"ANG GANDA mo Grizelda Manuela. Ikaw ba talaga ang kaibigan ko?" Nang-aasar na sabi niya sa kaibigang ikakasal. Araw iyon ng kasal ni Ela. Pinuntahan niya ito sa dressing room dahil pinakiusapan siya ng mapapangasawa nito. Nababahala kasi ang lalaki na baka magkacold feet ang kanyang kaibigan.
"Ikaw din ang ganda mo Cass." Ngumiti siya ng matamis sa kaibigan. Mukha namang kalmado ito.
"Maganda talaga ako Ela pero dahil kasal mo ngayon, hahayaan kitang mas maging maganda kaysa sa akin." Hinarap niya ang belo ng kaibigan at inayos iyon sa buhok nito.
"Sira ka talaga. I saw Rendell outside." Natigil siya sa ginagawa. Tinignan niya sa salamin ang repleksyon ng kaibigan.
"Iha, kasal mo ngayon. Bawal kang ma-istress. Pabayaan mo na akong mag-isip sa sarili kong problema. Don't worry." Pinisil pa niya ng bahagya ang pisngi ng kaibigan.
"I want you to be happy Cass. I will. Someday."
"Rendell is not getting married."
"I know that already Ela. " But he's still not in love with me. "Medyo may pagkatanga nga lang talaga itong kaibigan mo." Idinaan nalang niya sa biro ang usapan.
"Please follow your heart Cass. You will be happy." Ngumiti siya ng pilit dito.
"What if my heart is shattered into pieces? Then which one should I follow?"
"Fix it and it will show you the way." Tumawa lang siya sa sinabi ng kaibigan.
"Para kang timang. Ayan mas lalo ka ng maganda. Baka mahimatay pa si Clinton sa oras na makita ka. Baka hindi pa matuloy ang kasal niyo."
"Lumabas ka na nga dito Cassandra. Baka mahipan ng masamang hangin ang dila mo. Magpapakamatay ako kapag hindi ako naikasal kay Clint ngayong araw." Giit nito sa kanya.
"I know. I wish you all the best Ela. I'm glad that I met you." Nakita niyang may namumuong luha sa gilid ng mga mata ng kaibigan. "Subukan mong umiyak Manuela. Sasamain ka sakin." pagbabanta niya dito. Agad naman pinunasan ni Ela ang mga mata nito.
"Promise me Cass that you'll talk to my cousin after my wedding please. Consider it as your gift for me." Bumuntunghininga siya.
"May regalo na ko sa'yo no. Nakabili ako ng murang rice cooker kahapon. 'Wag kang mag-alala Ela. Balak ko na ding kausapin talaga ang pinsan mo. I can't avoid him forever."
MASAYANG natapos ang kasal ni Ela at Clinton. Kasalukuyan na silang nasa reception ng kasal. Dumalo din dito ang mga kaibigan ni Rendell. Even Mandy was there. She already talked to Kevin and discovered that he's already engaged to Mandy. Matagal na daw nitong pinag-antay si Mandy kaya naisipan nitong niyang magpropose dito. They looked cute together.
"Looking for something? Or should I say someone?" It was Rye. She accidentally bumped onto him earlier.
"Medyo. Nakita mo ba si Rendell?" Kanina pa niya kasi ito hinahanap mula ng dumating sila sa reception hall. Nakita niya ito sa simbahan kanina at palihim na sinusulyapan. Ngunit kahit minsan ay hindi siya tinapunan ng tingin nito. Ni hindi man lang ito nag-abala na lumapit sa kanya.
"I don't. But I saw his car outside so he's probably here. By the way congrats to that." Itinuro nito ang bouquet ng bulaklak na sinadyang ihagis ni Ela sa kanya.
"Stop it Rye."
"So I can hear some weddings bells ringing in my head." Pang-aasar nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
By Your Side
RomanceNakilala ni Cass si Rendell sa panahong galit siya sa mundo dahil nawalan siyang ng trabaho. Gwapo ito ngunit masungit. Hindi niya akalain na muling magku-krus ang mga landas nila. Ito pala ang magiging boss niya sa trabahong inalok ng kanyang kaibi...