Chapter 13 -Periodical Incident

17 2 0
                                    

Laurice’s POV

“Aaaahhh” –Ako iii=o=

“Haaay” –Sabrina

“Aaahhh” –Ako iii=_=

“Anong Problema mo?” Tanong ni Sabrina dahil sa kanina-nina ko pang pagsinghap “Wala… ang sama lang talaga ng gising ko” Simpleng sagot ko sa kanya

“By the way may lakad ako ngayon baka gabihin na ako sa pag-uwi” Hindi ko masyadong inintindi ang sinabi ni Sabrina okay na lang yata ang naisagot ko sa kanya bago sya makalabas ng kwarto

Humilata ako ulit sa kama at nagtakip ng unan. Shit!! Ang sama talaga ng pakiramdam ko >__<

“Hey!! What’s your problem?!” Tinanggal ko yung pagkakatakip ng unan sa mukha ko para harapin si Dara “May lakad ka din?” Tanong ko sa kanya ng makitang bihis na bihis ang bruha

“Yeah, just hanging out with my old friends” Sagot nya habang tinitingnan yung kuko nya “Is it okay?” Biglang tanong nya “Ang alin?” Takang takang tanong ko “Duh! My nail polish! Idiot” Tumango na lang ako, pasalamat ang babaeng toh masama talaga ang pakiramdam ko ngayon

“Okay, I gotta go” Paalam ni Dara “Wait lang sabay na ako” Sigaw ni Ashley

“Aalis ka din?” Tanong ko kay Ashley “Malamang” Aba namababara na din tong si Ashley ah. Anong mga problema ng mga tao ngayon!! :/

Ng mapagod na ako sa kakahiga ay nagpasya na akong lumabas ng kwarto at kumain

O.o? Bakit walang katao-tao dito? San naman nagsusuot yung mga taong yun? Dumaan ako sa kwarto ng mga lalaki at wala akong nakita ni isang anino nila dun, dumiretso na lang ako sa kusina para kumain, hinalungkat ko yung food warmer kung anong iniwan nilang pagkain dun. WTF?! Hindi man lang sila nagluto? Psh pandesal lang na naman ang inalmusal nila :3 walang magagawa kundi kumain na lang din ng pandesal. Umupo ako sa may sofa at binuksan ang TV nakakainis hindi man lang nila ako inaya lumabas T3T

Pffffttt!! Shit! Kumulo yung tyan ko! Need ko ng ilabas ito!! Nagtatakbo ako papasok ng banyo. Pero pagpasok ko dun ay iba ang bumungad sakin! Shit!! Why now?! Why now?! Kaya pala sobrang sama ng pakiramdam ko eh T3T

*Door Open*

OMG!! Yes may tao! Sino naman kaya yun?! Pero atleast may magliligtas na sakin! :D “Hello? Sino yan?” Tanong ko dun sa taong pumasok

“Laurice? Ikaw ba yan?” Shit! Shit! PAKSHET! Bakit sa dinami-dami ng pwedeng pumunta dito sya pa!! Oh Oil Pastel, Bakit sya pa!! “Laurice?” Tanong nya ulit! Shit! Bakit hindi ako makakibo! Pero shit! Matutuyuan na ako ng dugo dito pag hindi pa ako nagsalita

“Ah! Rocco?” Shit! Natural si Rocco yan! Boses pa lang! Wonderland na! Pakshet!! “Ay hindi! Charles ako! Si Charles to! Hahaha” Nakakainis naman to nakapagbiro pa eh! Matutuyuan na ako dito!

“Rocco naman eh!” Bulalas ko sa kanya! “Okay na, okay na. Ano ba yun?” Tanong nya ulit! Shit pano ko sasabihin sa kanya tong ganitong bagay

“Ahh kasi ano eh… Uhm… pwede bang ano…”

“Ano? Nauutal ka na dyan” Putol ni Rocco sa sasabihin ko “PSH! Makinig ka muna kasi!” Bulalas ko naman sa kanya “Okay. Ano na?” Tanong nya ulit

“Pwede bilhan mo ako ng… ng… ng band-aid” Nahihiya at nauutal ko pang sabi ko sa kanya “ANO?! ANO BANG NANGYARI DYAN SAYO SA LOOB NG BANYO?! ANONG MASAKIT SAYO? MAY SUGAT KA BA?!! Bulalas ni Rocco na halos kalabugin na yung pintuan ng banyo

“Hindi okay lang ako! Pwede wag kang OA?” Pambabara ko naman sa kanya “Pwede bang bilhan mo na akong Band-aid? Uhm… Yung malaki ah!” Simpleng sagot ko sa kanya

“WHAT?! MALAKI BA ANG SUGAT MO?!... … …SHIT!! LAURICE!! ANONG NANGYAYARI SAYO DYAN?! BAKIT MAY PATAK NG DUGO DITO SA MAY PINTO?!!” Kinakalabog na naman ulit ni Rocco yung pinto! MY GOSH! PAINT BRUSH! Wala akong sugat may dalaw lang ako!! Pakshet Rocco wag kang OA!

“Ayos lang ako!! Wala akong sugat!! Just go… and buy me some… TAMPON!! Gosh! Ayan nasabi ko na!!” Lupa lamunin mo na ako ngayon! Please lang!

Nakadama ako ng katahimikan sa labas at mga ilang minuto ko ding narinig ang katahimikan ng magsalita bigla si Rocco “Ito na oh” Dahan-dahan kong binuksan yung pinto para kunin yung tampon at nakita kong nakatalikod si Rocco habang inaabot sakin yung tampon Hahaha XD nakakatawa pero nakakahiya din, agad kong sinarado yung pinto at inayos at inilagay ang dapat ayosin at ilagay, pagkatapos ko ay medyo nahiya pa akong lumabas ng banyo pero kelangan ko ding lumabas ganun na din ang gulat ko ng hindi maabutan si Rocco sa labas, asan naman kaya ang kumag na yun? Dahan-dahan akong lumapit dun sa kwarto nila at nakita syang nakahiga sa kama nya. Shit! Kakahiya!! Anong gagawin ko? Huminga ako ng malalim at tumakbo para malagpasan ang kwarto nila ng hindi nya nalalaman

Rocco’s POV

Ngayon ko lang napag-isip-isp na nakakahiya yung pagbili ko ng tampon dun sa tindahan may mga ibang tao pa naman. Tsk ayos na yun kelangan talaga ni Laurice ng tulong eh. Wala kasing ibang tao

*Tok tok*

Ano yun? May kumatok sa kabilang pader “Rocco?” Si Laurice pala, lumabas na sya sa banyo? Hindi ko man lang napansin “Ano yun?” Lumapit ako ng kunti dun sa pader para marinig yung sasabihin nya “Uhm… Thank you” Simpleng sagot nya ramdam ko yung hiya sa boses nya, kahit naman ako na-awkward sa situation na yun haha “Ayos lang yun! Akalain mo yun! Dalaga ka na! Hahahaha!” XD

ORPHANAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon