Timeus’ POV
One month na ang nakakalipas at heto ngayon ang bahay namin parang dinaanan ni Yolanda sa sobrang gulo kaya lahat kami ngayon naglilinis, no exception
“Ano ba yan?! Grabe namang alikabok to oh?” Pagrereklamo ni Dara na pinupunasan yung mga furnitures, ang arte talaga nya kahit kelan, may mga gloves pa sya sa kamay nya at panyo na nakatakip sa mukha nya
“Ay powtek! Pag dumaan ka pa ulit puputulin ko na yang paa mo! Subukan mo lang!!” Galit na galit na sinigawan ni Stanley si Thaddeus, panu ba naman kasi kanina pa pabalik-balik si Thaddeus eh nagpapahid ng floor wax si Stanley kaya ayan galit na galit
“Kinuha ko lang naman yung martilyo eh!” Ay naku lagi talagang nag-aaway ang dalawang toh, hindi na nagkasundo “Tado! Yung martilyo?!” Narinig kong sumigaw si Rocco mula sa bubong, kinukumpuni kasi nila yung mga butas sa bubong baka kasi umulan na
“Eto na!” Nagtatakbo palabas si Thaddeus pero bago pa man sya makalabas eh inabot sya ng boomerang na walis ni Stanley “Aray!! (# =3=)”
“Hanep na toh! Bastusan na ah! Isang daan pa talaga! Mapapatay na kita!! >___<” Para ng tigre si Stanley mabuti na lang nakakapagtimpi tong si Thaddeus, ano ba kasing issue ng mga toh? Galit ba ang silahis sa kapwa silahis?! Tanong ko lang? (‘,’)?
“Ah Tim paabot naman nung labahan nyu sa kwarto” Pumasok na ako sa kwarto at kinuha yung laundry basket namin, maglalaba kasi si Laurice at Ashley ngayon, sila ang nakatoka ngayong linggo eh
“Eto na oh” Inilapag ko yung dalawang laundry basket namin sa banyo
O_____________O???!!
“Ilang linggo naka-stock yang labahan nyu? O_O” Pagtatanong ko ng makita ko ang apat na malalaking laundry basket sa banyo, Ano yan? Bakit ganyan yan?!
“Isa lang, bakit?” Sagot naman ni Laurice na para bang nagtataka pang nagtanong ako, ako nga dapat ang magtaka sa mala Mt. Everest nilang labahan
“Yan?! Isang linggo?!” Tinuro ko yung malabundok na labahan, kaya ba nilang dalawa labhan yan? “Kelangan nyu ba ng tulong?” Pag-offer ko sa kanila, siguradong kelangan nila ng tulong eh
“Oo, malamang! Ikaw na lang magbanlaw nung iba ha? ^_^” Nakangiting sabi ni Ashley sabay abot nung dalawang laundry basket na nalabhan na daw nila babanlawan na lang daw
Sabrina’s POV
Andito kami ngayon sa palengke ni Charles, sya na kasi ang nagpresenta na sumama sakin sa pamamalengke bilang tagabuhat ako naman yung tagatawad :D dyan ako magaling eh haha
“Ate dito magkanu?” Kinuha ko yung isang bugkos ng pechay na mukhang sariwa pa naman “Sampu dyan” Ano? Sampu? Eh Parang limampiso nga lang to ah
“Ang mahal naman! Hindi ba pwedeng tawaran?” Sabi ko dun kay Ate ang mahal naman kasi talaga eh
“Tapat na yan eh, saka tingnan mo naman sariwa pa yan” Psh! Kunat naman nitong babaeng toh
“Tawaran nyu na kahit otso na lang” Pagpupumilit ko sa kanya pera mukhang ayaw parin nyang pumayag, psh! Ano ba yan!
Wait! Napansin kong kanina pa tingin ng tingin tong babaeng to kay Charles, uh-huh alam ko na ang gagawin ko “Sige na otso na lang, pag binigay mo yan sakin ng otso may kiss ka dito sa kasama ko, ano payag?”
“HOY! Anong pinagsasabi mo dyan?!” Bigla naman akong hingit ni Charles
“Kiss lang naman ah, sinabi ko bang sa lips? Hinigit ko pabalik dun sa babae si Charles “Okay na, otso na lang?” Tanong ko ulit dun sa babae
“Sige 12 na lang sa dalawang bugkos *^__^*” Ay taray nagblush ang hinayupak di bale na kumuha na ako ng 12Php sa wallet ko at inabot dun sa babae
“Oh yung kiss ko? *^_^*” Haha mukha timang tong babaeng to haha “Oh halikan mo na” Naniningkit na yung mga mala-kwagong mata ni Charles na para ban sinasabing humanda ako haha :D kiss lang naman eh, tamu na katawad pa kami hahaha, kinuha ni Charles yung kamay nung babae saka hinalikan ito at yung babae lalong kinilig haha mukha talagang tanga haha :D
Umalis na kami at bumalik sa bahay magluluto pa kasi si Laurice, masisi pa ako nun kapag nagutom sila, at pagkatapos nga ng mahabang byahe nakarating na rin kami sa bahay at
O_______________________________O??!
Anong nangyare dito? Bakit ganito na yung bahay namin? “Ano yan?” Narinig ko na lang na sabi ni Charles nung makatapat kami sa pinto
“Oh di ba? Ang laki ng in-improve ng bahay natin, ako yata may gawa nyan hahaha :D” Sagot naman ni Laurice samin na nagmamagaling pero kami tulala parin O__________O
“Ahh kaya naman pala ganyan yan eh, di na nakapagtataka pa” Nagpatuloy sa pagpasok si Charles at hinawi na lang yung mga damit na nadadaanan nya, pano kasi yung bahay nagmukhang fiesta dahil sa dami ng mga damit na nakasabit sa buong bahay
“Pinagmalaki mo pa talaga to ah” Bulong naman ni Charles kay Laurice, tss bumulong pa rinig na rinig naman
“Alam mo Charles uso namang magpasalamat” Ay naku eto na naman tong dalawang toh
“Salamat pooo *chichay tone*” Sagot naman ni Charles na aktong nagbow pa, babatukan na sana sya ni Laurice pero bigla na lang silang nagtawanan dalawa -.-a
“HAHAHAHA!! Mukha kang bakla dun ah, in fairness bagay sayo! Bwuhahaha!! XD” Humawak sa tyan nya si Laurice na para bang di niya kinaya yung nakita ng mga mata nya
“Sya nga eh hahaha baka luminyada pa ako sa dalawang yun oh hahaha :D” Tumawa ng pagkalakas lakas si Charles sabay turo kay Thaddeus at Stanley
“At nasinggit kaming dalawa dyan?” Taas kilay na sumabat si Stanley na mukhang pagod na pagod sa paglilinis dito sa bahay pero in fairness ang linis ng tingnan ng bahay namin
“Wala naman bwuhaha! XD” Nag-apir yung dalawa at nagtawanan ulit, ang cute naman nila mukhang tanga XD
“Umayos kayo! Ngayong pagod eh!” Sagot naman ni Stanley sabay hilata dun sa sofa, pero yung dalawa hindi maka-get over at tawa parin ng tawa, napansin kong medyo nangangawit na yung kamay ko at ng tiningnan ko yun WTF! Hawak ko parin pala yung pinamalengke ko! The eff! ~.^
“Hey!” Napatigil sa pagtawa si Laurice at lumingon sakin “Catch!” Hinagis ko sa kanya yung bayong na hawak ko
“What the?!” Reklamo nya muntik na kasing hindi nya masambot yung bayong, nagpeace sign na lang ako sa kanya at saka nagtungo sa pinto
O___________________________O
Pero bad move dapat pala nagstay na lang ako sa loob kesa pumunta dito, nakita nya tuloy ako! Pakshet!! >____________<
“Sabrina! Ang tagal kong hinanap ang bahay nyu ah!!” Nakakainis talaga! Bad trip!! >____________<
---------------------------------------
Introducing!! Sabrina!! XD ganda ba?
Ano? Nagustohan nyu ba? Nagustohan nyu ba? XD
VOTE.COMMENT.BE A FAN :**
WTHannah
BINABASA MO ANG
ORPHANAGE
HumorIndependence. Freedom. ALL NIGHT PARTY!! Siyam na magkakaibigan, one roof. Lahat sila piniling mabuhay malayo sa kanya-kanya nilang pamilya, piniling mabuhay sa sarili nilang mga paa. Samahan sila sa mundo ng kadramahang puno ng katatawanan, sa kati...