"KAMUSTA naman ang pagiging assistant mo?" bati agad kay Cassandra ng kaibigan niyang si Ela nang makaupo ito sa harapan niya. Araw ng Linggo ngayon at pahinga niya. Walang Rendell na mag-uutos sa kanya ng kung anu-ano o maghahatak sa kanya kung saan mang parte ng Pilipinas.
Halos dalawang linggo nang hindi sila nagkikita ng kaibigan simula ng maging assistant siya ng pinsan nito kaya napagpasyahan na niyang magpakita dito kaysa araw-araw siyang kinukulit para sa update niya sa buhay. Daig pa nito ang isang nanay sa pangingialam sa buhay niya.
"Ayun. Laging pagod. Ikaw ba naman ang maging assistant ng halimaw mong pinsan." Tumawa ang kanyang kausap sa kanyang sinabi sabay pangalumbaba sa harapan niya.
"Ang gwapo namang halimaw ng pinsan ko Cass."
"Tama ka dyan Manuela. Salamat sa gwapo niyang mukha at napapatawad ko ang pagiging halimaw niya."
"Grabe ka naman. Mabait naman si Rendell. Baka busy lang."
"Iyun na nga eh. Lagi siyang busy kaya lagi din siyang mukhang halimaw. Madalas nga gusto ko nalang mag-kagebunshin para lang magawa ng mabilis ang mga pinapagawa niya. Alam mo bang halos araw-araw akong overtime ng dahil sa kasipagan niya?"
"Mabuti nalang at hindi ka naging si naruto. Sus! Huwag ka nang magreklamo sa mga overtime mo. May bayad naman iyon." Hinampas niya ang braso nito. "Pero anong masasabi mo sa pinsan ko? Gwapo no? Type mo ba?" Lantarang pagrereto nito sa pinsan.
"Oo gwapo nga."
"Type mo?" Pag-uulit nito sa tanong.
"Syempre. Sino ba naman ang makakatanggi sa appeal ng pinsan mo Manuela? Baka nga luhudan pa siya ng ibang babae kung sakali at ipagpatayo ng rebulto."
"Haha! Sabi ko na nga ba! Tao ka pa din."
"Ano na namang ibig sabihin niyan?" Kunot noong tanong niya rito.
"Naapektuhan ka ng appeal ni Rendell."
"Lahat ng gwapo ay naaappreciate ko Ela. Hindi lang ang pinsan mo. Pati ang mapapangasawa mo ay napagnasahan ko na din." Hinampas siya nito sa balikat at inirapan na binalewala lang niya.
"Tigilan mo nga si Clint. Spare him sa makamundo mong kaisipan Cassandra." Nagkibit lang siya ng balikat dito. "So mabalik tayo sa pinsan ko."
"Ano naman ang babalikan natin sa pinsan mo? Kung umasta ka parang naiibang specie si Rendell ah. Teka, may halo ba siya? Halong mammoth ba?" Sinabunutan na siya nang tuluyan ng kaibigan.
"Alam mo Cass maganda ka na sana kung hindi lang talaga tinatalangka palagi ang utak mo. Malapit ko nang pagdudahan ang katinuan mo at kung hindi lang kita kaibigan ako na ang nag-admit sa'yo sa mental."
"Matino ako." Pangangatwiran niya dito.
"Walang maniniwala sa'yo."
"Meron. Si Rendall." Nagliwanag ang mukha nito sa narinig.
"See that. You're always mentioning his name."
"Uulitin ko Manuela, lahat ng gwapo ay naaappreciate ko." Pagdidiin niya dito.
"Alam ko. Pero hindi ang mga masusungit. Sabi mo nga masarap katayin at ibenta sa China ang mga lalaking punong-puno ng kasungitan sa katawan." Sinabi ba niya 'yon? Kailan? Bakit parang wala siyang maalala.
BINABASA MO ANG
By Your Side
RomanceNakilala ni Cass si Rendell sa panahong galit siya sa mundo dahil nawalan siyang ng trabaho. Gwapo ito ngunit masungit. Hindi niya akalain na muling magku-krus ang mga landas nila. Ito pala ang magiging boss niya sa trabahong inalok ng kanyang kaibi...