“Sa akin inihabilin ang susi ng office”
Nakagat niya ang ibabang labi ng makilala ang nag salita ,binuksan niya ang ilaw.
“Ikaw lang pala yan Vince-”
napatanga siya at naputol ang papakawalan sana niyang paghinga nga maluwag.
“VINCE ?” what the heck is this beautiful creature of god doing here at this time?
“What?”walang anumang tanong nito.
“What the- what are you doing here?”
“I la-lock ko na sana itong office ng makita kong kasunod lang pala kita, I thought youre going to get something here so I waited.”nakahalumbaba pa ding sagot nito,he looks so cute.
“Kaya pakibilisan na lang kung may kukunin ka nga” naputol ang paglipad ng utak niya sa pahabol nito.
“Di kita napansin nagulat tuloy ako.”sagot na lang niya dito habang papalapit sa table ng President.
Biglang nag ring ang cellphone niya.
Muntik na niyang mabitawan ang cp ng makita ang pangalan ng caller. “Mama”
“Kung hindi mo sasagutin patayin mo na lang” napalingos siya kay Vince, ang talipandas niyang puso, nagwawala nanaman.
Tumingin siya sa kisame at huminga ng malalim bago pinindot ang answer button.
“M-ma..?” hindi niya inaasahang mangangatal ng ganun ang boses niya.
Naramdaman din niya ang bahagyang pagbara ng kung ano sa lalamunan niya.
“Felicity? Anak, kamusta na?”
Tears fell on her cheeks, isang taon na ang nakakaraan ng huli niyang marinig ang boses nito.
Matagal na niya itong kino contact pero hindi siya nito sinasagot, ngayon ay ito na mismo ang tumawag.

BINABASA MO ANG
The Campus Royal Couple <3 [ON GOING]
Genç KurguThe most noisy and nosy girl turned into a loner, to the rescue naman kaya ang kanyang sintang isa pang loner at kalahati? we'll see..ayy we'll read pala. ∩__∩v