Chapter 3 -In Your Face Dad!

58 6 3
                                    

Sabrina’s POV

“TAHIMIK!” Nagulat na lang ako ng biglang sumigaw si Dara, kami namang kaninang nagkukumpolan sa kanya ay nasi-atrasan at umayos ng upo sa sofa

“Ako lang ang magsasalita! At walang pwedeng sumabat kapag nagsimula na ako! Inténdes?”

Dagdag pa nya

“Ye—“ Magsasalita na sana kami pero pinutol nya iyon

“Sabi ko ako lang ang magsasalita! Hindi ko sinabing sumagot kayo!” wala pang isang millisecond eh nagmeet na ang upper lip at lower lip naming lahat

“Dahil may utang pa tayo sa renta, kelangan nating magtrabahong lahat! No exceptions! We have to earn 18 grand in one day! Understand?” Pagpapaliwanag ni Dara, tsk ano ba yan?! May gusto pa naman sana akong bilhing damit sa street jeans ngayon, pero mukhang uunahin ko muna ang pambayad utang namin

“I said, UNDERSTAND?!” Inulit ni Dara yung sinabi nya, tiningnan ko naman yung nasa kanan at kaliwa ko pero walang nagbabalak magsalita so nakigaya na lang ako

“Ayst! Hindi ba kayo magsasalita? Arghhh” Wala talagang nagsasalita kahit isa samin nag’walk out tuloy si Dara at pagkalabas ni Dara nag’exhale kaming lahat na para bang matatagal na naming pinigil yung paghinga namin

“Wait lang Charles, bakit hindi mo man lang kami pinaalalahanan?” Binaling ko tingin ko kay Charles, yumuko sya at huminga ng malalim saka nagsalita

“Alam ko kasing mas marami kayong dapat unahin eh, kaya di ko na lang sinabi hanggang sa makalimutan ko na hehe” Nagkakamot sya sa batok habang nagsasalita, binuksan ko naman yung bag ko saka hinalughog yun para hanapin yung pitaka kong cute na cute na hello kitty :”> haha nung nakita ko na yung wallet ko bumunot ako ng dalawang libo saka iniabot kay Charles

“Oh” Tiningnan nya lang yung kamay ko

“Kukunin mo ba o hindi?” Pagkatapos ng sinabi ko kinuha na nya yung pera at inilagay dun sa dating aquarium namin na ngayon ginawa na naming alkansya, pasalamat sya at kumita ako ngayon, pang’shopping ko sana yun eh huhuhhu T3T

“Magtatry akong magbenta nung painting ko, natapos ko na kasi sya kahapon eh hehe” nakangiting sabi naman ni Laurice na nasa likod ko, oo nga pala painter yang si Laurice at para sakin the best ang paintings nya hindi pa nga lang nadidiscover masyado hahaha :D

“Pero nagbigay ka na para sa ilaw at tubig” Pagtanggi ni Charles sa alok ni Laurice na mag’ambag

“Ano ka ba?! Andyan na yan! Kunin mo na kung ayaw mong mawalan tayo ng bahay! Is it deal or No HOUSE!” Sigaw ko naman aarte pa eh, pwede namang tanggapin na eh >__<

“Wow ah, parang may choice ako dun sa tanong mo” Banat ni Charles

“Cuutt!!!” Bigla namang pumasok Laurice nakakabingi ah, nasa likod ko lang kaya sya edi lahat ng sound wave tinanggap ng eardrums ko lintik na toh, binatukan ko nga -.-

“Masakit?” Tanong ko kay Laurice with a sarcastic smile at ang loka nagpout pa

“Wait lang guys, hello? May pasok pa tayo, remember?” Bigla namang pumasok sa eksena si Ashley

Wait! Wait! Oo nga may pasok pa kami!! O.o

Dara’s POV

Ilang minuto lang nung mag’walk out ako eh nakapagdesisyon na akong pumasok ulit pero nagkamali ako sa desisyon ko

(OoO)

\(OoO)/

\( !!!!!!)/ “AAAHHHH!!!!!” Sigaw ko

Napatakbo ako ulit palabas ng makita kong kumukuripas ng takbo yung pitong ugok na para bang tsunami at nadala ako, nalaman ko na lang eh nasa jeep na kami papuntang school

“Mga loko kayo! Para kayong hahabol sa 4p’s kung tumakbo kanina! Kaloka!” Reklamo ko sa kanila habang nagpapahid ng oil sa mukha ko sabay kuha ng pressed powder at inapply sa mukha ko tapos yung lipstick naman na sobrang fierce sa pagkapula

“Eh panu ba naman may pasok pa tayo tapos bigla mo kaming tinawagan, nagcut tuloy kami” Sagot ni Stanley, bilib ako sa isang to medyo may binubuga din ang katarayan nito eh para sagut-sagotin ako, ilang minuto lang ay nakarating na kami sa school at pumunta na sila sa kanya-kanya nilang classroom habang ako naiwan dito sa main gate, tatalikod na sana ako ng biglang may tumawag sakin

“Dara!!” Pamilyar sakin ang boses na yun ah, matagal-tagal ko ng hindi naririnig yun ah, pagharap ko naman eh hindi ako nagkamali sa hula ko hehe ano naman kaya ginagawa nya dito

“Hi, Mom! Hi Dad” Bati ko dun sa dalawang nakatayo sa front ng campus pero yung pagbati ko kay Dad eh parang walang gana, lumapit sila sakin at saka naman ako nagbeso kay Mom pagkatapos nun ay tumingin lang ako kay Dad

“I’m very disappointed in you young lady” Eh ano pa nga namang bago, lagi naman syang disappointed sakin eh, nauna ng maglakad si Dad habang si Mom ay niyakap ako at ngumiti saka kami sumunod kay Dad papunta sa dean’s office

Wait?! What?! Dean’s Office agad?!! Agad agad talaga?!

O________O

“Sa dean’s office talaga?!” Binigyan ko si Mom ng isang why-there? Look

“Well what do you expect? You point a middle finger in the face of your Instructor” sabat ni Dad, psh para yun lang eh pasalamat sya hindi ko binoycott yung boring class nya

“Tara na, akong bahala sayo” bulong naman sakin ni Mom, sabi na nga ba lagi talaga akong salo nitong si Mom, unang pumasok si Dad ng dean’s office habang kami naghihintay lang sa labas

<(=.=)a

<(-.-)

<(_.-)

<(_._) zzzzZZZ

Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto, ayst nakatulog pala ako napatingin naman ako kay Mom at Dad habang nagkakamot pa ako ng mata ko

“What did I miss?” Tanong ko sa kanila, lumapit naman sakin si Mom at sinabi kung anong nanyari

“It’s been settled” Napangiti naman ako saka niyakap si Mom, napatingin naman ako kay Dad na nakatayo lang habang naka’cross arms haha in your face Dad! :DP

“Papasok ka na sa ibang class, sa block B056, okay? Be good na ha” Pagpapaalala sakin ni Mom, niyakap ko sya ulit sabi na nga ba malulusutan ko din to eh XD

ORPHANAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon