Chapter 11

253 9 2
                                    


Reminder: Yung pag pronounce po nang pangalan ni 'Xyris' ay 'Sayris' hindi 'Siris' wag niyo pong imurder yung pangalan nang bida natin :) 

--

Nagpapahinga muna ako dito sa kwarto namin ni corin sa resort dahil sa pagod kanina sa byahe, si corin kasi yung kasama ko sa isang kwarto. Habang nakahiga ako ay pumasok naman si corin dito.

"Nagyaya silang mag swimming" agad na sabi naman nito

Napatayo naman ako sa sinabi niya at umalis na sa kama upang kumuha ng swimming attire, matagal na kasi na hindi ako nakapag swimming kaya na excite naman agad ako. Bumihis na ako at lumabas agad, habang papunta kami ni corin sa dalampasigan ay nagtitinginan yung mga tao dito samin. Hindi na bago yun ikaw ba naman makakita nang Dyosa diba, hindi ka mapapatingin? Syempre mapapatingin ka talaga! Nang makarating na kami dito ay sinalubong naman agad kami nila kayden at trent.

"Witwew" sabi ni kayden na nakangisi

Tinaasan ko naman ito nang isang kilay pero tinawanan lang ako nito. Pumunta naman agad si trent sa tabi ni corin dahil sa maraming lalaki ang tumitingin dito, asus possessive.

"Sexy mo pala Xy?" nambobola na sabi nito

"Yan kana-" hindi kopa natapos yung sasabihin ko ay biglang ikinarga ako nito at inilubog sa dagat

"GAGO KA KAYDEN PAPATAYIN MO AKO!"

"HAHAHA" tinawanan lang ulit ako nito kaya umalis naman agad ako sa pag-kakakarga niya at tinapunan siya nang tubig.

Habang naliligo kami ay kinakausap ako ni kayden at pinapakilala niya sakin yung mga pinsan at kaibigan niya na nandoon sa dalampasigan.

"Nakikita mo yung lalaking yan? That's kuya ethan yung pinakamatanda samin" sabi niya sabay turo sa lalaki na mukhang matanda lang samin nang ilang taon

"Ayun naman si luke, yung kapatid ni kuya ethan" turo naman niya sa lalaking mukhang chinito na may kasamang babae

"Ang that's ate mila, luke's wife" sabi naman nito

Iba talaga yung lahi nila kayden puro mga adonis yung dating. Puro mayayaman hot at gwapo!

"At wait asan na pala yung yelo kong pinsan na yun?" sabi ulit niya habang nililibot nito ang kanyang mga mata upang hanapin ito.

Yung tinutukoy niya ay si Mr. Atlanta na walang pakealam sa mundo. Hindi na panibago kung bakit wala yun dito ngayon kasi sa pagkakaalam ko wala talagang ka social life yun at parang binihag na nang yelo yung puso nun! Pero kahit ganun yun nafefeel ko na may tinatagong bait din yun. Naalala ko ulit yung eksena sa van kanina, yung sabi nilang yelo pero kanina parang ibang klaseng saffron yun.

Naligo nadin yung mga pinsan ni kayden, napatingin naman ako kila corin at trent na parang hindi na mapaghiwalay. Habang nag-uusap si kayden sa kanyang mga pinsan ay nilalaro ko nalang yung tubig dagat.

"Hi" napalingon naman ako sa babaeng nagsalita

"Hello" sabi ko naman

"Mila, and wait i know you!" sabi nito at inaalala kung ano yung pangalan ko

"You're Xyris Havienna right?"

Tumango nalang ako habang nakangiti sa kanya

"Omg Nice to meet you" sabi nito sakin

"Nice to meet you too" sabi ko naman sa kanya

"I really like your works" nakangiting sabi nito

The Flirtatious Cold ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon