NAPALINGON si Cassandra nang may tumawag sa kanyang pangalan sa loob ng coffee shop na kanyang kinaroroonan. It was her recently old officemate, Scarlet. Kakatanggal lang niya sa kanyang trabaho dahil napuno na sa kanya ang kanyang boss. She's been late for three days in her work. At hindi lang basta late. It's either she's one hour late or more than that. And her boss really hates tardy employees.
"Anong kailangan mo Scarlet?" Tanong niya rito. They've never been close on their work. She doesn't want to get involve with this being. For her, every nerve of this woman's body screams trouble and she always hated her guts. She's a walking sex machine for most of the men in their office. 'Di na siya nagtaka doon dahil pangalan palang ng babae ay naghuhumiyaw na ng kaartihan at kamunduhan para sa kanya.
"Kamusta ang bagong unemployed?" Abot taingang ngiti sa kanya ng bagong dating habang siya ay gusto ng hablutin ang buhok nito at pagulong gulungin sa sahig. Isa kasi ito sa alam niyang natuwa sa pagkakatanggal niya sa trabaho. Matagal na niyang alam na mainit ang dugo sa kanya nito.
"Heto masaya naman. I can always have my frappe anytime I want. Gusto mong i-try?" She smiled sweetly at her. She won't step down on this woman's level.
"Makakapagkape ka pa kaya kapag wala ka ng perang maipapambili niyan sa susunod?" Abat! Ayaw magpaawat ng bruha.
"At bakit naman ako mawawalan ng perang ipapambili ng kape ko? I can still find another work." Matabil talaga ang bibig ng kanyang kaharap ngunit hindi siya makakapayag na api-apihin lang ng mukang parrot na babae.
"You know, it's not easy to find work especially when your last boss has no intention of giving you any recommendation and certificate of employment. Isn't it Cass?"
Gusto man niyang kontrahin ang sinabi nito ay hindi niya magawa. Tama ito, sa sobrang pagkapuno sa kanya ng kanyang boss ay sigurado siyang ayaw na nitong makita man lang ang mukha niya. Kung bakit ba naman kasi sinabayan pa niya ang init ng ulo ng amo niya.
"Thanks for your concern Scarlet. Oh!-" Pasimple siyang tumingin sa kanyang wristwatch at muling lumingon sa kanyang kausap. "Your break time is over. Kailangan mo ng bumalik sa trabaho baka kasi ikaw naman ang sumunod sa akin na mawalan ng trabaho. Ang hirap pa naman mawalan ng trabaho ngayon no?"
Tumagilid ang ngiti ng kanyang kausap at alam niyang nairita ito sa kanyang sinabi subalit nagpaalam pa din ito sa kanya ng mahinahon at bumalik na sa opisina.
Dapat lang. Hah! Sino siya para hamakin ako? Hindi pang parrot lang ang ganda ko.
She stared outside the coffee shop and heaved a deep sigh. Hindi siya mapapakain ng ganda niya. Kailangan niyang maghanap ng trabaho.
"What am I going to do now? Paano ang mga bills ko? Bakit ba naman kasi naisip ko pang mangatwiran kanina. Kung siguro humingi nalang ako ng tawad sa mga late ko baka may trabaho pa ko ngayon."
Sa halip kasi na tanggapin lang niya ang galit ng kanyang boss na biglang bumuhos sa kanya, nangatwiran pa siya at naglecture pa tungkol sa traffic at sa pagkawala ng tubig sa kanila kaninang umaga.
"Bakit ba naman kasi kanina pa nawalan ng tubig. Kapag minamalas ka nga naman! Lord bakit naman po todo-todo? Mabait naman po sana ako."
Muka nga lang akong timang kakakausap sa sarili ko.
She still has her savings but it's not enough to start a new business and to think that she has no idea on what business she wants. She still needs to work for a living. Hindi naman kasi ganoon kalaki ang sahod ng isang Graphic Illustrator. She has a talent but her wage is just enough for her living lifestyle at hindi pa siya yung babaeng maluho.
BINABASA MO ANG
By Your Side
RomanceNakilala ni Cass si Rendell sa panahong galit siya sa mundo dahil nawalan siyang ng trabaho. Gwapo ito ngunit masungit. Hindi niya akalain na muling magku-krus ang mga landas nila. Ito pala ang magiging boss niya sa trabahong inalok ng kanyang kaibi...