Chapter 14

611 26 5
                                    

Chapter 14:
Ex's Call

SECOND and last day na namin ngayon dito sa Morong. Lahat ay busy na ngayon. Normal photoshoot lang naman para pang album cover tsaka para sa magiging pic ng MV nila.

Lahat ng tao na kabilang sa pag-aasikaso nitong shoot ay busy,kabilang na ako.
Nakaupo ako rito sa harap ng salamin at inaayusan na nila. Summer lang naman ang theme -_-.

"Miss Mavien, ano pong gusto niyong color ng make up?" Tanong ng make up artist. Is she stupid?

"Sa pagkaka alam ko ikaw ang taga make up,hindi ako. So why are you asking me kung ano ang gusto ko? Diba you're incharge of doing that?" I said at tiningnan siya ng masama.

"S-sorry po" nauutal na sabi nito

"You should be!"

Pasensiya na ang init init init ng ulo ko ngayon eh. Yung KC kasi na 'yon kala ko may dinadala kaya nagpapasama sa'kin kagabi psh! Alam niyo bang inasar asar niya lang ako kagabi? Tapos inungkat niya pa tungkol sa kiss namin dun sa mall!!

"Kala ko kasi talaga sasaeng ka eh. Kahit sa'n kasi ako magpunta na lugar andun ka" sabi ni KC

"Grabe hah! Parang dun lang naman sa mall, sa party at sa sch---sa mall at sa party "pinutol ko ang sasabihin ko. I was about to tell him SA SCHOOL! Like what the hell O_o

"Ay aba malay ko. Pero di nga. Sasaeng ka talaga diba?" pamimilit nito

"Hindi nga sabi! Filingero mo naman kala mo ang gwapo!" Singhal ko

"Gwapo kaya ako. Tsaka masarap pa ko humalik. Diba? Nung sa mall?" Sabi niya na tumataas taas pa ang dalawang kilay Arrgghh!!

"Hindi rin. Asa ka pa. Tsk tsk! "

"Asus. Gusto mo lang ng pangalawa eh. Gusto mo?" Pang aasar nito na nakangiting aso parin. Sinisimulan na niyang ilapit ang mukha niya sa'kin

"Pervert. Jan ka na nga!" Tinulak ko yung noo niya gamit ang index finger ko at umayo na at iniwan na siya.

"Miss Mavien? Okay lang p-po ba kayo? Kanina pa kayo tinatawag nung isang staff ng Wardrobe okay na daw damit niyo dun and okay na po yung make up and haur niyo po."

Pretend Nerd [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon