Chapter 13

631 28 4
                                    

Chapter 13:
Photoshoot in Morong

MALAPIT na kami sa aming destinasyon. Kasalukuyang tahimik ang lahat dito sa loob ng sasakyan. Yung sasakayan ng mismong K Entertainment ang ginamit. Malapit na kami sa Bataan.

Tahimik ang mga tao rito. Si Mr. Kim ay di na sumama ngunit syempre'y nandito si Mr. Wang. Kahit di niya trabaho ang maging director ng photoshoot tanging sa MV lamang ngunit nagdesisyon parin siyang sumama. Hands on eh.

Yung apat na kulugo ay nasa pinakalikod, nagsisiksikan. Sadyang tatlo lang ang kakasya sa bawat upuan rito sa van ngunit parang takot yata sila sa'kin, lalo na yung kulugong si KC. Natutulog sila.
Katabi ko naman rito si Liyah at nakikinig ng music sa phone niya ganon din ako pero nag oobserve.

door- 💂(driver)  🙇(Mr. Wang) -door
door- 👧 (Liyah) 👩 (ako) -door
👦 (Migy) 👦 (Json) 👦(Spen) 👦(KC)

Ganyan ang pwesto namin sa loob ng van. Maya maya ay nagising si Migy. Di naman sa pagiging ano pero, nakikita ko kasi sila sa likod dahil sa rear view mirror.

Nung tuluyan na ngang magising si Migy ay kinalabit niya ang katabi niyang si Json.

"*kalabit kalabit* Json, malapit na pala tayo gisingin mo si Spen" Migy

"Shut up Bata, wala pa tayo dun. Mamaya ka na" Json

"Json! Gising at gisingin mo na rin si Spencer!" Mahina ngunit may diin na sabi ni Migy

"Aissh! Spen! Gising, baka masapak ko tong si Bata" Json

"Psh! Kulang tulog ko nyeta!" Spen

"Ehh! Spencer! Gisingin mo na rin si Kieb!" Migy

Ginising na nga ni Spencer ang katabi nitong si KC. Nung mahimasmasan na silang tatlo ay nagkulitan sila. Tinitignan ko lang sila sa rear view.

"Mommy, asaan si dad. Hahaha" iniba ni Migy ang tono ng boses niya sabay sabi nito kay Json.

"Hoy bata,umayos ka nga!" Json

"Wala baby, andito lang ang dad. Mukhang mainit ulo ng mommy mo eh baka andiyan yung kaniya*grin*" sabi naman ni Spencer na ang tinuturing na baby ay si Migy at ang mommy ay si Json. ;)

"Mom kiss mo si dad*grin*" pakikisali ni KC

"Ewww gross" sabay na sabi ni Spencer at Json

"HAHAHAHAHA" tawa ni KC at Migy

Hahahaha.

T-teka. Haaaisst! Nadala na ko sa apat. Para talaga silang mga bata eh.
Kiniliti nila ang isa't isa at napuno na ng tawanan ang loob ng van. Ang saya lang nilang tignan. Di lang sila simpleng magbabarkada o magkakaibigan, tinuturing rin nila ang isa't isa bilang pamilya. Di ko man sila ganon kakilala pero yun naman ang nakikita ko ngayon.

Di ko namalayan na nandito na pala kami,nagising lang ako mula sa aking iniisip nung bumusina ang van. Andito na talaga kami.

Pagkababa namin,nalanghap ko agad ang sariwang hangin. Tapos ang sarap pa sa feeling yung amoy ng dagat.

Nagcheck in kami sa isang hotel and resort dito lang sa Morong Beach.

Private siya pero pinapili kami ng gusto naming pamalagian it's either sa loob ng airconditioned building or sa isang kubo.

Dahil sadyang mahilig sa sinauna ang isinama naming director, sinauna but still on style actually ay mas pinili nitong sa kubo. Sa isang kubo,kasya ang apat na tao. Kumpleto na may maliit na kitchen, CR,minnie sala then terrace and four bedrooms. Dalawa na ang kinuha namin.

Pretend Nerd [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon