NAKAKABINGI ang malakas na tunog na naririnig ni Cassandra. Hindi ito mula sa hampas ng alon sa dagat o ang mga mabining tinig na naririnig niya sa 'di kalayuan. Ito ay nanggagaling mula sa pasaway niyang puso. Ilang sandali na ang nakakalipas mula ng halikan siya ni Rendell ngunit ang puso't isipan niya ay hindi pa din niya malakalma. Hindi siya makaapuhap ng mga dapat sabihin. Pakiramdam niya ay may malaking bara sa kanyang lalamunan. Gusto niyang itanong dito kung bakit siya nito hinalikan ngunit hindi nakikisama sa kanya ang kanyang sistema. Lutang na lutang siya ng mga sandaling iyon. Hapit pa din siya nito sa kanyang baywang.
"Cassandra." Ang malamyo na tinig nito sa kanyang tainga ang nagpabalik sa kanya sa realidad. Mabilis siyang kumalas dito at nag-ipon ng hangin para dahan dahang ibuga. Kailangan niyang linawin ang lahat kay Rendell. Hindi pwedeng basta nalang siya nito halikan. Walang kaalam-alam ang lalaki kung paano siya naapektuhan ng halik nito.
"Rendell bakit mo-"
"Rendell!" Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin dahil may tumawag na dito. Mula sa likuran nito ay sumulpot ang isang magandang babae at walang sabi-sabi na hinalikan ang binata.
Wow! Ito ang tinatawag na consecutive kisses! Wala pa halos limang minuto ang nakakaraan ng halikan siya basta-basta nito ngunit ngayon ay may iba na namang kahalikan. At sa harapan pa niya. Naramdaman niya ang kakaibang sakit na bumalot sa kanyang kalooban. Hindi niya kayang pagmasdan ang nangyayari. Nasasaktan siya. Mas nangingibabaw ang sakit kaysa sa galit. Nais niyang lumubog sa lupa o kaya ay tumakbo palayo sa mga ito ngunit napako siya sa kanyang kinatatayuan. She's suprsingly got weak on this situation.
Pinigilan niya agad ang mga luhang nangbabadyang lumabas mula sa kanyang mga mata. She never let anyone see her crying. Inipon niya lahat ng laks at tapang niya sa kanyang katawan para tumikhim.
Doon parang natauhan ang dalawa lalo na ang timawang lalaki. Boys, it's in their nature, what could I expect? They have no ideas what the girls feel. They are bunch of idiots. Tumingin sa kanya ang dalawa ngunit iniwasan niya ang mga mata ni Rendell. Natatakot siya na ipagkanulo ng kanyang nararamdaman sa sandaling sinalubong niya ang mga tingin nito.
"This must be your assistant that Rye was talking about hon. Hi! I'm Mandy." Hon? The girl extended her arm to her and she pretended that she gladly accepted it. Kahit na ang totoo ay nais na din niyang ibaon ito ng mga sandaling iyon.
"Cass." Maiksing sagot niya. Lumingkis ang mga braso nito sa matitipunong braso ni Rendell. Tiningnan niya ang lalaki at nakamasid lang ito sa kanya. Ganoon nalang ba iyon? Kakalimutan lang nito ang kalapastangan na ginawa kanina?
"Pwede ko bang mahiram si Rendell? Namiss ko kasi ang lalaking ito." Pinisil nito ang ilong ng bwisit na lalaki. Gusto na niya talagang maka-alis sa harapan ng mga ito.
"Go on." Pilit na ngumiti siya sa babae. Pagkaraan ng ilang saglit ay kita na niya ang papalayong katawan ng mga ito. Naiwan siyang mag-isa. At durog ang puso. Bakit nga ba hinayaan niya ang sariling mahalin ang lalaki? Asan na ang dati niyang sinasabi na hindi siya magmamahal? Isa na rin ba siya sa mga tangang babae? Nakakatawa, nasasaktan siya ngayon dahil nagmamahal siya ng taong may kapit ng iba. Bakit nga ba hindi niya naisip 'yon? Bakit ba hindi niya kaagad naisip na hindi na pala biro ang nararamdaman niya para kay Rendell? Ang sakit palang makita na ang mahal mo ay hawak ng iba.
"You can close your eyes you know." Nagulat pa siya ng may kamay na tumabing sa mga mata niya.
"Rye."
"It's normal to get hurt Cassandra. Pero 'wag kang maging masokista."
"W-what are you talking about?" Inalis niya ang kamay nito sa kanyang mukha at tumalikod paharap dito. Ang tingin nito ay nakila Rendell.
BINABASA MO ANG
By Your Side
RomanceNakilala ni Cass si Rendell sa panahong galit siya sa mundo dahil nawalan siyang ng trabaho. Gwapo ito ngunit masungit. Hindi niya akalain na muling magku-krus ang mga landas nila. Ito pala ang magiging boss niya sa trabahong inalok ng kanyang kaibi...