Stanley’s POV
“Wui! Bakit ganyan kayong dalawa?” Tanong ko kay Rocco at Laurice, ewan para kasing awkward sila sa isa’t isa ngayon “WALA!” Sabay nilang sabi -.-a may namumuo bang something dito? Nakaka-intriga ah “Ang showbiz nyu!” Bulalas ko naman sa kanila
“Oo nga eh, medyo pansin ko ang pagka-asiwa nyu ngayon sa isa’t isa. Anong meron?” Tanong naman ni Sabrina kay Laurice at medyo namula yung mukha ni Laurice sa tanong na yun ako tuloy ang naiintriga as in sobrang naiintriga na ako! “Wala nga sabi eh!” Bulalas ni Laurice sabay walk out
“Anong problema nun?” Tanong ni Sabrina “Baka naman may gusto nga sya kay Rocco” Sabat naman ni Ashley “Tsk! Imposibleng mangyari yan, eh mas lalaki pa yan si Laurice kay Rocco eh” And from out of nowhere nakisabat din tong si Charles!
“MAY SINASABI KA CHARLES? HUH?” Sigaw ni Laurice mula sa kusina “Wala! Sabi ko talas ng radar mo!” Sagot naman sa kanya ni Charles
“Wow!! Hiyang hiya ako sa headlight at airport mo!!” Ay naku nagbangayan na naman itong dalawang toh “CUT!! Pwede tama na?! Umagang umaga oh!” Pagtataray ko kay Charles na ngayon ay katabi ko
“Ito naman masyado kang nagseselos… hmmm… wag kang mag-alala type din kita!” Kinurot-kurot ni Charles yung pisngi ko at pinisil pa lalo “ARAY KO!” Tinulak ko paalis si Charles kanina pa ng aasar ang kumag na yun! Tsk basta abutin ng tupak mang-aasar ang hinayupak na yan eh!
“By the way. Ngayong week na ang finals di ba?” Tanong ko sa kanila pero wala man lang sumagot sakin “Okay dedma!” Sabi ko ulit
“May sinasabi ka ba Stanley?” Tanong ni Ashley “Wala! Wala akong sinasabi actually kinakausap ko lang tong sofa! Hello sofa! Di ba ngayong week na ang finals! Diba? Diba?” Sarcastic kong sabi kay Ashley, may sinasabi talaga ako di nyu lang ako inintindi “Assuss!! Tampororot si Babe ko! Lika nga dito!” Pang-aasar ni Ashley
“Tsk! Sabihin nyu na lang kasi kung ngayon na yung finals! >3<” Bulalas ko ulit sa kanila “Opo! Ngayong week na yun! So magreview na kayo!” Sagot ni Ashley sakin, haay wala na talaga akong makausap ng matino dito :3
“Lalabas lang ako” Pagpapaalam ko sa kanila
Naupo ako sa bangko malapit sa may bintana namin ng biglang may isang matigas na bagay na tumama sa ulo ko >___< “Anong?”
“Oops sorry!” Lintik hindi na talaga ako tinigilang bigyan ng sakit ng ulo ng taong to! “Ano na naman bang katarantaduhan ang ginagawa nyu dyan?” Inis na binulyawan ko si Thaddeus
BINABASA MO ANG
ORPHANAGE
HumorIndependence. Freedom. ALL NIGHT PARTY!! Siyam na magkakaibigan, one roof. Lahat sila piniling mabuhay malayo sa kanya-kanya nilang pamilya, piniling mabuhay sa sarili nilang mga paa. Samahan sila sa mundo ng kadramahang puno ng katatawanan, sa kati...