FELICITY'S POV
“Kamusta naman ang pagiging future teacher natin ,mukang kina-career ah?”
Napatunghay si Felicity sa nag salita, it was her old friend Leon.
Kababata niya ito at classmate mula pa ng elementary at college lang sila naghiwalay ng landas dahil nag Education siya at ito naman ay nag Business Management.
Mabait ito at magaling sa anumang sports, katunayan ay ito lagi ang panlaban sa Intrams ng kanilang University.
“Dapat talagang careerin ko ito, para ito kay lola eh” nakangiting sagot niya.
She knew Leon would understand what she said.
Siya ay laki lamang sa Lola niya na tanging kumupkop at nag aruga sa kanya ng iwan siya ng mga magulang niya noong nagkahiwalay ang mga ito-that was a decade ago.
Sa ngayon may sari-sarili ng pamilya ang mga ito sa ibang bansa.
Thankful pa din siya kahit napag iwanan siya dahil Lola naman niyang mabait at mapag aruga ang nakalakihan niya.
Lola niya ito sa ina niya na tanging anak lang.
Sumobra daw sa pagiging spoiled ng Lola ang ina niya kaya naligaw ito ng landas , yun ang sabi nito upang pagtakpan ang kamalian ng kanyang ina.
Pero alam niya na tunay lang na mapagmahal ang Lola niya at nais nitong isipin na lamang niya na ito ang nagkulang at hindi ang kanyang ina.
Oh how she love her Grandmother.
Pinangako niya dito na magtatapos siya ng pag aaral at pag may sarili na siyang trabaho ay hindi na nito kaylangan manahi upang may magastos sila sa pang araw araw.
Noon pa niya ito gustong patigilin sa pag tatrabaho dahil bukod sa matanda na ito ay may sakit din ito sa puso.
Hindi naman ito inaatake-at never niya yung gugustuhin.
Ang totoo ay balak niyang mag part time job ngunit ng mag paalam siya dito ay nalungkot ito at nagkasakit.
Ayaw nitong maghanapbuhay siya habang nag aaral,Mahirap daw yon at baka iyon pa ang maging dahilan ng paghinto niya.
Sumang ayon na lamang siya dito upang muli itong sumigla.
Sa ngayon ay maayos na naman ito at natutuwa dahil isang semester na lang at magtatapos na siya.
“Ang swerte talaga ni Lola sayo”sabi nito bago umupo sa bakanteng silya sa harapn niya,naglabas ito ng libro at binuklat iyon.
“Ako nga ang ma swerte dahil nagka Lola ako na mabait,maganda,mapagmahal,maasikaso,mapang unawa at lahat ng positive words and praises na bagay kay Lola” sambit niya at binuklat ang encyclopedia sa harap niya.
“Kung ganon mana ka pala kay Lola” napapangiti ito ng balingan niya ito.
“Sana nga, para maganda din ako”natatawang biro niya.
“Youre beautiful,believe me” napataas ang kilay niya sa sinabi nito.
“Kung gusto mo ng libre ngayon pasensya na pero gipit ang budget ko” naiiling na lang siya bago isinulat ang nakitang kaylangang salita.
He chuckled.“Tamang tama pala,ililibre sana kita ngayon,birthday ko kasi.”
Bigla siyang napatunghay sa sinabi nito.She gave him an asking look.
“Okey lang kung nakalimutan mo na October 23 ngayon.”Nakasimangot na pagtatampo tampuhan nito.
Lumingon siya sa dingding ng Library kung san nandon ang Giant Calendar nila.
Natakpan niya ang bibig ng makitang totoo ngang araw iyon ng birthday nito.
Dahan dahan niya itong nilingon with a very apologetic smile on her lips.
“Sorry naman, alam mo kasi,ahm,kakatapos lang nga practice teaching ko diba? Tapos thesis agad… Sorry friend, ha? Sorry na…” bahagya niya itong kinalog sa balikat.
Nakita niyang bahagyang tumamlay ang mata nito pero agad din itong ngumiti.
“Okey lang yon ,ikaw naman ang kaunahang bumati sakin last year” pagpapatawa nito.
She smile ,totoo yun , una niya talaga itong binati dahil nakita niya sa calendar ng antigo niyang cellphone na mag bibirthday na nga ito.
She even gave him a gift- a sign pen.
“Bakit ba naman kasi di nag alarm ang cp ko” sabay labas ng cp niya na 5 yrs na pero dahil bago ang housing hindi iyon halata.
“Okey na nga tara na lang magmiryenda!”sabay tapik na yakag nito.
Tumingin siya sa wrist watch bago binalik ang cp sa bag.
Alas kwatro na at naiiling siya ng maisip na hindi niya naalala ang oras, ala una pa siya nag reresearch.
“Sige na nga tamang tama at gutom na rin ako” nilikom na niya ang mga gamit at ibinalik ang libro sa shelf, ganun din ang ginawa ni Leon.
Bago sabay silang naglakad papunta sa cafeteria.

BINABASA MO ANG
The Campus Royal Couple <3 [ON GOING]
Teen FictionThe most noisy and nosy girl turned into a loner, to the rescue naman kaya ang kanyang sintang isa pang loner at kalahati? we'll see..ayy we'll read pala. ∩__∩v