MULING sinipat ni Cassandra ang sarili niya sa salamin. Naroon siya ngayon sa gusali na kanyang pag-aapplyan. Ilang araw matapos niyang maibigay kay Ela and kanyang resumé ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kumpanya ng tito nito. Ipinapatawag siya ngayong araw para sa isang interview.Ang buong gusali ay okupado ng kumpanya ng tito ni Ela. Napansin niya agad ang eleganteng loob ng building nang siya'y pumasok. Maging ang mga empleyado dito ay accommodating din.
Napaaga ang dating niya dahil natakot siya na baka maalintana na naman ang tyansa niyang magkaroon ng trabaho dahil lamang sa lintik na traffic sa EDSA. Nagtungo agad siya sa isa sa restrooms ng naturang gusali para i-relax ang sarili.
Pinunasan niya ang butil-butil na pawis na namuo sa kanyang noo. Hindi siya pwedeng magmukang harag sa kanyang interview. Ito nalang ang trabahong pwede niyang pasukan sa ngayon at hindi siya papayag na mawala pa ito. Nag-retouch na din siya ng kanyang make-up kahit pa nangangati na siyang tanggalin iyon sa kanyang mukha. She never preferred using heavy make-up and wearing skirts because it's not really necessary on her last work. Her hands and brain are the ones she needed for her sketches and illustrations and not her face. But now is different. She's here for a far different job from her last.
Nang makuntento na sa kanyang mukha ay hinila na niya pababa ang paldang suot at muling itinali ang kanyang mahabang buhok pataas.
"Lord, please bigyan Niyo na po ako ng trabaho. Magpapakabait na po ako ng madami." She even crossed her fingers while saying that. She stormed out of the restroom and went straight to the elevator and arrived to the floor where her interview will take place. She was amazed on the floor she's in right now. Iba ito sa mga floor ng building. It has fewer doors and there's a glass-wall office that welcomed her when she stepped out from the elevator.
"Hi. May I help you?" Bati sa kanya ng isang magandang babae nang makalapit siya sa loob ng glass-wall office.
"Uhm hi! My name is Cassandra Adriosola. Mr. Tayco set me for an interview this day." Bati niya sa babae. Ngumiti ito sa kanya at pinaupo siya nito sa couch habang may tinatawagan. Marahil ay ang boss nito iyon.
"Miss Adriosola, Sir Tayco is already waiting for you. Please go to the next door on the left." The girl pointed her to the said door. She gave her a sweet smile and the girl returned it.
"Hindi man lang ako hinatid ni ate. 'Ba naman yan." bulong niya sa sarili. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago naisipang kumatok sa pinto. Dalawang katok ang kanyang ginawa bago magsalita ang kung sinuman sa kabilang bahagi nito.
"Please come in." Came a firm and formidable voice. She opened the door and saw an old man whose head is ducked on the papers on his desk. So this is her friend's Uncle for sure.
"Good morning Sir." Pa-demure niyang bati dito. Iniaangat ng matanda ang tingin sa kanya at ngumiti. Hindi maikakaila sa tindig at itsura nito na gwapo at matipuno ito ng kapanahunan nito. Kahit na nasa edad na ito ay kita pa din ang maamong mata at matangos na ilong nito.
May anak kaya itong lalaki na handang bumuhay ng tamad na babae?
"Good morning Miss Adriosola. Please take a sit." He offered the seat in front of his table.
"Thank you Sir."
"No problem. So let's get it straight to the point? Shall we?" Hindi alam ni Cassandra pero bigla siyang kinabahan sa sinabi ng matandang kaharap.
"Yes Sir."
"So I just reviewed your portfolio that my niece sent me. You came from a publishing company?" Hawak na nito sa isang kamay ang kanyang portfolio habang ang isang kamay ay nakahawak sa sentido nito. A very typical type of businessman.
BINABASA MO ANG
By Your Side
RomanceNakilala ni Cass si Rendell sa panahong galit siya sa mundo dahil nawalan siyang ng trabaho. Gwapo ito ngunit masungit. Hindi niya akalain na muling magku-krus ang mga landas nila. Ito pala ang magiging boss niya sa trabahong inalok ng kanyang kaibi...