Chapter 24

527 23 31
                                    

Chapter 24:
Eavesdrop

Axel's POV

NARITO KAMI ni Liyah sa loob ng tent. Wala lang,andun yung Warnings sa labas tapos si Marga, ewan kung saan nagsuot yun. Bahala siya.

"Liyah, ano nga pala ginagawa niyo dun sa labas ng tent kanina?" Biglaang tanong ko.

Eto namang si gaga,bigla nalang nasamid kahit walang iniinom.

"*ehem* huh? Wala. Hinahanap ko lang hikaw ko." Sabi nito at tumingala.

"Wag ako utuin mo. Hikaw? Duh~ kailan ka pa nagdala ng hikaw sa mga camping chuchu? Sabi mo nga dati pa lang pag magcacamping di na ko magsusuot ng kung ano ano. Baka mawala pa to eh." I said and a playful smirk was formed on my lips. Si Liyah, tensed na.

Hahaha huli ko na to. Tsk! Sa lahat ng pagsisinungalingan,ako pa -,-

"So bakit nga?" Tanong ko ulit

"Kasi.."

"Kasi?"

"Ano.. Umm.."

"WHAT THE HELL LIYAH? Hihilahin ko yang dila mo para ituwid mo yang pagsasalita!"

"Kasi ano!! Nagi-eavesdrop kami kanina. Kasi diba.. May ginaawa ayo ni KC rito kanina?"

"Huh? Ginagawa?" Kumunot ang noo kong maganda.

"Ugghh! Basta yun! Ginagawa niyo yun! My g,sistah. Bat mo binigay V CARD mo sa lalaking yun?! Akala ko ba modern dalagang Filipina tayo? WHY IZ THAT!!!" Parang maiiyak na sabi nito.

So, ayun pala yun? Jusko naman. Imahinasyon eh -_-

"Stupid! Sabunutan kita eh. Lol,walang ganon. Nagsasakalan kami rito kanina!"

"Sakalan? Eh ano yung narinig namang.. Masikip. Ang laki mo. Kinakapos pa mga hininga niyo kanina. Wag ako!" Liyah

"Gaga! Sakalan nga eh! Masikip. Masikip yung grip ko sa leeg niya,ganon din siya sa'kin. Ang laki mo. Sukat akalain mo ba naman na dadaganan ako ng hayuf! Jusko! Ang bigat! Kinakapos hininga. Ikaw kaya sakalin ko,di ka kakapusin?"

"Ah hehe sabi ko nga •=•"

"Yan kasi eh. Grabe imahinasyon! Pagbungguin ko kayo eh!"

"Hehe sorry na!"

Lumabas na kami ng tent dahil nag roll call na yung isang head.

"Magsilabasan na kayo sa mga tent niyo, maupo na kayo at palibutan ang ginawang bonfire ni Mr. Enrique. Tabi tabi ang bawat group members."

Lumapit na kami sa bonfire at naupo sa libot nito. Bale ang pwesto naming magkakagrupo ay ganito ..

Spencer - Liyah - Ako - KC - Migy - Json- Marga

Katapat ko si Kyle Caleb,nasa kabila siya eh.

"Okay. Students, sa bawat group, may binigay na tig dadalawang supot ng marshmallows,meron ring ibinigay na hotdog on stick sa inyong group leaders, 14 hotdog sticks yan so meaning, 2 hotdogs per members. Abang nag-iihaw, magsi-share tayo about sa mga buay-buhay natin. Okay?"

Pretend Nerd [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon