Chapter 1 -Part-time Jobs

91 7 2
                                    

Charles’ POV

“Pre, may yosi ka dyan?” Tanong ko kay Rocco

“Ito pre” Agad naman nyang iniabot yung isang stick ng Marlboro red pagkakuha ko ng stick binunot ko yung lighter ko sa bulsa at sinindihan yung sigarilyo habang hinihithit ito para umapoy, binuga ko ang usok saka ako nagsalita

“Malaki-laki ang utang natin kay Aleng Bebet, kelangan nating mabayaran yun sa susunod na araw” seryosong sabi ko kay Rocco habang nakatingin sa kawalan

“Nagtatrabaho naman tayong lahat ah, nagkataon nga lang naggipit tayo” sagot naman nya sakin, haayy kelangan namin makakuha agad ng pera at kung hindi lahat kami pupulutin sa kangkungan nito

“Hanap tayo ng raket!” Biglang nagsalita si Rocco

“Anong raket naman?” Tanong naman sa kanya bago nya ako sagutin binigyan nya ng isang huling hithit yung sigarilyo nya at saka itinapon

“Sus pare maraming pwedeng raket dyan sa tabi tabi, arawan pa ang sweldo” Sabi nya at para akong nabuhayan ng loob pero may bigla na lang pumasok sa isip ko

“Papatayin mo ba ang sarli mo? Magtatrabaho ka ngayon tapos may trabaho pa tayo sa gabi!” Napataas yata ang boses ko kaya yumuko na lang ako at humithit ng sigarilyo

“Ano ka ba? Arawan naman ang sweldo dun sa papasukan natin kaya pwede na tayong umalis pagkatapos” itinaas nya yung kamay nya na para bang sinasabing tapos ang problema

“Pero kahit na hindi parin magkakasya pambayad ang kikitain nating dalawa kung” pagkokontra ko naman sa mga sinasabi nya

“Problema ba yun? Edi lahat tayo magtatrabaho” Buhay na buhay ang dugo ni Rocco at hindi pa rin nawawalan ng pag-asa

“Tutulong naman kaya sila” Tanong ko ulit sa kanya

“Tang ina pre, para namang di mo kilala yung mga baliw na yun” Sagot naman nya sakin, hanep na toh nagmura pa, hinithit ko na yung yosi ko saka itinapon ito

“Tara pre, maghanap na tayo” pag-aaya ko sa kanya, inilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ko at saka naunang maglakad habang sya nakatayo pa din dun sa tindahan liningon ko naman sya at tiningnan ng mata sa mata

“Hindi ka ba sasama?” Tanong ko sa kanya

“Hindi ba tayo papasok?” Tanong naman nya sa akin, wow ah! Sagot sa tanong ay tanong din tss

“Malamang! Maghahanap nga tayo ng trabaho di ba?” Pambabara ko naman sa kanya mas importante ngayon ang makahanap kami ng pambayad sa bahay, saka naman sya naglakad at sumunod sa akin naglakad na kami papuntang downtown, kelangan pa naming magtipid eh

“Pre san ba yung sinasabi mo?” Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa linyada ng mga fastfood chains kanina pa kasi naglalakad dito ilang street na ang nadaanan namin eh

“Malapit na” sagot naman nya habang patuloy na naglalakad at hinahanap yung store na sinasabi nya huminto muna ako para magpahinga

“Pre sandali bili lang ako” Nakakita ako ng tindahan at bumili ako ng isang kahang Marlboro, nagpatuloy na ako sa paglalakad at ng tinanaw ko si Rocco wala na sya, asan na ang hayop na yun? Bumili lang ako eh nawala na ang kumag, tumakbo ako para hanapin sya, hayop na yun iniwan ako nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa dulo ng kalye hanggang makarating ako sa dulong fastfood chain

“Hanep na buhay na to oh!” Kumamot ako sa ulo ko and let out a loud sigh and turn around

“Hoy!” Nagulat ako ng biglang sumulpot sa likuran ko si Rocco

“Tang ina men! Sumusulpot ka na lang dyan” binigyan ko ng isang batok si Rocco gusto yata akong patayin ng hinayupak na to

“Eh saan ka ba nagsusuot, akala ko nakasunod ka lang sakin” reklamo nya sakin habang hinihimas yung ulo nya dahil sa batok na natanggap nya mula sa akin

“Tara na nga, andun yung bakery nila bok” pag-aaya nya sakin naglakad na ka papunta dun sa bakery na sinasabi ni Rocco at ng makarating kami dun sa bakery napako ang mata ko dun sa signage nila, bigla akong napatawa at napatingin kay Rocco

“Oh? Bakit?” Takang taka naman sya habang nakatingin sa akin

“May gusto ka kay Sabrina nuh? Haha” Pagbibiro ko naman sa kanya

“Anong pinagsasabi mo dyan?” Nagtataka parin sya kung ano ba yung sinasabi ko

“Halika dito, tingnan mo to” Pinapunta ko sya para makita kung ano yung sinasabi ko, pano ba naman kasi yung pangalan ng bakery eh

“THE SIOPAO CENTER”

hahaha kung hindi nyu natatanong eh yung pisngi kasi ni Sabrina parang siopao haha

“HAHAHAHAHA” nagkatinginan kami ni Rocco saka tumawa ng malakas XD haha madalas asarin nila Laurice dahil sa pisngi nya

“Tara na nga pumasok na tayo, kung ano anu pumapasok sa isip mo eh” Naglakad na papasok si Rocco, sumunod naman ako sa kanya pero tumatawa pa din ako haha di ako  makaget over

Dara’s POV

Psh! Sobrang boring naman ang subject na toh, puro kawalang kwentahan lang naman ang tinuturo nitong si Mr. Clean hindi ko na kelangan pa ang English 003 I already mastered that subject since nursery, parepareho lang naman ang tinuturo dyan eh

“Sir!” Itinaas ko ang kamay ko para makuha ang atensyon ni Mr. Clean

“Yes?” Sagot naman nya sa akin

“I wanna leave” sabi ko sa kanya habang pinaglalaruan ko yung kulot kong buhok

“What? You want to leave?!” kumunot na yung noo pati na yata anit nya na sobrang naka’expose eh kumunot din

“You heard it right, so I guess I’m outta here” Kinuha ko yung bag ko saka naglakad palabas ng kwarto

“Ms. Gonzales! I’m going to call your Dad!” Pagbabanta nya sakin, nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad at bago ako makalabas ng kwarto I put a middle finger in their faces

“Go ahead” Pagkatapos kong sabihin yun tuluyan na akong lumabas ng kwarto at umalis ng campus sumakay ako ng taxi uuwi na sana ako pero nakaramdam ako ng gutom kaya nagpababa Beaneries St. ito yung lugar samin na linyada ng mga food courts, naglakad-lakad ako ng kunti dahil dun lang ako sa bungad ibinababa nung taxi dun pa man din sa dulo yung paborito kong Japanese restaurant THE TABEYA ang sarap kaya ng pagkain dun eh lalo na ang tempura hmmmm yummy, nakarating ako na ako sa tabea at nagulat naman ako sa nakita ko sa tapat ng tabea nilapitan ko sila na walang kaalam-alam na nasa likod na nila ako kinalabit ko si Rocco at pagharap nila nagulat naman sila ng makita nila ako, ano ang tinatago ng mga to? Alam ko hindi dito ang work nila at AT may pasok sila ngayon

“Da-dara” Nanginginig na binanggit ni Rocco ang pangalan ko so I guess may nangyayari nga dito

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

This chapter is dedicated to a friend :)) I hope you'll love this, this is for you :***

 Ashley King on the side :)))

Btw. if you like this story pleas VOTE. COMMENT. BE A FAN :***

WTHannah^^

ORPHANAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon