Chapter 12

551 31 10
                                    

Chapter 12:
Music Video Shoot

MATAPOS nila akong pagtripan kanina ay iniwan na nila ako roon. Hindi na rin ako inimik pa nung si KC, tinignan niya lang ako ng masama at tumalikod.

Hindi na ba sila kasiya sa hell kaya pinalabas? Shit.

Tapos na ang klase at tanging ako, at yung apat na mean girls lang ang walang pinasa. Nung sinabi kong nagkaproblema kaya di ko naipasa, tinignan ako nun ng masama nung apat na babae. Si prof naman,disappointed.

Leche! Pinagpuyatan ko yun eh :(. Halos mabaliw ako sa paggawa nun tapos nabasa lang. BINASA actually.

Kasalukuyang andito ako sa room ngayon,nakaupo lang sa pwesto ko at frustrated talaga.

"Sis, try kaya nating ihabol yung thesis mo?" Suhestiyon ni Liyah na katabi ko parin.

"No need. Di tayo aabot. Lima ang gagawin ko."

"Sis,pwede mo namang hayaan yung apat na yun eh. Dapat mong unahin ang sarili mo ngayon, it's about your grades"

"Liyah,hindi pwede. Those meanies will dig in my life, I don't want them to know the real me. Gusto ko ako mismo ang magsasabi sa lahat"

"Sistah naman eh."

"Just let it. Papalipasin ko nalang to tsaka kaya ko naman ihabol yun eh"

"Haaisst! Bat ba kasi ganyan ka. Kahit na ang maldi-maldita mo, mas makikita paring mabait ka eh. Sarap mo sabunutan"

"Hindi kaya ako mabait. Sapakin kita eh" I told her in a nice tone.

"Haha. Ewan ko sa'yo"

"Liyah, di ka pa nagugutom? Una ka na. Magsisenti pa ko eh"

"Gagang toh. Di kita iiwan dito mag isa no"

"Gaga ka rin sistah, baka tuluyan ka nang mabaliw pag di ka pa kumain kaya shooo! Dun ka na" sabi ko kay Liyah

"Ewan ko sa'yo. Jan ka lang muna,ibibili nalang kita ng pagkain:)"

"Wag na. Susunod nalang ako, ililigpit ko lang tong mga gamit ko tapos pupunta pa akong locker room para iwan yung mga libro ko"

"Haaay. Sige na nga. Hintayin kita dun sa canteen" sabi nito at bumeso sa pisngi ko.

Lumabas si Liyah. Nag isip isip lang ako,nagpapalamig. Sana pala di nalang ako lumabas kanina edi hindi na nadisgraysa. Kala ko,pagdala ko yung thesis di to mapapahamak pero parang mas inilapit ko pa yun sa kapahamakan.

"That's life. Nerd's Life" mahinang usal ko.

Lumabas na akong classroom at nagsimulang maglakad papuntang canteen. Gutom na rin naman ako eh, nakakadrain pala ng dugo sa utak kung napakalaki ng problema mo.

Malapit na ako sa canteen. Nang makatapat ko nag pinto ay binuksan ko ito pero...

**splaaassshhh**(Note: sorry for my poor sound effects XD)

Pagbukas ko ng pinto at saktong pagtapak ko ng isang paa ay may bumuhos saking tubig. Malamig na tubig, tumaklob pa sa ulo ko yung balde. I know that I do look like a stupid nerd with a pail on my head now :(

Rinig na rinig ko ang tawanan sa canteen. So,ganon na pala ang tao ngayon? Imbis na maawa at tulungan ay pagtatawanan at lalaitin pa. I look pathetic right now. Walang ano anong dahan dahan kong tinanggal ang nakataklob na balde sa'kin.

Dahan dahan ko itong ibinaba at inilibot ang paningin ko, mga mukhang tawang tawa ang aking nakita. Hanggang sa madako ang paningin ko sa apat na pigurang naglalakad papunta sa akin.

Pretend Nerd [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon