Seryuso itong nakatingin sakin kaya parang kinabahan naman ako pero binaliwala ko nalang iyon. Napansin ko na parang nainis naman yung babaeng kasama niya dahil sa inistorbo ko sila. Naramdaman kong nakatingin ang babae sakin pero hindi ko nalang ito pinansin dahil hindi naman siya ang kailangan ko.
"Can we talk?" yan ang unang lumabas sa bibig ko
Hindi na gumagana yung isipan ko kaya yun nalang yung lumabas sa bibig ko. Hindi ito sumagot at huminga nalang ito nang malalim bago tinignan yung babaeng kasama niya. Sinenyasan niya ito na parang umalis muna kaya kumunot naman ang noo nang babae at tinignan muna ako nang masama bago umalis. Sino ba naman yung hindi maiinis eh sa inagaw ko yung attention nang lalaking to.
"Sorry if i bothered the two of you, i just really want to talk to you right now"
Nakatingin lang ito sakin pero hindi nagsasalita. Ang hirap basahin yung isipan nang lalaking to hindi ko alam kung ano yung iniisip nito kaya parang kinabahan naman ako. Hindi ka manlang makakita nang kahit anong emosyon sa mukha nito kaya mahirap pakisamahan.
"Okay lang kung ayaw mo aalis nalang ako, pero gusto ko lang mag pasalamat"
Tumalikod na ako upang umalis sana pero nagsalita ito.
"If you think that i care, you're sadly mistaken"
Hindi ko ito nilingon dahil parang sa nasaktan ako sa sinabi niya hindi ko alam kung bakit pero parang kinirot yung puso ko.
"I didn't save you because i care, I saved you because I want you to know how stupid you are"
Nainis naman ako dahil doon hindi ko ginusto na mangyari yun at hindi ko din hiningi yung tulong niya. Lakas loob kong hinarap ito at nagsalita.
"I didn't ask you to save me but thank you then, because finally I realize how stupid I am" sabi ko habang nakangiti pero alam ko sa sarili ko na peke ang mga ngiti na iyon.
"Salamat dahil narealize ko na ang bobo ko para kausapin ka, sino ba naman ako para kausapin mo? Ang bobo ko dahil naisip ko pang istorbohin ka para lang sa walang kwentang pag-uusap."
Pagkasabi ko nun ay umalis na agad ako sa harapan niya kahit hindi pa ito nakasagot sa mga sinabi ko. Ang bobo ko para gawin yun kanina tapos walang silbi lang pala.
Bumalik nalang ako sa kwarto namin ni corin, pagkapasok ko dito ay naabutan ko na mahimbing na natutulog ito kaya hindi ko nalang inistorbo ito at humiga nalang sa tabi niya. Bago ko maipikit ang mga mata ko ay naalala ko naman yung mga sinabi niya sakin, bakit ba ganun yun? hindi ko talaga maintindihan yung pag-iisip nun.
--
Nagising ako at mahimbing na natutulog parin si corin dito sa tabi ko, Bumangon nalang ako at tumungong banyo upang ayusin yung mukha ko. Ngayong araw na yung mismong kaarawan ni kayden at ramdam ko kagabi na may bumabagabag sa isipan niya. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas ako at pumuntang kitchen dahil sa nagugutom ako.
Nang makarating ako dito ay nadatnan ko naman si kayden kaya napangiti naman ako, Tahimik akong umupo dito sa mini table naramdaman siguro nito ang presensiya ko kaya napalingon naman ito sakin.
"HAPPY BIRTHDAY" masiglang sabi ko
Napangiti naman ako dahil sa nakita kong ngumiti ito nang patago. Hindi ako sanay na hindi madaldal si kayden kaya gusto kong bumalik iyon.
"Naku gurang kana kaya wag kang umarte diyan"
Tinignan ako nito nang nakangisi at umupo sa harapan ko, tinaasan ko ito nang isang kilay ko bago magsalita
BINABASA MO ANG
The Flirtatious Cold Man
Ficción GeneralXyris Havienna is a fashion designer and she also grew up in wealthy family. She experienced to have a boyfriend in several times but she didn't ever fell in love. Until she met this billionaire named Saffron Ryo Atlanta but it's not easy to deal wi...