Chapter 27

444 22 13
                                    

A/N: medyo mahaba po itong chap,bale hinati ang chap 27 sa dalawa kasi jusko, sa phone lang ako nagta-type. Di kinaya kaya naglalag kaya nagdecide na kong idivide sa dalawa tong chap 27. May flashback po si Ateng Merliyah dito. Ahihi^^ sinasabi ko na ang buong pangyayari between her and Kuya Spen. Ilalaglag ko kung gano kasama sa babae si Kuya Spencer. Ahoho(-^〇^-)Lol

I dedicate this chap to all those who waited for my update, for those who voted and commented their feels. For those who became my followers. You already know who you are :). Thanks to you guys saranghae.
----------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 27:
Swimming

Axel's POV

Maaga palang ay gising na ko. 6 am palang eh. Nag alarm ako. Naligo na agad ako at nagbihis ng simpleng t-shirt at shorts, di naman siya ganon kaikle yung sakto lang.

Nang matapos ako, lumabas muna akong kwarto. Okay lang naman lumabas labas eh as long as nagpaparticipate ka at hindi lalayo sa mga kasama mo.

Naglakad lakad ako sa tabing dagat. Malapit lang naman yung hotel sa dagat kaya nga napakaganda ng atmosphere at nakakarelax talaga yung paligid.

Sa mga oras nato, nakikita ko ang sunrise. Habang naglalakad ako, nakikita ko ang mga tao,hmm mga mangingisda at mga babaeng nagbebenta ng isda.

Habang dumadaan ako, nginingitian nila ako kaya nginitian ko rin sila pabalik. Napakabait naman nila •3•.

Naupo ako sa puting buhangin. Kung akala niyong Boracay lang ang merong white sand rito sa Aklan, meron din po dito sa Tangalan.

Naupo ako. Pinagmasdan ko ang malinis na tubig ng beach nila. Nakita ko ang mga mangingisda na pumapalaot. Tumingala ako at tinignan ang maaliwalas na kalangitan. Pinapakiramdaman ko ang simoy ng hangin na dumadaplis sa aking balat. Hindi ito mainit. Habang nakatingala ay ipinikit ko ang aking mata, pinakikinggan ang alon.

Nasa ganong posisyon ako ng parang biglang dumilim. Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata. Sa pagbukas ng mga ito, nasilayan ko ang mukha ng isang lalaki.

"Asawa ko." Narinig ko nalamang bigla ang tinig na iyon sa loob ng aking isip. Umayos ako ng upo at itinigil ko na ang pagtingala. Ginalaw ko ng konti ang ulo ko na parang umiling iling.

"Okay ka lang?" Taning ng lalaking nasilayan ko kanina."

"O-okay lang ako." Hindi ko alam pero parang deja vu. Parang nangyari na ito noon. Hindi man ganon kalinaw pero alam ko,may nangyari nang ganoon noon.

"Anong ginagawa mo rito,pangit?" Tanong ni Keib sa akin.

"Pake mo?"

"Tch. Inaapproach ka na nga eh. Pwede ba. Bati bati muna tayo." KC

"Wow. Matapos ng lahat ng ginawa niyo sakin tapos—"

"I'm sorry. Sa first day mo, sa school days mo. Sorry sa pangtitrip namin."

Napatulala nalang ako. Nakatitig lang ako sa kanya. Totoo ba yung narinig ko? Humihingi talaga siya ng tawad? Anong masamang hangin ang meron rito sa Aklan at nagkaganito tong lalaking to?

"A-ano?" Di makapaniwalang tugon ko.

"Tch. I won't say it anymore. Di ko na kasalanan kung bingi ka."

"Kakahingi lang ng tawad tapos ganon. K." Sagot ko.

"Tch. Tatabi ako sa'yo." Keib.

"No. Ayaw ko. Shoo~ dun ka!"

Pretend Nerd [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon