Prologue
Laurice’s POV
“Hey! Dali na! Malalate na ako!!! Hoy!!! >.<” Sigaw ni Ashley habang kinakalabog ang pintuan ng banyo
Si Ashley King half Chinese half Filipino, sya ang sweetheart ng barkada dahil sa kanyang cute na cute na aura na para bang hindi pwedeng hindi mo pagbigyan, sya din naman kasi ang bunsong babae ng grupo, chinita syempre half Chinese nga di ba? :D 5’3 ang height nya super conservative masyado syang naculture ng tatay nyang napakatradisyonal kaya ayan ang kinalabasan sobrang demure, pero masipag yan at organize na tao at matalino, sya yung bunso pero parang sya ang panganay dahil sya na lang lagi ang nagtitimpi sa kalokohan naming walo at nagsisilbing housekeeper hahaha
“Got it princess!! I’m almost done!!” Sagot naman ni Dara, tsk si Dara talaga alam naman nyang mas maaga ang pasok ni Ashley nakipag-unahan pa sa banyo
Dara Gonzales, bratinela in the making, mabuti na lang at napadpad yan dito at kundi, aigoo! Baka kung ano ng ugali ang meron yan haha pero mabait naman yang si Dara may pagkabitch nga lang minsan pero ang alam ko ang minsan ay magpakailanman hahaha, sa pagkakaalam ko luminayas yan sa bahay nila, hindi na lang namin tinatanong pa kung bakit, 4’11 lang yan pero palaban hahaha hindi ka mananalo dyan kaya magwagayway ka na lang ng white flag kung ayaw mong maratrat ng AK47
“Ang ingay nyu naman! Natutulog ang tao dito =3=!!” Reklamo naman ng isang natutulog pa na si Sabrina
Sabrina Mae Rodriguez, ang taong idol na idol ang kantang THE LAZY SONG, pero yan ang panganay na babae samin, tamad yan pero hindi kayo maniniwalang napakabusiness minded ng babaeng yan, mukha pang maldita pero sa amin sya lang ang may love life hindi naman nakakapagtaka maganda, mabait, matalino at malambing yan kaya kahit sino ma-iinlove sa kanya hindi lang halata haha 5’1 ang height nya
“Bumangon ka na nga dyan! Anong oras na kaya!” Binato ko ng unan si Sabrina para gumising na kanina pa yan natutulog dyan eh hindi tuloy ako makapagwalis dahil nakalatag pa ang higaan
Lumabas naman ako ng kwarto naming mga babae at nagtungo sa salas naabutan ko naman dun yung dalawang lalaki na tutok na tutok sa panunuod ng TV
“Rocco, asan si Stanley?” Tanong ko sa kanya
“Nasa kwarto naglilinis” sagot naman nya sakin ng hindi man lang ako tinitingnan nakatutok kasi ang mga mata nya sa panunuod
Rocco Valderama, ang Casanova ng grupo kahit wala namang ginagawa nagpapaiyak na ng babae haha ewan ko kung bakit pero madami na yang napaiyak haha panu ba naman kasi tall dark and handsome yang si Rocco at magaling maggitara
PLUS!
THE BODY IS A WONDERLAND!! Hahaha *Q* Sya ang nakatoka sa pag-aayos at pagkukumpuni ng mga nasisira dito, caring naman yan at mabait
“Thaddeus, feet off the sofa!! Paninita ko kay Thaddeus
“Soorryyy poooo *chichay tone*” sagot nya na may pagkamaarte, tss ito talaga si Thaddeus
Thaddeus Avellana, magkasing edad lang sila ni Rocco same din ang birthday nila twins na nga kung ituring nila ang isa’t isa magbestfriend kasi sila, sila ang unang tao sa bahay na to, chinito yang si Thaddeus pero hindi sya Chinese pinaglihi lang ng nanay nya sa Chinese kaya ganyan ang mata nyan haha pero alam nyu ba kung ano naman ang kinaastig ni Rocco yun naman ang medyo, MEDYO LANG NAMAN ang pagkalambot nyang baliw na yan pero wag kayo mabait din yan at singer yan at makabayan haha
Naglakad ako papunta sa kwarto nila para tingnan si Stanley nadaanan ko naman si Timeus na busyng busy sa pag-aayos ng dining table, isa pa yan, he’s like Ashley in a suit and tie, sobrang bait at mas inuuna ang iba kesa sarili, swerte nga ng magiging girlfriend nyan eh, at isang bagay lang dyan kay Timeus ang ayaw ko, masyado syang conscious sa katawan nya at trying hard magpataba pero di ko na yun pinapahalata sa kanya hayaan na natin dun sya masaya eh haha payat kasi sya eh pero malakas naman kumain pangalawa sa bunso yan, full name, Timeus John Monterde. He’s kind as in super kind
BINABASA MO ANG
ORPHANAGE
HumorIndependence. Freedom. ALL NIGHT PARTY!! Siyam na magkakaibigan, one roof. Lahat sila piniling mabuhay malayo sa kanya-kanya nilang pamilya, piniling mabuhay sa sarili nilang mga paa. Samahan sila sa mundo ng kadramahang puno ng katatawanan, sa kati...