CHAPTER THREE

665 39 0
                                    

MAAGANG pumasok si Cassandra kinabukasan. Ayaw niyang may mapuna kaagad na mali sa kanya ang masungit na amo bukod sa kakapiranggot daw niyang mga binti. Wala sa loob na sinipat niya ang mga iyon. Naka-slacks siya ngayong araw at tinernuhan ng pulang long-sleeves. Office girl na office girl ang dating niya sabi nga ng kanyang kaibigan.

Her friend asked her to send a picture of her before going to work and she happily obliged. After all, her friend is the reason why she got this job. Nagulat pa nga ito ng banggitin niya na ang pinsan nito ang talagang amo niya.

"Good morning Sir." Bati niya sa matandang Tayco nang mapadaan siya sa opisina nito. Papasok palang ang matanda. Ang aga naman pumasok nito. Ang amo kaya niya? Ngumiti sa kanya ang matanda at gumanti ng bati.

"You're early Cass and I believe Rendell isn't in his office yet."

"Ah ganoon po ba Sir? Hindi bale na po. Aantayin ko nalang po si Sir Rendell sa office niya."

"That's better. Ah wait. Sonia!" Tawag nito sa magandang babae na nasa harapan ng office nito.

"Yes Sir?"

"Hindi ba't ikaw ang nag-arrange ng schedules ng anak ko for this week? Paki-bigay naman iyon kay Cassandra para makita na niya." Agad na tumalima si Sonia at muli silang naiwan ng matanda.

"And Cass, if you'll have anything you're having troubled with on your new job, you're free to consult Sonia. She's my very efficient secretary. She won't mind helping you." Nginitian niya ang matanda at nagpasalamat. Masungit kaya ang asawa nito at doon namana ng kanyang boss ang masungit na pag-uugali nito?

Pagkaran ng ilang minuto, binalikan siya ni Sonia bitbit ang ilang folders. Pumasok na din Si Mr. Tayco sa office nito.

"Akala ko ba schedules lang ang kukunin? Bakit mukang testpapers ng isang buong section ang dala nito?" bulong niya sa sarili.

"Here." Abot nito sa kanya ng mga folders.

"Dinala ko na din yung mga recent report para sa mga meeting ni sir Rendell this week. Baka kasi kailanganin mo dahil ikaw na ang sasama sa kanya sa mga meeting niya." Ngumiti sa kanya ang babae na ginantihan din naman niya.

"Maraming salamat Miss Sonia." Nagulat pa siya nang mahina siyang hampasin nito sa balikat.

"Ano kaba! Sonia nalang. Muka namang hindi nalalayo ang edad natin."

"Oo nga. Twenty seven na ako." Biglang sabi niya na hindi niya maintindihan kung bakit tinawanan ng kausap.

"I'm twenty nine. See, dalawang taon lang ang age gap natin. Oh! By the way, welcome to the company Cass." Nagulat pa siya nang bigla siyang hapitin nito at yakapin.

"Thanks Sonia. So paano? Kailangan ko ng bumalik sa office ni Sir Rendell. Baka kasi umusok na naman ang bunbunan nun kapag hindi niya ko naabutan doon."

"I like you already girl. Sige na at baka nga dumating na ang bugnutin mong boss. Goodluck!" Binigyan pa siya ulit ng mahinang tapik nito bago bumalik sa pwesto nito. Siya naman ay pumasok na sa loob din ng opisina ng kanyang boss.

Nalanghap niya agad ang amoy lalaking bango pagpasok niya sa loob. Rendell's scent is lingering everywhere. Naeengganyo siyang suminghot nalang kaysa ang bisitahin ang mga files na binigay sa kanya ni Sonia.

Umupo na siya sa table na inilaan ni Rendell para sa kanya at itinuon ang atensyon sa mga files na kanyang hawak.

"Wala naman akong maintindihan sa mga report na to. Sunugin ko nalang kaya to?"

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon