Timeus over there ---> Check it out XD
Laurice’s POV
Paalis na sana ako ng biglang lumagabog ang pinto at nabulantang kaming dalawa ni Timeus sa nasaksihan namin
OoO
SI DARA!! In fully-armored battle gear at may hawak na dalawang leash!! Pero mas nabulantang kami sa nakita namin OoO!! Waaahh!! Si Rocco at Charles!! Nakatali sila at hawak yun ni Dara kawawa naman yung dalawa naglalaway na at puno ng pasa sa mukha!! Naimbitahan yata sila ni Dara sa condo XD
*Exaggerated way of thinking ni Laurice is on!! Hahaha
Timeus’ POV
Paalis na sana si Laurice ng biglang bumukas yung pinto at pumasok si Dara , mukhang hindi naman pumasok to isang to, pero nagulat ako ng makita ko ang mga kasunod nyang pumasok, si Rocco at Charles ano naman kaya ang dahilan ng toh at hindi pumasok
“Oh? Ang aga nyu ata?” Tanong ko sa kanila tiningnan lang muna ako ni Dara saka sya nagsalita
“Kelangan nating mag-usap” Sabi nya bigla naman syang tumingin kay Laurice na paalis na sana
“Lahat!” Napaatras si Laurice at saka umupo sa sofa, sumunod naman na umupo sila Rocco at Charles nung nakaupo na silang lahat tiningnan ako ni Dara at dahil sa takot ko sa tingin nya umupo ako agad
“We got a problem and you didn’t even bother to tell us!!!” Binulyawan kaming lahat ni Dara napapikit ako sa takot grabe kelan ba ako masasanay sa aura nyang pangdragon :3 habang yung tatlo automatic na lumuhod sa harap ni Dara at nagpaliwanag
“Ganito kasi yan, nagyon ko lang din naman nalaman na may dalawang buwan na yung utang natin balak ko naman talagang sabihin sa inyo pero dahil hindi naman sakin galing ang problema sya tanungin mo” mabilis na pagpapaliwanag ni Laurice at saka sya tumingin kay Charles at nagpeace sign, biglang tumingin si Dara kay Charles
“Kaya mo yan pre, nasa likod mo lang ako” bigla namang nagsalita si Rocco at hinimas ang likod ni Charles
“Tang ina pre, wag kang ganyan nababakla ako” sabi naman ni Charles sa kanya at hinawi yung kamay ni Rocco sa likod nya
“Hoy!! Magpapaliwanag kayo? O hihilahin ko yang dila nyu at babasahin ang gusto nyung sabihin?!” Nagulat naman kami ng biglang sumigaw ulit si Dara lahat naman kami nanahimik at yung dalawa ay nagserious mode na
pero wait lang ano ba yung pinag-uusapan nila? Bakit wala akong alam dito, magtatanong na sana ako kaso lang umurong yung dila ko sa takot kay Dara
“Explain” isang simpleng salita lang ni Dara pero ramdam mo na ang authority, nagkaka’goosebumps na ako
“Dalawang buwan na tayong hindi nakakabayad ng upa, ilaw at tubig” mahinang sabi ni Charles nagula naman ako at napasigaw
“Ano?!” Sabay naming nabanggit ni Dara bigla naman syang tumingin sakin
“Wala ka ring alam?” Tanong ni Dara tumango lang ako bilang sagot ibinaling na nya yung tingin nya dun sa dalawa
“Dahil yung nakaraang dalawang buwan, nawalan ng trabaho si Timeus at Thaddeus, hindi pa naman kayo makapagtrabaho ni Ashley dahil hindi pa kayo 18y/o at matumal ang benta ng painting ni Laurice plus enrollment nung nakaraang buwan so mas inuna natin yun diba?” paliwanag ni Charles tama nga naman, inuna talaga namin yung enrollment
“So ganun pala, eh ano ng balak nyu?” Tanong ni Dara medyo mahinahon na yung boses nya haay mabuti naman
“Naghanap kami ng isa pang trabaho na arawan ang sweldo kaya andun kami sa The siopao center” biglang nagpause si Rocco sa pagsasalita tapos tumawa ng malakas kasabay si Charles, ang gulo ng mga toh -.-a nakatitig lang kami sa kanila nila Laurice ng magkatinginan si Dara at Laurice at nakisabay na din sa tawanan nung dalawa pang buang, ano ba yan?!! Napakamot ako sa ulo
-.-a
kanina lang halos patayin na ni Dara yung tatlo tapos nagyon nagtatawanan sila ng walang dahilan? Ano yun?
“Wait!! Anong meron at nagtatawanan kayo?” tanong ko sa kanila tumigil naman sila sa pagtawa at tumingin sakin at sumeryoso na yung mga mukha nila
“Okay back to the issue” seryosong sabi ni Laurice
“Magkano ba ang bayaran natin?” Tanong naman ni Dara, habang ako tahimik lang na nakikinig sa kanila
“18,000Php binayaran na ni Laurice yung sa ilaw at tubig natin” Sagot naman ni Charles tiningnan ko naman si Laurice nakangiti lang sya at sinipit sa tenga yung buhok na humaharang sa mukha nya
“Nakabenta kasi ako ng painting eh hehe” malumanay na sabi nya
“Landi nito, di ako sanay sa boses mong yan Laurice nakakapanindig balahibo” pang-aasar na sabi ni Dara sa kanya habang umaaktong nanginginig
“Baliw!” Binatukan ni Laurice si Dara, adik na toh nagawa nya yun kay Dara? Ako tumitig lang sa kanya diko magawa
“Hanep na toh! Tawagan mo na nga lang sila Stanley, ako ng bahala kela Ashley, mag-uusap pa tayo kung pano natin susulusyonan ang problemang toh” Tumayo si Dara saka kinuha yung cellphone niya sa bulsa at naglakad palabas ganun din si Laurice habang naghihintay sa iba pa naming kasama eh binuksan muna nila Rocco yung TV at nanuod ng naruto at dahil fan din ako ng Naruto nakijam na ako sa panunuod nila
“Mabuti pa si Naruto di kelangan ng pera” Pahayag ni Rocco habang tinataas yung paa at isinandal sa lamesa
“Rocco! Nara yang lamesang yan wag mong sirain!! Feet off the table!” Nagulat ako ng biglang sumigaw si Laurice at nagmartsa sya papasok kasunod si Dara, huminto sa tapat ni Rocco si Laurice at nagmotion na I’m-watching-you bago sya umupo at si Dara naman isinara yung TV
“Ano ba yan?! KJ naman oh! Naruto na eh!” Reklamo ni Laurice
“Tumigil ka nga dyan, ilang minuto lang at darating na yung mga asungot na yun” Paninindigan ni Dara pero si Laurice hindi nagpatalo at inagaw yung remote kay Dara agad naman nyang nakuha yun binuksan nya yung TV saka lumukso paupo sa sofa
“Ilang minuto pa naman pala eh, manuod muna tayo” tumutok naman agad yung tatlo sa panunuod pero bago pa man matapos yung palabas eh dumating na sila Stanley na nagsisigawan
“Ano? Bakit? Anong nangyari bakit ganun? Ha sabihin nyu sabihin nyu!!” Yan lang ang mga naintindihan ko sa mga sinabi nila
“TAHIMIK!!” Natahimik ang lahat ng sumigaw si Dara
“Ako lang ang magsasalita! At walang pwedeng sumabat kapag nagsimula na ako! Inténdes?” Dugtong nya
“Ye—“ Pinutol ni Dara yung sasabihin namin
“Sabi ko ako lang ang magsasalita! Hindi ko sinabing sumagot kayo!” Nagsitahimik ang mga bibig namin at yung hearing sense na lang ang pinairal namin
“Dahil may utang pa tayo sa renta, kelangan nating magtrabahong lahat! No exceptions! We have to earn 18 grand in one day! Understand?” Pagpapaliwanag ni Dara na para bang commanding officer at kami yung platoon members nya
“I said, UNDERSTAND?!” Pag-uulit ni Dara pero ni isa lang samin ay hindi nagsalita
“Ayst! Hindi ba kayo magsasalita? Arghhh” Wala talagang nagsasalita kahit isa samin nag’walk out tuloy si Dara, kelangan na naming magtrabaho kundi mawawalan kami ng bahay hindi yun pwedeng mangyari, hindi pwede....
-------------------------------------------------------------------------------
Hope you like this chapter :** dedicated to sa isang taong panget pero sweet XD joke :p
VOTE. COMMENT. BE A FAN
WTHannah xoxo
BINABASA MO ANG
ORPHANAGE
HumorIndependence. Freedom. ALL NIGHT PARTY!! Siyam na magkakaibigan, one roof. Lahat sila piniling mabuhay malayo sa kanya-kanya nilang pamilya, piniling mabuhay sa sarili nilang mga paa. Samahan sila sa mundo ng kadramahang puno ng katatawanan, sa kati...