago kong plano, irarampa din kasi ito nang mga models sa susunod na events.
Bumaba muna ako dito sa building upang magpahangin dahil ayaw ko namang mabukot doon sa loob. Habang nagbabasa ako nang diaryo may nagtext naman sa cellphone ko kaya binasa ko iyon.
Kayden: Good morning :)
Si kayden lang pala. Hindi ako sanay na nakikipag usap sa text kaya nireplyan ko lang iyon nang happy face tinawagan naman ako nito kaya sinagot ko agad
BINABASA MO ANG
The Flirtatious Cold Man
Ficción GeneralXyris Havienna is a fashion designer and she also grew up in wealthy family. She experienced to have a boyfriend in several times but she didn't ever fell in love. Until she met this billionaire named Saffron Ryo Atlanta but it's not easy to deal wi...