CHAPTER SIX

579 36 0
                                    

NAGISING si Cassandra sa pag-iingay ng kanyang cellphone. Sabado ngayon at bumabawi siya ng pahinga dahil hindi na naman naging madali ang nakaraang linggo para sa kanya.

"Hello? Hindi ako nagtitinda ng datu-puti." Pabalang at inaantok niyang sagot sa kung sinumang hudas na umistorbo sa kanyang pagtulog.

"Hindi kita hinahanapan ng suka o toyo Cassandra." Nagising ang diwa niya ng marinig and seryoso ngunit malamlam na boses ni Rendell. Bigla siyang napabalikwas sa kama.

"Rendell?" Anong kailangan nito? Tanong niya sa sarili. Bihira siyang tawagan nito kapag weekends.

"Yeah. Be ready in an hour. We'll be having a business deal."

"What?" 'Di mapigilang asik niya dito. Sa pagkakaalam niya ay wala silang napag-usapan kahapon na meeting nito para ngayong araw at ayon din sa pagkakaalala niya ay wala siyang sinet na meeting para dito.

"You heard me Cassandra. We'll be having a business deal." Balewalang sagot nito na lalong nagpainit ng ulo niya.

"Sandali nga, sa pagkakaalam ko wala namang nakaset na meeting ngayong araw."

"It's an emergency."

"Pero Rendell pwede bang i-cancel nalang natin? Gusto ko lang matulog buong araw."

"I'm afraid, you can't do that now. This deal is really important." Anak ng! At hindi ba importante ang pagpapahinga niya? Halos patayin na nga niya ang sarili sa pagtatrabaho bilang assistant nito sa limang araw tapos ngayong nakakuha na siya ng oras para magpahinga, ipagkakait na naman sa kanya.

"Are you still there?" Untag sa kanya ng nasa kabilang linya.

"Oo." Walang kabuhay-buhay na sa got niya.

"Good. I'll fetch you in an hour. May dadaan lang ako." Ano daw? Susunduin daw siya nito?

"Susunduin mo ko?"

"Kakasabi ko lang 'di ba?"

"Pero-"

"I know where you live so stop bothering yourself for unnecesary things. Just be ready. Bye" Iyon lang at pinutol na nito ang linya. Gusto niyang umiyak at sumigaw na hindi niya maintindihan. Antok na antok siya at kailangan niyang matulog. Kung bakit ba naman kasi naisipan pa niyang magpakapuyat sa pagmamarathon ng paborito niyang Animé kagabi. Kung alam lang niya na ganito ang mangyayari ngayong araw, sana natulog na lang siya pagkagaling sa opisina.

Hinang-hina niyang iniwan ang kanyang kama at naisipan ng maligo. Kahit ano pang ireklamo niya ay hindi na magbabago ang mga pangyayari. Mamaya na lamang niya ulit babalikan ang pagtulog pagkatapos ng business deal ni Rendell.

Naglinis muna siya ng kaunti sa kanyang sala tsaka nagtuloy-tuloy sa paliligo. Halos isumpa niya ang lahat ng makita sa banyo maging ang pobreng sabon at bote ng shampoo ng dahil sa pagkainis niya. Matapos maligo ay nagbihis at nag-ayos na siya ng kanyang sarili. Laking gulat pa niya na nang paglabas niya sa kanyang kwarto ay nadatnan niya si Rendell an prenteng nakaupo sa luma niyang couch habang nagpapalipat-lipat ng channel sa kanyang maliit na TV. Muli ay andun na naman ang kakaiba niyang pakiramdam sa tuwing makikita ang binata.

"You took forever on taking a bath. I already invited myself in since your door is open." Bungad nito sa kanya.

"Walang forever." Pabalang na sagot niya dito. Kahit pa sabihing gwapo ito sa simpleng white shirt at faded jeans nito ay naasar pa din siya tuwing naaalala na inistorbo nito ang kanyang pagtulog.

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon