CHAPTER FOUR

610 38 0
                                    

KATATAPOS magtanghalian ni Cassandra nang makita na naman niyang papunta sa table niya si Rendell. Pasado alas dos na ng hapon nang siya ay makakuha ng pagkakataon para kumain. Kung lunch nga bang matatawag ang sandwich na nabili niya sa convenience store sa baba. Hindi niya inakala na may ikakahalimaw pa pala ang amo. Bawat araw na pinagsisilbihan niya ito ay parang unti-unting namamatay din ang kanyang katawan. Masyado itong nahuhumaling sa pagtatrabaho kaya maging siya ay nadadamay sa pagiging sobrang sipag nito. Nang nakaraang araw ay naranasan pa niya ang magkaroon ng back and forth trip sa Davao para lamang sa two-hour deal nito. Akala niya makakapagpahinga na sila pagkabalik nila sa Manila ngunit hindi pala. May nakahain na naman pala itong trabaho pagbalik nila.

"Are you done with your lunch?" Tanong nito nang makalapit. Obvious ba? Nais niyang i-sagot dito.

"Yes Rendell. May ipapagawa ka?"

"Yeah. Pack your things we're going in ten minutes." San na naman kaya? Dadalin na naman ba siya nito sa malayong lugar? Ilang araw pa lang siyang nagtatrabaho dito pero gusto na niyang maghain ng resignation letter.

"Ah san tayo pupunta?" Hindi na niya pinigilan ang sarili ng magtanong.

"Be ready in ten minutes." Iyon lang at bumalik na naman ito sa pwesto nito. Bwisit na lalaki. Pasalamat ka talaga at gwapo ka. Paano ka ngang hindi magkakaroon ng anorexic na assistant eh ang lakas ng toyo mo sa pagtatrabaho, nais niyang isigaw dito.

Inayos na niya ang mga dapat niyang ayusin at nilagay sa bag ang kanyang organizer. Tumingin siya sa kanyang wristwatch. It's already passed three in the afternoon. Saang lupalop na naman kaya sila makakarating? Sa langit kaya? Parang hindi yata magandang pakinggan yun.

"Are you done?" Muling tanong sa kanya nito. Nagtaka siya dahil bitbit lang ng amo niya ang coat nito. And the sleeves of his polo is folded up to his forearms revealing parts of his great arms. Ano nalang kaya ang itsura ng mga braso nito kung nakasando lang ito? Bakit naman nakasando pa Cassandra? Kapag nakahubad nalang! Umiling siya sa tinatakbo ng isip at nakita niyang nakakunot na naman ang noo sa kanya ni Rendell.

"Are you alright?" Tanong nito sa kanya.

"Po?" Hindi na siya sinagot nito. Sa halip ay naramdaman na lamang niya na nakapatong na ang malambot na palad nito sa kanyang noo. She stiffened with the unknown feelings that enveloped her system. How could that simple geture shut her entire mind? Gusto niyang magwala na hindi niya maintindihan.

"Wala ka namang lagnat." Binawi na nito ang kamay at inilagay sa bulsa nito. Nais sana niyang kumontra at muling kunin ang kamay nito.

"Let's go."

"Po?" Wala pa rin sa sariling sabi niya.

"Hindi bagay sa'yong magmukang tanga Cassandra. Drop it." Wika nito sa kanya at nagulat na lamang siya ng hawakin nito ang kamay niya at hatakin siya palabas ng opisina nila. Lalong nawala sa sirkulasyong ang takbo ng kanyang utak nang maramdaman niya ang init na hatid ng kamay nito sa kanyang kamay. No one has ever made her feel like that. Ito lang. Wala sa sariling napisil niya ang kamay nito at inaasahan niyang magre-react ito ngunit binalewala lang nito ang ginawa niya. Heaven!, aniya sa isip. Ganito pala ang pakiramam ng mahawakan ng taong dilim.

PANAY ang buntung hininga ni Cassandra habang nakatitig kay Rendell. Kung kanina ay inagiw ang utak niya ng dahil dito, ngayon naman ay gusto niya itong buntalin. Ang dami niyang naiwang gawain kanina nang yakagin siya nito sa kung saan. Ang akala niya ay mayroon silang emergency meeting ngunit wala. Sa halip, dinala siya nito sa paborito daw nito kuno na restaurant. Ang magaling na lalaki pala ay nais lang kumain. Ang alam niya ay kumain na ito ng tanghalian. Hindi ugali ng amo niya ang muling pagkain pagkatapos ng main meals nito. Mas pinipili kasi nito ang sumubsob muli sa trabaho kaysa sa pagmemeryenda. Gusto na niyang tarakan ng tinidor ang lalamunan nito. Palibhasa wala kasi itong kaalam-alam sa mga naiwan niyang trabaho. Bakit kasi ngayon pa naisipan nito ang kumain.

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon