Chapter 4 -Problem Solved

58 6 0
                                    

Pasakay na sila Mom ng maalala ko na pwede nya pala akong matulungan sa problema namin sa bahay, agad kong pinigilan si Mom sa pagsakay ng kotse at hinila kung saan hindi kami mahuhuli ni Dad

“Mom, I need money” mabilis na sabi ko kay Mom agad naman nyang hinalungkat yung purse nya at kinuha yung wallet nya whoahoho!! $Q$ money money XD

“Ubos na ba allowance mo?” Pagtatanong ni Mom habang kumukuha ng pera sa bag

“Hindi po, nagkaproblem lang dun sa house eh” Sagot ko naman sa kanya habang nakaliyad na yung palad ko ready ng tumanggap ng MONEY XD

“How much do you need?” Dagdag ni Mom habang hawak yung pera at binibilang

“2 grand” I reply binigay naman nya agad sakin yung pera pero hindi lang 2k yung binigay nya sakin 10 grand haha the best talaga si Mom

“Thanks Mom” Nagbeso ako kay saka nagpaalam, hayst it’s been 10 months since I last saw them haha si Dad galit parin sa paglayas ko sa bahay, well wala akong paki sa kanya dun na sya sa unico hijo nya >_<  ang importante ngayon may pera na ako haha

Stanley’s POV

8pm na pero halos wala pang tao dito sa bahay, kaya heto nanunuod muna kami ng balita nila Thaddeus habang si Laurice at Ashley ay nagluluto dun sa kusina

“Wow pre, sobrang init bukas oh” Sabi ni Thaddeus habang ngumunguya nung mani na pasalubong ni Ashley

“Pahingi nga nyan” Kumuha ako nung mani pero bigla na lang pinalo ni Thaddeus yung kamay ko kaya natapon yung mani na kinuha ko

“Sayo na! Sayo na! Lamunin mo ha! Lintik ka” >____< dinakot ko yung mga nalaglag na mani saka sapilitang sinubo kay Thaddeus, ‘tong bading na to

“Aray! Akin lang kasi yan, bigay yan sakin ni Ashley!” Sigaw naman ni Thaddeus na halos hilamusan ako ng laway nya, pinunasan ko yung mukha ko gamit ang palad ko sabay punas sa mukha ni Thaddeus

“Laway mo dude! Correction! Say that with a mataray accent, inabot lang sayo ni Ashley hindi binigay! Mukha nito!” Pinunas ko yung kamay ko sa damit ko kadiri kasi yung laway ni Thaddeus! Bigla na lang narinig kong bumukas yung gate at napatingin na lang ako sa pinto ng pumasok si Timeus, Dara at wait? Sino yun? (,”)?

“Load po?” Sabi nung isang babaeng sumingit sa entrance ni Dara at Timeus, panirang babae to magpapaload lang pala >_<

“Sabrina! Load daw!” Pagtawag ko kay Sabrina na kanina pa nasa loob ng kwarto nila, kung di nyu natatanong eh nagloload din yang si Sabrina, dami nga nyang business di ko alam kung pano nya hinahati yung time nya eh, pagkatapos ng loading moment ni Ate extra ay nagforum na kami dun sa table

“We have money na” Sambit ni Dara at ibinigay sakin yung pera pati din si Timeus. Ayos! 6k na lang ang kulang

“Okay! Hintayin na lang natin sila Rocco at may dalang pera yun sigurado!” Sabi ni Sabrina na nagtatatalon sa tuwa

“Hoy mga ungas, kain na” Biglang sumingit si Ashley tapos na pala silang magluto at nakapaghain na. Natapos na lang kaming kumain pero hindi parin dumadating yung dalawa

“Wala pa rin yung dalawa ah, alas dyes na kaya” Sabi ni Laurice habang pabalik balik na naglalakad sa may pinto

“Itulog mo na lang yan” Sagot naman sa kanya nila Dara iniuunat yung kamay nya habang naglalakad papasok ng kwarto nila

“Malalaki na yun kaya na nila buhay nila” sabi naman ni Sabrina na naghihilamos ng mukha, aba’t narinig nya pa yun eh nasa kusina sya

“Sige na, matulog ka na kami na lang maghihintay sa kanila” Sabi ko sa kanya para wag na sya mag-isip pa tumingin naman sya sakin at sinabi ko sa kanya na matulog na sya with my oh so loving eyes, nag nod na lang sya saka pumasok sa kwarto nila. Matyaga kong hinintay yung dalawa pero wala pa din kaya natulog na lang kami nila Thaddeus

Ashley’s POV

7am na, linggo naman pero maagang nagising ang mga tao ngayon dito sa bahay, problemado parin kasi kulang pa ang pambayad ng upa namin

“Panu na yan?” Stanley let out a sigh saka hiniga yung likod nya sa sofa, kung hindi ko pa nasasabi kulang pa kami ng 4k dahil sa 2k lang ang naiuwi nila Rocco kahapon, hindi daw kasi sila pinayagang magbali haay :3 at si Laurice hindi pa nakakabalik mula kanina dala-dala yung painting na ginawa nya

“Ugh! Hindi ko kayang umupo na lang dito at hintaying dumating sa pinto natin yung balyenang yun at palayasin tayo dito!” Bulalas ni Dara na padabog na tumayo ng sofa

“Eh anong magagawa natin? Makakabayad tayo pero hindi tayo makakain ng isang lingo!” Sagot naman ni Stanley sa kanya, pinagmamasdan ko lang iyong ibang kasamahan namin ng biglang akong makarinig ng mga yabag papalapit sa pinto

“Baka si Laurice na yan!” Napatakbo naman ako sa pinto para salubongin si Laurice pero napahinto ako dahil matabang anino ang nakita ko malamang hindi yun si Laurice payatot kasi yun

“Oh? Nakapag-impake na ba kayo?” Pahayag samin ni Aleng Bebet na nakataas ang kilay, hindi ako nakapagsalita dahil biglang lumapit samin si Dara

“Oh yes we are done! Because your house sti—“ Hindi na nya naituloy ang sinabi nya dahil binusalan na ni Sabrina at Timeus ang bibig nya

“Haha kung ano ano na naman sinasabi mo Dara di ka kumain nu haha” ^__^v agad na ipinasok nila Sabrina si Dara sa kwarto namin at sa ilang segundo lang wala na sila sa paningin namin

“Baka ho pwedeng bigyan nyu kami ng kunti pang oras” Sabi ko naman kay Aleng Bebet

“Oo nga po, baka po kahit kunti lang” Singgit naman ni Charles, ilang segundo lang nakaharap na kaming lahat ni Aleng Bebet, tinitingnan lang nya kami isa-isa tapos sumimangot ang mukha nya

“Sige! Limang minuto!” Sabi ni Aleng Bebet

O_________O

What!! Limang minuto?!

“Aleng Bebet naman” Pagrereklamo namin sa kanya

“Limang minuto? Ano naman ho yun?” Sabi ni Thaddeus, aba loko din tong landlady namin! Hanep sa binigay na time ah! Time talaga!

Nagulat na lang kaming lahat ng biglang may kumalampag mula sa loob! Lahat kami napalingon kung saan ng galing yung ingay at nakita namin si Dara na nagmamartsa palapit samin!

“Here’s your money! You old hag!” Inilagapak nya sa kamay ni Aleng Bebet yung pera hindi na kagulat-gulat pang ginawa yun ni Dara mas magulat ka kung nagmakaawa yang babaeng yan kay Aleng Bebet

“Now! Fuck off! You bi—“ Binusalan ulit nila Sabrina si Dara at hinila pabalik sa kwarto

“Ilayo nyu na nga yan dito!” Sabi ko sa kanila, aigoo grabe talaga ang bibig nun ni Dara polluted mabuti na lang mukhang hindi naintindihan ng matandang to ang mga pinagsasabi nya

“May pitbull pala kayo dito, iklian nyu ang tali nun baka mahampas ko yun!” Sabi ni Aleng Bebet saka umalis, Hayys mabuti na lang natapos na ang problema namin. Problem solved :D

ORPHANAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon